Tumabi ako sa kanya. At tinanong kung ano bang nangyari.
"Bakit ka nakangiti?" nagtitigan lamang kami.
"Bakit ka malungkot?" nileaned niya ang noo niya sa noo ko. Nagkabanggaan ang mga ilong namin. Nagulat ako kaya agad akong lumayo.
"Loko to! Pagnakita tayo ni Yumi!" nagpout ako at umayos ng upo.
"Nakita ko si Hunter. Kinausap ko sya." isang direksyon lang ang tinitingnan ko. At talagang ramdam ko ang pagsesenti ko. Nasasaktan ako. :-\
"Tapos?"
"Bago yun, hindi ko naman talaga sinasadyang makita ang lahat nung...nag-aaway sila ng gf niya. Umiyak yung babae. Umiiyak din si Hunter."
"Si Hunter iiyak? Ang pipe na yun. Eh sya nga ang nabansagang 'Man of few word'. Ang lokong yun, wala syang pake sa nararamdaman ng iba. Ginagawa niya ang gusto niya. Kahit na....masaktan ang mga nagmamahal sa kanya." lumingon ako sa kanya.
"Mali ka! Sa aking nakita kanina, nasasaktan sya. Mahal niya...ang gf niya. :'(" tumungo ako. Lumuluha ang mga mata ko. Lokong luha to! Ngayon pa nagdrama! Aish! Tahan! Tahan!
"May gf na nga sya diba? Bakit nag-aalala ka parin sa kanya?" bigla na lang akong sumagot ng wala sa oras.
"Dahil gusto ko sya-- gusto ko sya...ng nakikitang masaya imbes na malungkot."
"Ganon mo ba sya kagusto?" nagkatitigan kami ni Hansel.
Ang mga tingin nyang parang madaming gustong sabihin, pero pinahihiwatig na lamang niya. Hindi ako pumalag sa mga tingin niya. Nang....1....2....3....
hinalikan niya ang forehead ko? :o
Lumayo ako.
At tinulak sya.
Lumuluha ang mga mata ko. :'(
"Hwa! Huhu! Bakit mo ginawa yun!" pinapawi ko ang mga luha ko gamit ang isa kong kamay. Nahulog naman ako sa upuan pagkatulak sa kanya. Iyak parin ako ng iyak ng parang bata. May topak yata ako.
"Bakit mo naman--" tumigil sya pagkatingin sakin. Huy Rezel, 16 ka na diba!? First year college? Aba't dale, tumayo ka dyan! Mukha kang tanga oh. Immature ka talaga! Pag nakita ka ni Yumi. Pagtatawanan ka ng Yuminyitang yun.
"Suitor ka ng bestfriend ko, kaya mali yun!" pinilit kong tumayo. At naglakad patungo sa pinakamalapit na exit ng room namin. Exit sosyal ako eh!
Pero bigla naman niyang hinawakan ang wala kong kwentang kaliwang kamay na tinatamad magpawi ng mga luha.
"Tinigil ko na ang panliligaw kay Yumi."
"At ngayon ititigil mo pa! Hwah!" hinawakan nya ang kamay kong nagpapahid ng luha ko.
At sinabi ang mga katagang kinakaba ng puso ko:
"Hindi ko tinigil dahil lamang sa nagsawa ako. Kaso...hindi ko tipo ang magseryoso sa panliligaw sa isang babae. At si Yumi, schoolmate ko sya. Alam kong kilala niya ako. Kaso, pagnakikita ko kung gaano kahalaga sayo ang bestfriend mo. Parang may pumipigil saking maglaro." sa madaling salita. Ang panliligaw na yun kay Yumi ay isang laro. Paano nya yun nagawa sa kaibigan ko? >:(