5Love

"Break na kami ng bf ko. He broke-up with me." yan agad ang narinig ko kay Yumi habang kumakain kami dito sa kwarto ko. Parehas lang pala kaming heartbroken. :-\

"The last time I checked, sundo-hatid ka pa nya ah." patuloy kami sa pagkain ng popcorn habang lumuluha ang mga mata sa kakapanood ng 'One More Chance'. Nasa part na kami na sinasabi ni John Lloyd yung pinakamatinik na dialog 'She had me at my worst and you had me at my best but you just break my heart.

"Ewan ko ba. Basta sinabi na lang nyang nasasakal na sya." humigob sya ng juice. "Ang gwapo ni John Lloyd." pahabol nya.

Ang ganda talaga ng One More Chance. ::)


"Sige uwi na ako, byebye!" kinawayan ko sya habang papalakad sya palabas ng gate. At pagsarado ko ng pinto. Huminga ako ng malalim.

"Bakit ba ang malas ko."

"Anak, lagi mong tatandaan na hindi sa itsura natutukoy kung malas ka o swerte!"
"Palagi mong iisipin, na isa kang 'Quintos', at gwapo at maganda ang mga magulang mo!" sabi nina Mama at Papa habang nagdadala ng makakain sa kwarto nila.

Binaba ko naman ang salamin na hawak ko. Grrr~ Mga baliw na mga magulan. Wala naman akong sinabing 'Pangit ako' ah! ARGH! Ang malas ko ngang talaga! >:(


"Yumi! Tungkol sa sinabi mo kahapon." tumigil sya sa paglalakad panandalian sa hagdan.

"Ayon kay Madam Turing, naisumpa na daw nya ang mukhang talong na yun. Binayaran ko lang naman ng 2k para mapagbayaran ng ex kong mukhang talong ang ginawa nya." nagpatuloy sya sa paglalakad. Sumunod naman ako.

Ang lakas talaga nitong mantrip kahit joke lang. >:(

"Ang totoo, gusto ko sanang ako na lamang ang gagawa ng sumpang naaayon sa kagustuhan mo." sakyan ko daw ba.

"Ay sige! Pagnakasalubong natin sya. Ihigh kick mo ah, yung tama sa pango nyang ilong." parang gusto ko na atang tumawa. Eh ang gwapo kaya ng x-bf nya tapos tatawagan lang nya ng mukhang talong with matching pangong ilong. Haha! Pero sa bagay...cute naman si Yumi kaya madali lang sa kanyang manlait. ::)

"So ano, nakamove-on ka na ba?"

"May dalwa agad akong manliligaw sa kasalukuyan." biglang nabuhayan ang dugo ko sa pakikinig sa mga walang kwentang words nya.

"Talaga!?" huminto sya.

"Oo. Hansel at Jeremy eh." at dumiretso na sya sa klase nya.



??? Hansel at Jeremy? Wow, bigatin ang mga pangalan. Ang appeal talaga ni Yumi sa mga lalaki. Sana kasing cute niya ako.