"Hayy... Nakakaantok.
Aray!!" napalingon naman ako sa taong bumatok sakin.
"Magpupuyat ka. Tapos tutulog tulog ka sa klase. Pwede ba Rezel, bumangon ka nga." agad naman akong bumangon. Parang ewan lang.
"Aish. Sige na una na ako sa sunod na klase. At ikaw, wag kang tulog ng tulog. Pag-ikaw nalate sa sunod na klase! Aish. Pasaway ka talaga." nginitian ko na lang si Yumi. At mabilis namang napawi ang mga ngiting yun, nung pagkaalis ni Yumi. Napatungo ako. Humawak sa mga mata ko. Ang sakit.
Ang hapdi ng mga mata ko. Hindi siguro nahalata ni Yumi na umiyak ako dahil nag-eyeliner ako. Haha! :-\ Buong gabi akong di natulog. At buong gabi din akong umiyak. At habang buhay akong masasaktan. Ng di nahahalata ng iba.
"Balik na sa klase!" binitbit ko ang mga gamit ko.
Naglalakad ako sa corridor. At nakasalubong ko naman si Hunter. :o thump.thump.thump.thump. Mukhang hindi pa handa ang puso kong harapin sya. Pero di ko naman yun maiiwasan diba? Tumingin sya sakin. Ngumiti naman ako.
"Hi!" walang halong fake ang mga ngiting yun. Pero ang hirap.
Yun nga lang. Mas masakit.. kasi nginitian din nya ako. And it makes my heart beat faster. Napatigil ako sa paglalakad nung nilagpasan na nya ako. Nanghina ako. At feeling ko titigil ang mundo dahil sa nangyaring yun. Hindi ako masaya, pero ang SAKIT-SAKIT. :'( Akala talaga ng lahat, ayos lang ako. Walang makahalata na... It hurts. And it breaks my heart into pieces.
Umupo ako sa upuan ko. Argh. Nawawala na naman ako sa sarili ko. Lumingon ako sa katabi kong feeling ko kanina pa akong tinititigan, simula nung pumasok ako sa classroom. At ang nakita ko... :( si Hansel. Natakot ako. Kaya agad na lang akong ngumiti. Pero... dinedma lang nya at lumingon sa ibang direksyon. Bumalik ako sa sarili ko. Napahiya ako diba? Pero bakit di ako nagagalit. Argh. :-[
"Who wants to answer question no. 36." nakahalumbaba lang ako at nakadungaw sa labas. Wala talaga ako sa mood makinig sa titser ko.
"I think you need to answer that, Miss Qui--"
"SIR!!!"
"What's with the loud voice Mr. Garadaya!?" dahan dahan akong lumingon kay Hansel na nakataas parin ang mga kamay.
"I just want to answer that, Sir." ngumiti sya. At narinig ko pa yung ibang estudyanteng nagbubulungan.
"Ang cute talaga ni Hansel no."
"Sana yayain nya akong makipagdate sa kanya, balang araw."
"Hahaha. Hindi nga kayo close e."
(-.-) Mga babaeng talagang to. Bakit ba itsura ng lalaki ang tinitingnan nila at hindi yung image.
"Then go ahead. And answer no. 36."
Mabilis natapos ang klase. Dirediretso naman akong lumabas ng classroom. Tumingin ako sa oras. 7 na. Ahh... huling subject ko na pala yun at dismissal na pala ang ibig sabihin ng bell kanina.
HEY! Hey! hey! Your lipstick strain.
On a frontlobe-~
Sinagot ko naman ang phone kong kumakanta.
"Hilo?"
"Hindi ako hilo! Uy nasaan ka ba! Pumunta ka na nga dito sa gate!" ay, si Yumi pala. :-\
"Oo. Naglalakad na nga si paa e."
"Ganon. PaVIP ka! Bilisan mo kaya." argh. Ito talagang si Yumi! Porket wala syang alam sa nararamdaman ko. Nakuu...
"Oo na po." tumakbo na ako pagkarinig na binaba na nya ang phone.
Malapit na ako sa gate. At malayo palang naaaninag ko na sina Jj, Yumi.... At sina Mica at Hunter. Napatigil ako. Hindi pa nila ako nakikita. Agad kong sinampal ng mahina ang pisngi ko! Hm! Back to pagpapanggap to the max na uli. :) :) :-\
"YUMI! 8)" pacool effect pa yan huh. "Saan ang punta?" ??? Inosente naman.
"Kina Jj. Sa bahay naman nila maghahanda ang Tita nya na may-ari nung resort. Nainvite tayo e."
"Ahh! Hihi~ chibugan to the max na naman ba ulit to! :D" naeexcite kong sabi.
"Guys!" lumingon naman kami sa taong nagsalita.
"Hansel, bago na naman?"
"Ugok! Bago ka dyan! Guys, si Wen." aw, kahanga hanga talaga tong si Hansel oh. ??? Tumingin sya sakin, ngumiti naman ako. At....inarapan nya ako. ???
"So tara na?" at nagsimula na kaming maglakad.
Sumakay kami sa van nila Jj. Si ang nasa likod ng front seat na unang upuan sa likod ay si Hansel at ang gf nyang si WEN daw, katabi si Jj. Tapos sa likod, si Hunter, Mica na dapat susundan ko pero inunahan ako ni Yumi. Ako with a look like this ??? Ang sabi naman ni Yumi.
"Rezel, upo ka na sa una. Gagabihin tayo nito e." at ako naman nod lang ng nod at pumunta nga sa front seat katabi ang driver.