19Love

"Sigurado masaya dito, hehe." Nasa harap palang kami pero rinig na rinig ko ang mga nakakapanindig balahibong hiyawan ng mga babae sa loob.

Naiimagine ko tuloy na ang karamihan dun ay mga couple. Siguro....nakakamanyak ang mga lalaki dun. :o :o

"So, tara na pila na tayo." pinigilan ko si Hansel na nakahawak naman sa kamay ko. Napalitan ang ngiti nya ng pagtataka.

"Sigurado ka bang gusto mong pumasok dyan? Kahit konti...di ka natatakot?" naiiyamot kong tanong.

"Lalaki ako. Bakit ako matatakot? Atsaka..." bigla syang lumapit sa mukha ko na akala ko hahalikan nya ako. "...Kasama mo ako, kaya wala kang dapat ikatakot." 8)

Naiimagine ko na kung paano nya ako pagsasamantalahan sa loob habang natatakot ako. Aakbayan nya ako, yayakapin, o di naman kaya hahawakan nya ang kahit na anong parte ng katawan ko, at ako naman...walang magawa kundi ang matakot lang.

Mawawala ako sa sarili pagnatatakot ako! Perverted play boy! >:(

Agad kong binawi ang kamay ko.

"Kung gusto mo dyan, mag-isa ka!" lumayo ako. At inaasahang sasama parin sya sakin...

"Ano bang iniisip mo? Ayaw mo bang maging memorable ang pagiging magfling natin ???" loko ka talaga Hansel.

Manyak! :'(

Umiling ako.

"Okay. Have Fun." tumalikod sya at dirediretsong pumila. Hindi pa man ako nakakaalis, pero kitang kita ko kung paano sya lapitan ng mga babae dun, nakaramihan ay mga sexy. >:(

Tumingin sya sakin na parang sinasabi na 'ayaw mo talaga huh, bahala ka....' demonyo talaga! Bahala ka! I will have fun!!! >:(

Naglakad lakad ako. Bumili ng ice cream. At naglakad lakad uli. 20 mins. na pero dala ko parin ang galit at inis kay Hansel. Hmm... 20 mins. na, tapos na siguro yun.. siguro naman hahanapin na nya ako? :-\

Bumalik ako sa paglalakad. At pagharap ko, may biglang bumangga sakin. 'Ouch!

"Rezel?" agad akong lumingon sa boses na nagpatibok ng aking puso.

"Hunter?"



Binigyan nya ako ng zagu. Gutom na kasi sya kaya sya naggagala. And this time, without Mica ang drama. Haha!

"Hinahayaan ka na ni Mica? Wow. Dati rati, talagang parang anino mo na sya ah." tumingin sya sakin. As usual, palagi syang seryoso. :-[ thump.thump. At napansin ko rin ang sobra nyang kagwapuhan.

"Nakasalubong sya ng mga old friends nya. Sumama sya at hinayaan ako. Since..." tumingin sya sa orasan. "...may gusto akong puntahan na alam kong ayaw na ayaw nya." e ako pwedeng sumama-- e este. Hmm... Hihi! Must be fate, iniwan kaming pareho ng mga partner namin. :D oh tadhana! Salamat! :-*

Bigla syang tumayo. Ako naman, agad na sumunod.

"So hindi talaga coincidence, talagang ayaw lang ni Mica'ng samahan ka sa lugar na gusto mo na ayaw nya." ang ganda ng likod ni Hunter. :-[ Just now, parang ang sarap nyang yakapin. ::)

"Noon naman kasi, pag ayaw nya, wag na lang para sakin. Sya kasi lagi ang nasusunod. Pero....kahit hayaan ko syang gawin ang mga gusto nya, nasasaktan parin sya sa huli." mahal talaga ni Hunter si Mica. :-\ "Noon yun, nung.....hindi ka pa nagiging proof na mahal ko talaga sya." pero...masaya ako dahil kahit ganito, nalalapitan ko parin sya.

Nagulat naman ako ng bigla syang huminto at tumingin sakin. Ulo hanggang paa.

"Ah pasensya na--"

"Gusto mo bang sumama na lang sakin?" walang ibang expression ang mukha nya. Seryoso to at may sincerity. Ang gwapo ni Hunter. Para ngang ngayon lang... tumigil ang oras para saming dalwa. Na ako lang at sya. Na lahat ng nasa paligid ko.... TINUBUAN NG ROSES :D :D :D


"Upo ka." sabay tapik nya sa upuan na katabi sa kanya.

Umilin naman ako, "Hindi ako marunong maglaro nyan e. :-[" nakakahiya! This is an opportunity!

Tumingin lang sya sakin ng walang sinabi at agad na naghulog ng token. Nagstart na yung game. Isa syang race. At habang nanonood ako. NAPAHANGA AKO! ANG GALING NI HUNTER!!! :D Nakatayo parin ako sa likod nya at pinapanood yung tv na nilalaro nya. Parang totoo! Pero ang galing nya. Halos walang kabangga! :D tapos... :o Napansin ko yung batok ni Hunter. :o ::) :-[

The next thing I know, nakakapit na ako sa upuan nya at inaamoy ang leeg nya. Hmm... Ang BANGO ni Hunter. :D

"YOU WON!"

"Anong problema?" napadilat ako ng mata kaagad. At pagmulat ko, ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. :o :-[ :-[

Agad akong lumayo.
Bigla namang gumalaw ang mga kamay ko at pumalakpak to. Habang sinasabi ko naman to:

"Ang galing! H-a-Ha! Hahahaha! Ang galing! Galing! Galing! ... E eh... Hmm..." napatigil ako ng mapansing paring ganito parin ang expression ng mukha nya ??? Hmm... :-[ Alam ko mukha talaga akong tanga.

"Bagay sayo." agad syang tumalikod. Lumapit naman ako kasi naoffend din ako no.

"Hindi kaya!--" napatitig naman ako sa kanya. ... Nakangiti si Hunter. :-[ Nakangiti ba sya dahil sakin? Ihihi :) :)

"O bakit nakatitig ka sakin?" nakuu... Anong gagawin ko? :o "Halika, umupo ka. Testing mong maglaro." ah... oh... :-[ :-[ Ang pula pula ko na siguro.

"Wah! Nag-istart na! Anong gagawin ko! Wah!" agad nyang hinawakan ang manubela at inikot ikot.

"Igalaw mo lang to ayon sa direksyong dinadaanan mo." hindi sya nakatingin sakin. At sa 1st round na yun.












Na-GAME OVER ako!