35Love

Ang Hansel na yun. >:( Hindi nya iniisip ang mga ginagawa nya. Kahapon, may kasama na naman syang ibang babae. Hindi ko kilala. Pero isa na naman siguro yun sa mga babae nya. Kung hindi, e bakit nakaakbay sya. Atsaka .. ang lalagkit ng mga tingin ng mga babaeng yun sa kanya. Hmf!

Nabuo ang isang imahe ni Hansel sa utak ko. Nakangiti. Kung paano sya ngumiti sa mga babae nya. Argh! Mabuti na lang kahit na nakafling ko sya nun, hindi ako basta nafall sa mga matatamis na salita nya. Sa mga mahihiwagang salita nya. Hmf! Mga bulag lang ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya..

Bigla namang nabago ang imahe ni Hansel sa utak ko. Sumeryoso. 'Hanggang ngayon, ganyan ka parin. Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilan ang hindi tumingin sayo. Hanggang ngayon.. gusto parin kita alagaan.' pero.. ang gwapo nga naman kasi ni Hansel. Ang puti nya. Matangos ang ilong. May taling ang ilalim ng kanang mata nya. Nakakaakit nga naman yung mga tingin nya. Masarap naman syang kasama. Mapupula din ang mga labi nya. Tapos pagnakangiti sya, mapapangiti ka nga naman. Gwapo kasi ang kaharap mo.


Pero... :-\

Pagkaharap ko sya. Hindi ko matanggal na si HUNTER ANG GUSTO KO. Yung mga tingin ni Hunter na malamisteryoso. Yung tipong gusto mo palaging masaya. Natatakot kasi ako pagseryoso si Hunter. Hindi ko kasi malaman kung malungkot o masaya sya. Kaya mas lalo ko lang syang nagugustuhan. Matangos din ang ilong nya na parang gusto mong hawakan to. May taling naman sya sa malapit sa baba nya. Tapos sya yung tipong minsan lang ngumiti. Kaya pagngumiti sya, parang kinacapture nya ang puso mo na dapat magkagusto ka sa kanya. Mapupula din ang mga labi nya na parang gusto mong hagkan.

Yun ang pagkakaiba e.. yun ang pagkakaiba nila. Kaya hindi ko magawang mapansin si Hansel. Palagi na lang MUNTIK! Oo, muntik na akong mafall ng ilang beses kay Hansel. Pero darating naman bigla si Hunter. Babalik yung katotohanan na, itong taong to.. ang gusto ko.

Ngayon ko lang naintindihan... thump.thump.thump. Na GUSTO AKO NI HANSEL at kaya AYAW NYANG LUMALAPIT AKO KAY HUNTER, AY DAHIL ALAM NYANG MASASAKTAN AKO.


"Rezel? Okay ka lang ba?" napatingin ako sa paligid namin. May mga tao palang nakatingin. Tapos tumutulo pa yung luha ko. :'(

"Wah~ nagugutom na kasi ako." ginawa kong excuse. Natawa naman ng konti si Hunter. Tapos hinawakan nya ang kamay ko.

"Tara kain na tayo."


Umalis na kami sa timezone at naglakad paalis dun. Ramdam ko parin ang malalagkit na tingin sakin ng mga tao. Naweweirduhan siguro sila sakin. Sinong hindi? Isang babe umiiyak habang tulala. Baliw lang ang ganon.


Atsaka..

Bakit ko ba iniisip si Hansel, e ang kasama ko naman si Hunter. Pero naisip ko rin.. ang dami ko palang naligtaan sa tunay kong nararamdaman. Puro feelings lang kasi ni Hunter ang iniisip ko. Dapat yung feelings ko naman ang iniintindi ko.

"Sorry huh. Nadamay pa kita sa kahihiyan ko kanina. :-[" ngayon ko lang narealize ang sobrang kahihiyan. Ang LATE REACTION MO TALAGA REZEL! :-[

"Okay lang. Ako nga ang dapat magsorry. Nadadamay ka ata sa problema ko. Sabi ko na e.. hindi dapat kita ginagawang pampalipas oras. Hindi ko dapat sinasamantala ang kasiyahan ko na kasama ka." lumungkot si Hunter. Hinawakan ko ang mukha nya.

"Ngumiti ka. Ang seryoso ng mukha mo. Heto!" sinubo ko ang fries sa bunganga nya. At tinawanan sya. :-[

Ngumiti rin sya. :D

Masaya naman ako e. Pero.. selfish man. Gusto ko palaging ganito. Na sana malimutan agad nya si Mica. At AKO NA LANG. Ako na lang ang mahalin nya. :'(



"Bye! Salamat sa oras." ngumiti sya. Mamaya pa't... :o :'( lumapit sya at niyakap ako. "Hindi ko alam kung bakit napakabuti mong kaibigan sakin. Pero pangako.. pagnangailangan ka ng tulong.. nandito lang ako." aalis na sana sya.












"AKIN KA NA LANG." biglang lumabas sa bibig ko.