"HUNTER!!!" lumingon naman sya kaagad. Ngumiti naman ako at agad na lumapit sa kanya.
"Ikaw pala Rezel.."
"Kakain ka? Tara kain tayo." nauna akong maglakad.
Sabay naman kaming naupo na may parehong dalang tray. Ngumiti ako sa kanya. Ganon din naman sya. Sumubo ako ng malaki sa burger ko. Napatingin naman ako sa kanya. Tapos nginitian ko sya. Nagulat naman ako nang kumuha sya ng tissue at pinunasan ang tabi ng lips ko tapos nginitian na rin nya ako. Ngumiti narin ako.
Pagkatapos ng klase. Tinext ko sya. Sabi ko:
Quote
To: <3_HunterMessage: c:
Nagreply naman agad sya.
Quote
From: <3_HunterMessage: Mag-ingat ka.
Muntik naman akong matakid. May malaking bato na pala sa harap ko. Agad akong umayos ng tayo at hinanap sya. Nakita ko pa na sumenyas sya. Kumaway naman ako.
Quote
To: <3_HunterMessage: Tapos na klase mo?
Quote
From: <3_HunterMessage: c:
To: <3_HunterMessage: Gusto mo, labas tayo.[/b]
Napatingin naman ako sa kanya sa di kalayuan. Nakatingin lang din sya sakin. At sabay kaming nagkangitian sa isa't-isa.
Pagkatapos ng gabing yun. Inihatid naman din ako ni Hunter samin. Nagpaalam na syang aalis at pinanood ko lang syang umalis dito sa harap na bahay namin.
"Goodnight." tumalikod na sya. Humarap naman ako.
"Alam ko nasasaktan ka." hindi ko napansin lumuluha na ang mata ko.
"Ano pang magagawa ko. Nandyan na e." hindi ko alam kung paano pero bigla ko na lang syang niyakap.
"Nandito lang ako Hunter. Pagkailangan mo ng kadamay. Ng magpapasaya sayo. Nandito lang ako." naramdaman ko naman ang mga kamay nya. Niyakap din nya ako.
"Salamat."
Hanggang ngayon. Hindi parin nag-oopen si Hunter sakin. Palagi kaming magkasama. Pinapangiti ko naman sya. Yun nga lang.. hindi ko alam kung masaya ba talaga sya pagkasama ako compare kapag si Mica.
bzzt.bzzt.
Quote
From: <3_HunterMessage: Nag-enjoy ako. Goodnight. Sweetdreams. c:
Napangiti naman ako.
Ngayon nasa isang bench ako. Mag-isa, gumagawa ng ass. Ang dami naming ass. Nakakaloka na nga e. Halos di ko na maibo ang pagkain at cellphone ko. Hehe! Syempre kasama ang cellphone. Si Hunter kasi.
Mamaya pa't may biglang lumapit sakin. Syempre. Ngiti to the max na naman ang lola nyo. Sino pa ba?
"Busy ah?" nilapag nya yung mga gamit nya. At kumuha ng isa sa mga notes ko.
"So nandyan na pala kayo." ang gwapo ni Hunter. Ang close na talaga namin! Feel na feel ko e no. Haba ng hair ko. :D
"Bakit!?" :-[ :-[ :-[ nahuli nya akong nakatingin! :o
Pero mas nakakagulat nung... :o
NGUMITI SYA! :D :D
"Tara. Tutulungan kita." waaah ang bango ni Hunter.
Tinuro nya sakin yung mga topic. Hindi lang isang subject pero lahat ng may ass. At natapos kami sa loob ng 2 oras. Buti na lang free kami ng mga oras na yun.
Nagkapaalamanan na kami. Papunta sa mga sunod na klase. HAYYY.. ang sarap namang maging kaibigan ni Hunter. Paano pa kaya ang maging boyfriend sya? AH? ??? Yung Jaja yun diba? May kasama syang iba?
Ah? Umiwas ako pagkahuli nyang nakatingin ako.
"Wait. REZEL!!!" tumingin ako. Bakit kaya?
"Bakit ka umiwas? Nag-iisa ka lang?" nakangiti sya. Cute naman nya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maguilty. Napatingin din ako sa lalaking nakatingin samin na kasama nya.
"Uhm."
"Ahaha! Wag mong sasabihin kay Hansel to ah. Ang totoo, suitor ko sya. Pero... pansamantala lang naman. Kasi... gusto kong si Hansel mismo ang manligaw sakin!" mas lalo akong naguilty. Sino bang hindi. Kung alam mong yung taong gusto ng taong kaharap mo na mukhang nice ay walang aasahan.
Naiinis tuloy ako kay Hansel.