"Hansel?" tawag ko ng makita syang nagluluto sa kusina namin. Hindi parin makakauwi sina mama at papa, nasa business trip sila.
"Gising ka na. Hehe. Nangialam na ako dito sa kusina. Gutom na ako." talagang hindi sya umalis.
"Tutulong na ako." agad akong lumapit sa kanya.
"Tapos na po." bigla nyang isinubo yung bilog na hotdog sa bibig ko at ngumiti. Medyo nalungkot ako. All this time palagi kong hinuhusgahan si Hansel at ikinukumpara kay Hunter, pero mabait naman talaga sya.
"Salamat."
"Oo naman. 8)" argh.
"Alam mo magpasalamat ka talaga at wala ako sa mood makipag-away sayo. Ang hangin mo talaga >:(" hindi man lang nagbingibingihan. Ito rin ang ayaw ko sa kanya, masyadong straight forward.
"haha. Mayconsequence lahat ng to noh." tiningnan ko sya at seryoso naman sya pero bigla syang ngumiti ng tumingin sya sakin, "You have to be my girls! ;)" :o
Nung una, kumulo talaga ang dugo ko. Pero ang makitang sincere ang mga ngiti ni Hansel at walang halong panloloko. Kaya...
"Okay." hindi ako ngumiti. At nakita ko naman syang ganito ang look ??? Nagulat ba sya o nagbibingibingihan.
"Sandali, baka di mo alam ang ibig sabihin ng fling--"
"Chikboy ka nga at mahilig sa mga babae. Magiging ISA ako sa mga babae mo, HINDI GIRLFRIEND! Wala akong karapatang kwestyunin ka, lalo na sa pakikipagfling mo sa ibang babae. Hindi rin ako pwedeng mainlove sayo kasi nga fling lang yun. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun, pero alam ko ang hangganan ko." medyo nagulat sya sa inasta ko. Tapos bigla na lang nyang pinat ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Ang seryoso mo naman." habang tumatawa. Nakatingin lang naman ako.Tumungo ako.
"Please... gawin mo ang lahat para makalimutan ko si Hunter."
Sabay na kaming pumasok sa school. Hawak nya ang isa kong kamay. Ganon din naman ako. Minsan nga feeling ko ang strange na ng nararamdaman ko. Mas lalong gumagwapo si Hansel. Kumikinang pa sya pagtumatawa sya. Hindi ko to naramdaman kay Hunter nun. (o.O) Dahil siguro FIRST TIME ko! At hindi pa girlfriend, kundi ka-FLING lan. >:(
Argh!
Napatungo ako dahil sa nakikita kong may mga matang nakatingin samin. Wah! Gusto ko ng mawala ng parang bula! Paano kung... makarating to kay Hunter! :o
Bigla akong bumangga kay Hansel. Bigla kasi syang huminto. ??? Ano bang problema nito?
Pagkasilip ko, :o :o :o
"H-a-n-Z-e-l!!!" seryosong pang-aasar ni Yumi. >:( Biglang ngumiti ng pagkalaki laki si Jj.
"WOW!!! :D bagay pala kayong dalwa talaga e!" kulang na lang sumayaw siya sa sobrang saya at kilig.
Si Hansel naman, medyo sumide-view na nakatungo at nakataklob pa yung fist nya sa bibig mo. Na animo'y kahit anong oras ay tatawa.
"Congrats Rezel! 8)" she grinned.
BOOM!!! Sabog na talaga ako. NAKAKAHIYA!!! :-[ :-[ :-[ :-[
Bigla kong binatukan si Hansel. At lumingon naman sya ng nagpipigil ng tawa. Ang gwapo nya. Hehe ::)
"Haha! Ang pula pula mo Rezel." napatawa din naman ako. Pero hindi naman tawang tawa.
"Ikaw din kaya!" sabi ko ng may kasamang suntok sa tyan nya pero di naman malakas.
"Ang sakit huh." hinawakan nya ang isang kamay ko.
Tapos tawa na lang kami ng tawa. As in kami lang dalwa ni Hansel.
"Ang cute nila. Parang talagang tunay na COUPLE!" marahan na tumingin si Jj kay Yumi na parang pinapahayag nitong gusto din nyang mangyari sa kanilang dalwa ang ganong kaSWEET SCENE. --> yuri.
"Kadiri ka. Kung gusto mo, maghanap ka ng ibang kapartner mong maloloko mo sa kwentong to." at nagwalk-out sya. Kawawang Jj. --> yuri.