...Ibigay lahat' anong lahat? Lahat ba ng pagmamahal? :-\ *teardrops* Sa tuwing na lamang makikita ko si Hunter, lahat na ng nararamdaman ko sa kanya noon pa bumabalik ng kusa. Parang akong sasabog. Mababaliw ako. Mahal ko na talaga ang taong yun. Kaya mahirap na gawin lang ang sinabi nya. Taon... Taon ang bibilangin bago ko sya malimutan ng tuluyan. :'(
Paano ko nga ba malilimutan ang taong to? Kung mismong ang tadhana na ang naglalapit samin. :-\
Sigh.
"Nagdesisyon na akong kalimutan sya. Pero...eto si pagkakataon. Kung kelan naman, gusto ko na talagang kalimutan sya saka pa kami naisipang paglapitin!"
"Hindi na sana kita isinama dito, kung hindi ka naman pala okay na kasama si Hunter. At ang......gf nito." Argh! Nandito rin ang gf nya. Tss. Paano ko ba talaga maiiwasan si Hunter? Eh mas lalo lang akong mahuhulog nito sa taong gusto ko kung nakikita ko syang masaya kasama ang gf nya, mas lalo ko lang mararamdaman na....GUSTO KONG MAGING GF NYA.
Naiwan akong naglalakad. Pumunta na si Yumi sa kwarto namin. Nandito nga pala kami sa isang beach resort kung saan niyaya kami ni Jj, you know...the bestfriend's boyfriend. Beach to ng isa sa mga kamag-anak ni Jj, sinecelebrate ang ika-25th anniversary ng beach resort. Talagang malakas ang kita ng resort. Halata naman e, ang laki kasi at ang ganda. Parang paraiso. :D
At kasabay ng pagdidiscover ko dito sa beach resort na'to, nadiscover ko naman kung gaano kalandi yung Hansel. (-.-) Tss. Makipagflirt daw ba sa mga girls dito. :o Hmm... Nahuli naman nya akong nakatingin sa kanya. At nginitian nya ako. Syempre. Inirapan ko na lamang at nagpatuloy ako sa paglalakad.
lakad.lakad.
"Ah?" hmm... :-\ Dapat pala natulog na lang ako. Nakalimutan ko yatang kasama nga pala namin sila. :(
"Miss Rezel!" biglang tawag ni Mica. Nahuli yata nya akong nakatingin sa kanila, mga 5 seconds ago.
Hindi kami magkakilala talaga. Pero dahil magkasama na kami sa iisang grupo ng isang barkada, pansin ko naman na friendly sya. At...sensitive masyado.
Lumingon ako at nagfake ng ngiti.
Tss. Kanina pa kasi sya dikit ng dikit kay Hunter. Parang linta. Akala mo naman mawawala si Hunter sa kanya kapag binitawan....ang kamay. >:( OO MAGKAHOLDING HANDS SILA. KANINA PA!
"Hi Mica." napatingin naman ako kay Hunter. Nakatingin lang naman din sya sakin. With a blank expression. Babatiin ko ba sya? :-\
"Mag-isa ka ba?" pasulyap sulyap naman ako kay Hunter. ::)
"Ahm oo. Tulog.... na si.... Yumi.... e." tingin uli. Ang GWAPO nyang talaga! :D
Biglang nagkameron ng meaning ang expression ng mukha nya. ??? <- ganito ba. Siguro nahuli nya akong tingin ng tingin sa kanya. WAAAAAH! Ang gwapo na kahit anong expression ng mukha ni Hunter! :D
"Uhm, gusto mo bang sumama samin ni Mica?" parang namumula sya ng konti. :o
Dahil kaya napapansin nyang sa kanya lang ako nakafocus :D o baka naaalala na nyang 'ako nga pala yung gumawa ng love letter na yun' :D Kahit ano pa... NAPAPANSIN NA AKO NI HUNTER.
:o
Nagulat ako ng biglang nilink ni mika ang mga kamay niya sa braso ni Hunter.
"Uhm. Miss Rezel, you know that couple also needs privacy." napaiwas ako ng tingin.
"Hindi rin naman ako OO eh. Kasi, gusto ko talagang mapag-isa." ilang beses ko bang sasabihin at ididikta sa isipan kong DAPAT KO NA TALAGANG KALIMUTAN SI HUNTER.
"So bye. Let's go there Hunter." napatakip ako ng bibig at suminghot.
Maiyak iyak na ako sa SELOS, INGGIT, AT PAGKAINIS. "Nakakainis kasi si Yumi, ang aga matulog!" naglakad na ako....at may biglang humawak sa kamay ko.
???
"Hayy... Ang sarap pumunta sa tabing dagat." tiningnan nya ako. At...
ngumiti sya.