52Love

"Rezel! Ako na dyan!" kinuha naman na niya ang gamit ko. :( Oo. Sineryoso nga ni Lyndon ang pagpayag ko sa kanya. Kaya ngayong ginagawa nya lahat para patunayan ang sarili nya.

Hinahatid nya ako sa klase ko. Tapos nag-exchange din kami ng schedule. At gaya ng inaasahan ko sa isang manliligaw noon.. nagagawa yun ni Lyndon. Ganito pala nakakailang..

"Tapos yung coin pala e may tali, ibig sabihin nakalibre sya ng drinks." tumawa naman kami parehas.

"Hi! Rezel! Hi, Lyndon!" napalingon kami pareho. At.. nakasalubong namin sina Erika, Jj, Hansel, at Noa.

"Tol, seryoso ka talaga huh!" nagkamot naman ng batok si Lyndon.

"Ibig sabihin. Kung magkataon, maaaring si Lyndon ang maging first bf ni Rezel!" nakipaghighfive pa sya kay Erika.

Nagkatinginan naman kami ni Lyndon. Ngumiti sya. :o

"..Pwede rin. 2 pa naman ang nagiging ex ni Lyndon e. Kaya sigurado ako na hinding hindi ka lolokohin nyan." ???

"Salamat pare. Akala ko hindi ka approve e." nagtaka naman ako sa mga tingin nila na mukhang ako lang ang nakakapansin. ??? Nag-aaway tingin ba sila Lyndon at Hansel.

Kinabukasan, ganon uli. Minsan natatanong ko kay Lyndon na kinakabahan ako sa mga ginagawa nya. First time ko kasing magpaligaw. At ganito pala ang feelings. Nakakailang! Parang di ako sanay a. Minsan parang ayoko na, pero nakakatuwa rin pala. :-\ Mas mabuti to para di ko na magulo pa si Hansel.

At gaya namin ni Lyndon. Mas nagkakamabutihan daw sina Angelica at Hansel. Ngayong gabi nga e pupunta kaming Bar. Niyaya kami ni Angelica. Pero isang oras na kaming naghihintay sa labas ng bar, wala parin si Hansel.

Medyo nalulungkot na nga si Angelica e. Mukhang pinapaasa sya sa mga sandaling to ni Hansel ??? Hindi rin namin kasi sya macontact. Pero.. bakit--

"Hello!? Hansel! Darating ka pa ba!?" si Angelica. Sa boses nyang yan, parang inis na sya na naiiyak pa.

"Pero!" ano kayang pinag-uusapan nila ??? Darating pa kaya si Hansel? "Okay." inend na nya yung call.

Lahat naman kami napatingin sa kanya.

"Pumasok na muna daw tayo." malungkot si Angelica. Mukhang.. di na nga makakadating si Hansel. ::)

At pagkapasok namin sa bar ??? Walang tao? At..

*strumming*

Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta
at nagsisintonado sa kaba

Si Hansel :-\ Nasa bar pala sya. At.. kumakanta pa sya. Ibig sabihin..

"Wow ang sweet. For real, kumakanta si Hansel? :o First time kong marinig boses nya." :( sabi pa ni Erika.

Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
Saiyong tingin ako'y nababaliw, giliw
at sa awiting kong ito'y sana'y maibigan mo
Ibibigay ko ang buong puso ko.
Sa isang munting harana, para sayo!

Parang tanga lang no. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. Kinantahan ni Hansel si Angelica. Kinantahan ng isang lalaki ang isang babae. Hindi na'to normal. :-\ Akala ko ba.. si Aj ang nanliligaw. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Ayoko na. Mukhang talo na talaga ako. :'("Okay ka lang ba?""Uh salamat." tinanggap ko naman ang juice na binigay ni Lyndon sakin. "Ang swerte ni Angelica.. Sigurado, magiging masaya sila sa isa't isa."




"So from now on, magseseryoso na talaga si Sel kay Aj!" dapat siguro hayaan ko na lang ang mga bagay na dapat mangyari :-\