"Hanggang ngayon ba sinusumpa mo parin ako." kaharap ko ngayon si Yumi. Nasa bench kami. At ang topic: yung about that guy na nakatulog sa balikat ko at hinipuan pa ako! >:(
"Alam mo Rezel, ang kamalasan nakakabit na sa katawan ng isang tao. Bakit...kasalanan ko bang may balat ka sa pwet." nagsasagot sya ng mga homework.
"Huy wala akong balat sa pwet huh! Birth mark siguro pwede pa! :-[" binuklat ko ang book ko.
"Haha!" nasabi ko bang hindi pa kami really bati, pero nagsasama naman kami at nag-aasaran. :P Never to mention.
"Ano nga bang pangalan ng lokong yun!?" bigla kong alis ng libro ko sa paningin ko.
"Aba malay. Di mo naman ako kagaya na puros crush lang ang inaatupag nung hs kaya hayan, di magawang mag-aaccountancy gaya ko." patuloy parin sya sa pag-aasikaso sa schoolworks nya.
"Nerd." at nasabi ko bang kahit di kami same school, eh magkapit bahay lang kami? Hmf! Never to mention. Wala naman kasing kwenta. :P
Pabalik na ako sa sunod kong klase nang makasalubong ko si Hunter. Este malayo sya sakin, may kasama sya ??? Familiar? :o Yung loko! >:( WAH! Baka naibigay na nya kay Hunter...hmmm...bigla namang umalis si Hunter? Ngumingiting mag-isa yung loko. Tapos, may dumating na babae. Inakbayan niya. Hayy...ang chikboy talaga. Hmm... Paano ko kaya malalapitan ang lokong to ng hindi nakikita ng iba.
Uwian na. Pero nasa isip ko parin ang nangyari. Anong gagawin ko? Kailangan makuha ko na agad ang love letter ko! Hm. Wala man lang akong message ni isa. Hayy...ano na bang nangyayari kay Yumi.
Naglakad-lakad ako. At BANG!
"Do I know you?" may biglang humarang na lalaki sa dadaanan ko.
"Ah sa cafeteria. Nagkakilala tayo!" kakaunti lamang ang mga taong nakakabangga ko sa isang araw. At kung sineswerte, lalaki. Ang alam ko, hindi ako lapitin at pansinin ng mga lalaki, pero ang lalaking nasa harap ko ngayon ay malakas na loob akong kinakausap.
"Wala eh--" naaninag ko naman si Yumi na paparating na. Agad akong kumaway at tinawagan sya.
"Ano yan? Manliligaw mo?" napatingin kami parehas ni Yumi sa likuran ko. Dun sa lalaking kanina pang buntot ng buntot sakin.
"HINDI NO!" sabay pa naming sabi nung lalaki. Aba't >:( Hayy...sabi ko na nga ba at hindi ako maapeal sa mga lalaki.
"Uwi na tayo!" nilagpasan lang namin yung lalaking yun.
Pati ako napaisip. Este napaisip muli ako, siguro 'pangit' talaga ako. Haha >:D kailan kaya ako magkakabf noh? Simula hs hirap na akong makipaglapit sa mga lalaki. Ang mga lalakin yan, palagi na lamang akong nilalayuan. Hayy...sana pala sinagot ko na yung mga lalaking nagtatanong sakin sa text kung pedeng manligaw. Haha! >:D Hindi rin! Gusto ko talaga si Hunter eh,
"REZEL!" napalingon akong kabiglaan sa likod ko.
Muntik pa nga akong mahulog sa bench habang nag-aaral eh. Tapos...yung lalaking kahapon lang pala ang tatawag sakin. Hehe! Akala ko may nakakapansin na sakin. 8)
Tumayo agad ako.
"Sandali!" sinamaan ko sya ng tingin.
"Wah! Nakakatakot ka ngang talaga!" insulto ba yun? At kung natatakot sya, bakit nakangiti sya. Ang gunggong na to, upakan ko na'to! >:(
"Hehe. Ahm! Pwede bang manligaw!?" nanlaki ang mga mata ko. Wait, biglang nalaglag ang mga mata ko! :o Nasaan na ba ako!
"....kay Yumi?!" at di lang mata ang nalaglag sakin, pati na yata ang mga panga ko. Grrr~ Pagdi umalis ang gunggong na to sa harap ko, ihahigh kick ko to! >:(
Tinalikuran ko sya!
"Sandali!" WAAH! :o Bigla nya akong niyakap.
Tapos...
*PAK*
Hindi ako ang sumapok ha. ::) ??? Pagkatingin ko.
:o "Hindi tamang yakapin mo ang isang babae kung wala naman kayong relasyon." sya? ???
"Sorry naman. Ah- eh bakit ikaw! Sa mga babae mo, nahahalika--" tinakpan agad nya yung bibig nung gunggong. At tinulak.