Dahil linggo, napag-usapan ng barkada na pumunta sa carnival. Para daw malibang naman kami. At pagdating namin dun. Bumili ng ticket.. tapos napagpasyahan na partner-partner. Syempre sino pa bang magkakapartner, si Yumi-Jj, Hansel-Aj, ako-Lyndon, at Eka-Noa. Nakakatawa noh, dati kasi kami ni Hansel. Haha.. at dati kina Hunter at Mica ako nagseselos. Mukhang ngayon, iba na.
Parang couple na talaga sina Hansel at Aj. Sabi pa naman nila.. nagliligawan pa sila. Then.. what's with the hands? >:( Agh.
"Tara kumain muna tayo. Nagugutom na ako. May alam akong masarap na burger." e kami nga ni Lyndon. Hindi makapagholding hands. Ni di nga nya ako mahawakan e.
"Wow ang sarap nga Lyndon!"
"Masarap magtakaw ngayon. Tara, magshomai!"
"Bili ka na rin ng drinks!" kinagat ko naman yung burger ko. Nagulat ako nung makitang pinupunasan ni Lyndon yung sa may labi ko.
"Madami kasing sauce yan." pinanood ko lang syang punasan ang bibig ko. Hindi ko naman sinasadya yun e.
"Wow ang sweet!" napatingin kami sa umimik. Si Hansel at Aj :-[
"Kayo pala."
"Sinundan ko kasi si Hansel magCr. Eh, di nyo man lang napansin na kayong dalwa lang ang nandito?" umupo sya sa tapat ko.
"Kayo na ba, Lyndon." tumingin sakin si Lyndon. At ngumiti ???
"Gusto mo ng hot sauce, Zel?" ngumiti naman ako.
Pagkatapos ng pagkain ng barkada. Namasyal kami at naghanap ng mga rides. Sa pamamasyal namin. May napili ng sakyan si Eka kaya kailangang sumama ni Noa dahil partner sila. Si Yumi, gustong bumili ng kung ano daw, syempre kasama si Jj. Kami na lang nila Hansel ang naglalakad.
"May gusto ba kayong gawin?" nakatingin si Angelica samin ni Lyndon.
"E kayo?" tanong ni Lyndon.
"Gusto kong mamasyal. Manonood kami ng mga rides ni Hansel. Tara!?" ngiting ngiti si Angelica. Nakangiti rin si Hansel. Masaya sila sa isa't isa, diba :-\
Hinawakan ko ang kamay ni Lyndon, "Gusto kong sumakay ng Ferris wheel?" tanong ko kay Lyndon. Nagnod naman sya.
"Aww.. bagay talaga kayo!" pagkasabi nya nun. Napatingin ako kay Hansel. Nakatingin din pala sya sakin.
"So let's go, Hansel!" lumink si Angelica sa braso nya. Nakatunganga parin ako sa kanilang dalwa kahit na umaalis na sila sa harapan ko.
"Tara na rin." nauna naman si Lyndon.
Sumunod ako. At hanggang ngayon, naiisip ng mga katagang binitawan ni Angelica. 'Bagay kami'. Bagay nga ba kami ni Lyndon. Pero bakit.. bakit ganito ang nangyayari! :-\ Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan. Na.. talaga bang wala na yung feelings ni Hansel sakin? Eh ako.. yung feelings ko para kay Hunter, saan na napunta.
Sandali, maalala ko. Ang lugar na'to. Madami tong alaala samin ni Hunter. Diba nga, iniiyakan ko pa sya noon. Nagdecide ba akong kalimutan si Hunter? Kailan.. wala akong maalala :( Eh si Hansel? Bakit palaging sya na lang ang iniisip ko. ANO BA ANG NARARAMDAMAN KO PARA KAY HANSEL?
"Lyndon?" lumingon sya. At inabot ko naman ang kamay nya. "Pwede ba?" ngumiti naman sya. Magkaholding hands na kami. Ito ang una.. :-\
Naguguluhan lang ako, diba? Sabi ni Hansel 'gusto nya ako'. Naniwala ako. Pero isang araw.. sinaktan ko sya, lumayo sya. At ngayon.. seryoso na talaga sa isang babae. Kinantahan pa nga nya to e. At ngayon.. iba na ang direksyong tinatahak naming dalwa. Hindi na nya ako sinusundan. Naguguluhan lang ako! Sabi nya.. gusto nyang gawin lahat para makalimutan ko si Hunter. Pero bakit ngayon.. pinagseselos nya ako. Bakit nagseselos ako.
"Kanina ka pa tulala. Makakadalwang ikot na yung ferris wheel, ah." magkahawak parin ang kamay namin. Pero bakit wala akong maramdaman.