49Love

Saturday, 3:00 pm.

Nagkita kita naman ang barkada gaya ng napag-usapan. Sa van, maingay. May sari sarili silang usapan. Minsan nasasagi na ako nina Lyndon at Noa sa sobra nilang pagkukulitan. Minsan din kakausapin nila ako, tumatango na lang ako. Ayoko silang tingnan. Napapatingin kasi ako kay Hansel. Kay Hansel na masaya! Habang kausap sa phone ang makulit na Angelica Joy na yun --'Aj na lang, Rezel!' Err~ este Aj nga naman. >:(

Bakit ba ako naiirita? Mukhang malapit na akong magkaperiod ah, dumadalas ang malimit na pag-init ng ulo ko.

"Ako na dyan Rezel." ngumiti naman ako at nagpasalamat kay Lyndon.

Pumasok na kami sa rest house nila Jj. At gaya ng inaasahan, maganda. Malaki. At may bukid pa daw. Ang ganda ganda. Talagang nakakarelax yung atmosphere, place, at yung looks. :)

Pagkatapos ng isang oras na pamamahinga. Nagluto si Yumi at si Jj ng hapunan namin. Inaasar pa nga namin na parang mag-asawa na sila. Hiyang hiya nga si Jj. Habang no pake naman si Yumi. Ang cute nga e. The sweetest couple ever. Syempre hindi ko naman maiwasahang hindi mapatingin kay Hansel na gaya ko, iniiwasan nya rin ako. Pero di gaya nya, mentally gusto ko talaga syang pansinin.

Nung kinagabihan, nanood kami ng movie. Patay ang ilaw sa salas tapos nagtaka naman kami nung naglatag sina Noa, Lyndon, at Erika ng carpet habang may dala dalang alak at mga pulutan.

Ah.. mag-iinuman pala sila.

"Oh ubos na ang isang bote. Hmm.. Dare na rin tayo!" tapos may kinuha sya kung saan ???

"At ang di susunod sa patakaran, iinumin ang Eka's specialty juice!" pinaamoy nya samin isa isa.

"YUCK!!!" ang baho! As in! Talagang masusuka ka. Pero sabi ni Erika di naman daw nakakamatay yun. Haha! As if!

"Go!" inikot na ni Erika ang bote.

"Ako ang unang magtatanong." tapos.. ??? :o "Zel!" kinabahan naman ako. Argh! Yan ang ayoko sa mga magbabarkada e! Ang daming trip! :'(

Sinubukan kong tumingin kay Hansel pero nung nagtama ang mga mata namin bigla na lang syang umiwas at uminom ng alak :(

"Hinihintay mo ba si Mr. Right?" tinaas taas pa ni Erika ang kilay nya -.- Okay gets. "..kaya ba hindi pwedeng magparamdam ang ibang lalaki sayo?" tumatawa naman si Jj. Kaya sinamaan ko sya ng tingin. Si Lyndon naman.. nakikinig talaga.

Ang totoo, hindi naman dapat ako tinatanong ni Erika ng mga ganyang klaseng tanong. Una sa lahat NBSB ako at NSSB din. "Ano.. uhm. Kasi hindi talaga madaling kalimutan si Mr. Right. Ano.. kaya nga Mr. Right diba, kasi ang tingin ko.. sya na yung the right one for me.. pero kung hindi at may dumating na iba. Susubukan ko! Kasi.. uhm.. lahat naman tayo nararapat sa isa't isa.-" biglang tahimik lahat. ??? Oh god.. :-\

"Oo na iinumin ko na!""Approved! Napakagandang sagot Rezel! Ahehm ahehm!" tapos inikot uli ni Erika ang bote ??? Medyo nagtaka lang ako sa pag-ahehm nya.

Nagpatuloy ang laro. Nalaman ko na may bf pala si Erika, at long distance relationship daw ang drama. Ang galing no. Si Lyndon napagtripan, sino daw ang crush nya.. madami daw. Pero dahil hindi satisfied si Erika, paiinumin dapat sya nung sinumpang juice kaya sinabi nyang ako daw ang crush nya :o Okay, excuse lang siguro. At yung reason nya.. kahit na nagblush ako dun, hindi din dapat ako maniwala. EXCUSE nga diba!

At may time din na kapag si Hansel naman, about kay Aj ang tinatanong nila. Na masaya daw kasama si Aj. Totoo sa sarili at hindi borin. Talagang maganda ang tingin nya kay Jj. Ilang beses ding umiinom ng mga alak ang mga boys.. at ang masama pa nito, masama rin pala ang tama ng alak kay Lyndon. Tapos medyo may tama narin sina Jj at Noa.

"Hayy.. hindi man lang naibo ang juice ko."

"Ew. Paano mo ba yan ginawa!?" sasagutin na sana ako ni Erika ng bigla namang nagsalita si Yumi.

"Erika tulungan mo muna akong magtimpla ng kape. Lasing na'tong tatlo!"

"K." ???

"Hansel at Zel, kayo na ang bahal dyan." kinabahan naman ako nung tumango si Hansel.
"Tol, tama na yan!" hindi ko masyadong alam ang gagawin. Kinakabahan ako. Si Hansel.. argh!

"Jj.. tama na yan. Magagalit sayo si Yumi."

"Si Lyndon hick ang may tama at hindi a...koo hick! Hehe!" binatukan ko nga >:(

"Kahit lasing, baliw ka parin!" napansin ko naman si Hansel

"Ahaha! Zel!" nagulat ako ng biglang hawakan ni Lyndon ang kamay ko. :o "Punta ka naman sa kwarto ko, pakikuha nung gamot ko sa bag." tapos lumayo agad sya. ???

Kaya ginawa ko na lamang ang sinabi nya. Pagpunta ko, nakalimutan kong itanong kung alin ba dun ang bag nya. Dapat babalik na ako nang..

"Nandito ka pala." may pinuntahan syang bag at may hinahanap sya.

"Onga pala.. Alin dyan sa dalwang yan ang bag ni Lyndon?"

"Huh--" napatingin naman kami sa pinto.



*BLAG*

Agad kaming lumapit na dalwa.

"Ahaha! Dyan muna kayong dalwa! Dapat mag-usap na kayo!" boses ni Lyndon.

"Zel, kausapin mo naman yang kaibigan namin. Sigurado nasasaktan parin yan sa mga sinabi mo!" pinihit ko yung knob pero.. LOCKED :o