"Bakit nasa iyo yang love letter ko!?" mabilis ko namang sinubukang agawin ang letter ko kaya lang agad nyang naitaas ang kamay nya kaya di ko agad naibalik at nagkataon namang bumalik na yung kaibigan nya.
"Anong problema?"
"Salamat sa drinks! Alis na ako!" nakita ko pa kung paano nya ilagay ng basta ang letter ko sa bulsa nya. >:( Paano napunta sa kanya yun? Magnanakaw!
Hanggang sa klase iniisip ko parin ang nangyari. KAILANGAN KONG MAKUHA ANG LETTER KO NAYUN! >:( Pero bakit nga ba nasa kanya yun? ???
Naglalakad kami ngayon ni Yumi sa loob parin ng campus. Nabanggit ko narin sa kanya ang mga pangyayari. At gaya ko nagtataka rin sya kung paano nangyari lahat. At napaisip ako sa huli nyang sinabi, na baka naiwan ko nga yun sa elevator nung minsang parehas kaming nastock sa elevator na yun. ::) Ibig sabihin ako ang may kasalanan. Kaso....bakit ayaw nyang ibalik? >:(
"Naiinis ako! Paano ko makukuha yun!"
"SHHH!"
"Huh?" tumingin ako kay Yumi. Na nakatingin kung saan. At alam nyo kung saan sya nakatingin. Sa lalaking yun...
"Siya nga yun diba!?"
"Kilala mo sya?" aba't makipagflirt daw ba! Ang lalaking yun!? ???
"hindi mo naitatanong, sikat sya mga babae dito. At...kahit nung nasa hs pa kami." tumingin sya sakin na parang gusto akong kumbinsiheng maniwala. Well! I'm not yet convinced. Pero sa nakikita ko, mukhang chikboy ang lokong yun.
"Magkabatch kayo Yumi?" nagnod sya. May bigla namang pumasok sa isip ko. "Baka destiny kayo! Ikaw-dun, at ako kay Hunter!"
Bigla nya akong sinapok. May bf nga pala sya. ::)
"Argh! Bakit kailangan pang umulan!" inis kong sabi habang nakaleaned sa pader sa harap ng parking lot. Madami dami naring nakauwi with their own car. ::)
Biglang lumabas ang seryosong Yumi. Dinedma ang presensya ko. At biglang naglabas ng payon. Aba't di man lang lumingon sa paligid kung nandyan ba ang bestfriend nya! Hmf! Makalapit nga--
"Hay~ Sana di ko makita si Rezel. Sigurado walang payong yun, makikisukob pa eh ang taba naman nya." :o >:( Aba't di ba alam ng Yuminyitang To na nasa likod lang nya ako!
"Ahehm!" agad syang lumingon.
"Hay~ Nasa likod ko pala ang wala kwenta kong bestfriend *ubo* *ubo* Huy Rezel? Musta ang so called destiny word of the day mo?" talagang kinikimkim ang sinabi ko. Minsan na nga lamang ngumiti ang babaeng to, sobra naman kung makaseryoso.
"Hehe heto nagsisisi na. Huy! May payong ka pala!" agad syang tumalikod. Ang totoo iniba ko ang topic. Sang pumayag syang magpasukob. 0:)
"May konsensya na pala ang mga demonyita. Hmf! Sana makonsensya karin no, kasi....the last time I checked my diary...nung last time na umulan, nagkasipon ako dahil sa mautak kong walang kwentang bestfriend, wanna know y?" ang lukang to. "Kasi....sya na nga ang nakisukob, sya pa ang may ganang manamantala." kaasar! Grr~ >:(
"Haha! Pero di ka naman ganon diba Bestfriend?" inemphasize nya yung bestfriend.
"Heh! Sige na una na ako!" at may pahabol pa akong. "Lagnatin ka naman sana! :P" with matching belat pa.
Ang malditang yun. Woot! Kung sineswerte ka nga naman. Nandyan na agad ang jeep.
Pagkapara, agad akong sumakay. Mukhang madaming taong sasakay ah? ::) Hinakbang ko agad ang paa ko. Musta naman kaya ang Yuminyitang yun? Sunduin kaya sya ng bf nya? Magpasalamat nga sya may bf sya eh! Hmm...saan kaya ako uupo? 'WAAAAH!' :o
Napaupo ako kabiglaan. :o
Ang lalaking to!! >:(
"Wuy schoolmate! Nandito ka pala! Hmm...pasensya ka na. Di ko sinasadya yun. Ang bagal mo kasi eh. Madami pa kayang sasakay." ang cheap! Bakit ba kasi dito ako sumakay. Dapat nagtaxi na lang ako. At....nahipuan pa ako ng lokong to. Manyak talaga.
Tumalikod ako. I tried my best para hindi makita ang pagmumukha nya.
"Schoolmate wag ka namang magaslaw. Di na kami mapakali dito eh." sinamaan ko sya ng tingin. Kaso ang karma....lahat ng pasahero nakatingin ng masama sakin. At ang resulta, kailangan kong umayos ng upo. Labag man sakin na magkadikit muli ang mga balat namin ng lokong to.
HMF! Kaya ayaw ko ng jeep eh! Nagkakabungguan lahat pagpumepreno. Tapos.....
YUNG KATABI MO MAKAKATULOG PA SA BALIKAT MO! >:(