53Love

Nagiging regular na ang paghatid-hatid sakin ni Lyndon. Ang pagsamasama nya sakin. At ang pagiging close namin sa isa't isa. Masaya ako pagkasama ko si Lyndon.. maliban na lang.. pagnaiisip ko ang tungkol kila Hansel at Angelica. :(

Tapos nung isang araw daw.. nagskip class si Hansel dahil lang sa hiniling ni Angelica na pumunta silang amusement park. Ang saya pa nga nilang magligawan e. Parang MU, magkaholding hands. Hinahawakan kasi nung Angelica ang kamay ni Hansel tapos sinisigaw pa nya na ang lambot lambot ng kamay ni Hansel. Na.. ang sarap kaholding hands ni Hansel :( AGH! Sa ginagawa kong pagpapaapekto, pinapakita ko lang na parang walang kwenta kung manliligaw pa si Lyndon sakin. E balewala rin naman e. Bakit ba.. puro Hansel :-\

"Zel? Okay ka lang ba?" napatingin naman ako kay Lyndon. I tried to smile.

"Hmm.." 1 buwan naring nanliligaw si Lyndon sakin. Pero.. bakit parang wala. Walang apekto :(

"Zel," tiningnan ko lang sya ng ganito ??? Ano bang meron sa susi? "Punta tayo sa bahay ko--"

"ANOOO!!!?" :o :o :o napalingon kaming dalwa ng sabay sa likod nya.

"Nandyan pala kayo." ngumiti ako. Pero gulat parin sila. "..bakit?"

"Zel, sa bahay ni Lyndon!? Kayong dalwa lang!?" hinawakan ako ni Erika sa magkabilang braso ko.

"Talaga!? Wow!" lumingon naman kami sa nagsalita. Si Hansel at Angelica.

"Talaga, Lyndon?" agh! Kailangan, ipakita kong hindi ako affected pagnakikita silang magkasama.

"Tara na, Aj!" nakita ko pang inakbayan ni Hansel si Angelica.

"Ahh.. yun lang pala."

"Huh?"

"Hindi mo ba narinig!? Pupunta ka pala kila Lyndon para manood kayo ng movie!

Kaya sasamaha kami!" ngumiti naman kami ni Lyndon.

Tapos yung susi pala, ay dahil sasakay kami sa kotse ni Lyndon. ::) Mercedez Benz ang kotse. Parang Hunter lang. At gaya ng expectation ko, mayaman nga tong si Lyndon. Kung may Mercedez Benz sya, then he can own his own condo. 8)

"Wow! Ang ganda! Lyndon, wala parin kakupas kupas tong condo mo a." nagtawanan naman sila. "Buti na lang sumama ako, kasi alam kong nag-iisa lang si Lyndon sa bahay nya.." nagpout naman si Lyndon.

"Ano bang iniisip mong gagawin ko, Eka? Ang tagal na natin magkaibigan tapos pinag-iisipan mo pa ako ng ganyan. Gusto ko lang namang.. masolo si Zel."

"Kita mo na! Lyndon.. lalaki ka!"

"But I just want to know Zel more!" napatingin naman ako sa nag-iisang frame.

"Lyndon? Parents mo? Nasaan sila?" tumahimik lahat.

"They're OFW's." binaba nya yung frame ??? "Kaya nga ganito e.. nakukuha ko lahat ng gusto ko-- So let's go!" bakit..

"Mahabang kwento." bulong naman ni Erika.

Pumunta kaming kwarto. And guess what, flat screen! Ang LAKI! :o SOSYAL! 8)

Nagsimula ang movie. At alam nyo natatawa ako kay Eka at talaga nilalayo nya ako kay Lyndon. Haha! Hanggang sa magfocus na kami sa movie. Ang gulat ko nga nung linapitan ako ni Lyndon, nang hindi napapansin ni Eka. Si Jj, tulog na sa lap ni Yumi.

"Punta akong salas, sunod ka ah." bulong nya.

"Guys gawa lang uli ako ng mango shake!" kinindatan ako ni Lyndon ??? Bakit nga kaya gusto nya akong masolo?

"Cr lang ako."

"Zel, wag kayong magtatagal ni Lyndon ah." muntik pa akong matapilok. So gets na agad ni Eka.

Papunta pa lang ako nang..

:o "Anong.." nag-init ang pakiramdam ko. Lalo na nung makita ang itsura nung necklace na yun. Napakaganda. Puro star na heartshape. Tapos may maliliit na diamond sa loob nung maliit na star.

"Here." sinoot naman nya yung necklace sa leeg ko.

"Pero bakit.. hindi pa naman.."

"Isoot mo to, hangga't hindi pa kayo nagiging ng taong mahal mo."