16Love

Ang sasarap ng mga pagkain. Talagang nabusog ako. Pumunta ako kina Yumi. Kinulbit ko sya, pero hindi sya lumilingon. Kinukwentuhan kasi sya ni Jj about kung saan man. Umayos na lang ako ng upo at napatingin kayna Hunter. thump.thump. Nakikita ko kung gaano kasweet si Hunter, hinihimay nya yung mga pagkain na allergy yata ni Mica. Agad kong binawi ang tingin ko, baka mahuli pa nila ako. Unti-unti kong naramdaman na naoOP na ako. :'( Tapos nasasaktan pa. Argh! Ang BORING. Kaya pumunta ako sa balcony mag-isa.

Dumungaw ako sa baba. Nasa taas kasi kami. Ang lamig. Gabi na nga. 8?

Meow...

Tiningnan ko yung pusang biglang umaligid sa paa ko. Napahanga ako. Itim na pusa at mataba. Haha. Parang si Buchan na nasa school. Umupo ako at hinimas himas sya.

"Nandito ka ba para samahan ako?" *sob* sumisinghot na naman ako. Hmm... nararamdaman ko na naman kasi yung sakit.

"Meow~"
"Argh. Wag mo nga akong kaawaan!"

"Nakuu nandyan lang pala si Rusty! Pasensya ka na ineng huh." tumango na lamang ako. Pero still nakatungo parin. Haha. Dinadaan daanan na lang ako ng lahat.

Tumayo ako at dumungaw uli sa baba. Kung....tumalon kaya ako dito. Heh. Ano yun suicide. Ang mais ko. :( :-\ :'(

*sob*

Pinahid ko ang luha kong papatak na.



"Walang tao? Nasaan sina Tita?" nakatingin silang lahat na nasa van. Bumaba narin si Yumi. Magkapit bahay kami, remember.

"Hindi ko alam. Alam mo naman ang dalwang yun."

"Naku Rezel, kina Yumi ka na lang muna kaya matulog." ngumiti naman ako.

"Pwede ba. Ayokong abalahin si Yumi. Atsaka maaga ang pasok nyan bukas. Eh ako mga 12 pa." pinakita ko na hindi ako natatakot. Ang totoo, ayokong mag-isa ngayon. :-\ At hindi talaga ako marunong mag-isa.

"Sigurado ka, Zel?"

"Kung ganon text mo na lang kami Rezel." sabi naman ni Mica na nginitian naman ako ni Hunter. Nagnod naman ako. :-\

"Pasok na ako." pinakita ko yung susi. Binuksan ko ang gate. Pero hindi parin pumapasok hangga't di umaalis si Yumi.



At nung umalis sya. Pumasok naman ako. Agad kong binuhay ang ilaw sa buong kabahayan. At naupo sa sofa ng salas. Yinakap ko ang mga tuhod ko. At nagsimulang tumulo ang mga luha ko. *sob*

Tok.Tok.Tok.Tok.

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto. Agad kong pinunasan ang mga luha ko na mukhang ayaw pa atang tumigil. Tumungo na lang ako nung binuksan ko ang pinto.

"Yumi, diba sinabi ko na sayong okay lang--" bigla nya akong yinakap. :o

"Hansel? Hansel! Hansel anong ginagawa mo dito!?" sinubukan kong kumawala. Pero hinigpitan pa nya.

"Gusto kong matulog dito, kasama ka..." sinubukan ko uling kumawala.

"Ano!? Ano bang sinasabi mo!" tuluyan na akong umiyak. Nanghihina lamang ako sa mga yakap nyang yun.

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap. Tapos binitawan na nya ako. Tinakluban ko naman ang mukha ko.

"Hindi mo maitatago sakin na nasasaktan ka. Na umiiyak ka. Alam ko, ang sakit sakit na. Remember, ako ang nasa tabi mo nung lumuluha ka." sinubukan kong tumingin sa kanya.

The next thing I know. Yinakap ko sya. Umiyak ako. Tapos binuhat nya ako. Sinarado nya ang pinto at pumunta kami sa taas papunta sa kwarto ko. Inihiga nya ako sa kama. At nasa sahig naman sya at nakaupo na nakatingin lamang sakin.

"Bakit mo ko dinala dito!? Hindi pwedeng may gawin ka sakin!" sigaw ko sa kanya habang nasa mukha ko parin ang mga kamay ko.

"Para ka talagang bata pag-umiiyak. Alam ko kung ano, pag ang bata umiiyak, nakakatuwa. Nakakatuwa ka, pero....naaawa ako! Nararamdan ko yung sakit na nararamdaman mo." kinuha nya ang kamay ko. "Please sabihin mo sakin, sabihin mo sakin ang pwede kong gawin. Ang gusto mong gawin ko. Para....mapalitan ang lungkot na yan. Kahit ano, handa ako."

Napatigil ako sa pagpapahid ng mga luha. At tumingin sa kanya. Ginalaw ko ang katawan ko at hinarap sya. Nakatingin sa kamay kong hawak nya si Hansel. At mukhang sincere sya sa mga sinabi nya.

"Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko." :'( hinawakan ko ang kamay ng pareho kamay kamay. At inilapit sa noo ko. Iyak na iyak ako. At gusto ko lang ng taong makakasama.






"Pangako."