Dumating sina Hunter at Mica. May hawak na malaking teddy bear si Mica. Inabot sila ng 1 oras at 30 minutos. Ano kayang ginawa nila? :-\ ang sweet naman ni Hunter at may paganyan ganyan pa sya sa taong aalis. Kung alam lang nya na aalis si Mica at hindi sa Bicol at kundi... sa States. thump.thump.thump.thump.
"Hi guys! Wow ang daming balloons? Ano to? Valentines day?" napahawak ako sa dibdib ko.
"Ang sweet naman nyang si Hunter!"
"Yumi! Gusto mo rin ba ng ganong teddy bear? Human size?"
"Kaya ko naman bumili nun, kung gusto ko!" ang mga ngiti nila. Ang ngiti ni Hunter. thump.thump.thump.
Makikita ko pa ba ang mga yan kapag umalis na ang taong mahal nya. :'( Sigurado iiyak sya. Masasaktan sya. Hindi man nya yun ipakita, pero makikita ko yun. Ayoko! Ayokong masaktan sya.. :'(
"Ahahaha.. si Tita Jacky ba ang nagluto ng mga pagkain na yan?! Wow. Mga favorite ko to ah! Hunter talaga. Sa Sunday pa ang alis ko ah. Atsaka.. " hinawakan nya si Hunter sa mukha. "1 week lang ako sa Bicol." hinawakan naman ni Hunter ang kamay nya.
thump.thump.thump. Kahit wala syang sabihin, masaya sya. Pero ... bakit ganyan ka Mica! Mahal mo sya diba! Mahal mo sya! Bakit iiwanan mo ang taong mahal mo.. ang taong mahal ka.. *sob*
"Miss?" nagulat ako sa biglang tumawag sakin. Pinunasan ko naman ang luha ko.
"Bakit nandito ka at nag-iisa. Malamig dito sa taas." tumingin ako. Sya ang tita ni Hunter. Chef sya ng restaurant na'to. Gusto ko ring maranasan na ipagluto ako ng mga kamag-anak ng taong mahal ko.
"Mamaya na lang po siguro ako bababa, pag nagutom ako." nakatingin parin ako sa kanila. Ngayon naman. Sinusubuan ni Mica si Hunter.
"Fav. nilang dalwa ang pasta."
"Ganon po ba," ako. Spaghetti lang ata ang kinakain ko.
"Si Mica kasi ang nanligaw kay Hunter. First day of school ng college year yun. Umuwi si Hunter na nakasimangot. Blanko lagi ang expression ng mukha nyan e. Pero badtrip na badtrip sya, dahil daw may babaeng gustong makadate sya, e hindi naman daw JS." matatawang sabi ng tita ni Hunter. si Mica ang tinutukoy.
"Palagi na lang syang badtrip pag-umuuwi. Ako naman, na kasama lang nya sa bahay ay nagtataka. Na natutuwa din. At least marunong makaramdam ang batang yan. Manhid kasi yan. Nagmana sa ina nya. Natutuwa ako.. kasi sinong lalaki ang hindi nakakaintindi ng mga ganong bagay. Hindi nya alam na patay na patay sa kanya yung babae. Wala pa yang dinadalang babae dito sa bahay, si Mica lang ang una. Nung... mataas ang lagnat ni Mica at hindi alam ni Hunter kung saan nya dadalhin. Tumagal ang panahon. Kinukulit parin sya ni Mica. Lahat ng gusto ni Hunter, gusto ni Mica. Parang asong palaging nakasunod sa kanyang amo." unti-unting tinutusok ang puso ko sa bawat pangyayaring naririnig ko sa dalwang yun.
"At nung pumunta si Mica sa bicol para dalawin ang kanyang mga magulang. Inis parin si Hunter. Hindi man lang daw nagpaalam ang babaeng yun. Ang hindi alam ni Hunter, sakin talaga nagpaalam si Mica. Hindi ko lang pinaalam kay Hunter. Tapos nung bumalik si Mica, mas lalo pang lumala. Mas lalong nilayuan ni Hunter si Mica. Hindi ko nga alam kung paanong naging silang dalwa eh." ngumiti si Tita sakin. Gusto ko mang ngumiti pero...
"Babalik lang ako sa kusina hah." umalis na'to.
"Siguro para talaga sila sa isa't-isa." gusto kong umiyak muli. Pero tama na. Dapat mas pag-isipan ko kung paano ko ba mapipigilan si Mica sa binabalak nya. At gusto ko ring malaman kung bakit ginagawa nya to. Naniniwala akong mahal na mahal ni Mica si Hunter. Naniniwala akong may sapat syang dahilan para gawin to. :-\
"Ang totoo, hindi mo na naman talaga kailangang marinig ang lahat ng yun." napalingon ako sa taong nagsalita. Si Yumi...
"Ang dapat nga, wag ka na lamang mangialam eh." nagsimula ng mabuo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Sa tingin mo kung ako yung nasa panahong yun. Kami na siguro diba? Hindi na ako nasasaktan? Kung naging mas matapang lang ako kagaya ni Mica. Kung hindi ko inisip ang mga consequence at mas pinaglaban ko ang nararamdaman ko, sana... Sana pala... AKIN NA SYA NGAYON." lumapit si Yumi sakin at niyakap ako.
"Kasi siguro.. Hindi talaga to ang plano ng nasa itaas para sayo." *sob*
Kung sila talaga ang para sa isa't-isa. Pinapangako ko.. GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MAGING MASAYA ANG DALWANG YUN. Para maging masaya si Hunter...