Agad akong bumangon at umayos ng tayo. Ganon din naman sya. Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi parin ako nakakatayo, pero napapansin ko na ang mga matang nakamasid samin. May mga taong nakakita ng nangyari. :-[
Bago pa man ako tuluyang mapahiya. Naglahad na ng kamay si Hunter. Ramdam ko at alam kong pulang pula ng mukha ko. Tatanggapin ko na sana ang kamay nya. :o :o
Nang pareho kaming nagulat sa nakita namin sa aming harap. Agad akong tumayo nang hindi tinatanggap ang kamay ni Hunter. Hinarap namin si Hansel. thump.thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. :-[ :-\
"Han..sel..." kahit ang pangalan nya, di ko matawag ng diretso. Nakakahiya! Nakakahiya! :-[
"So ganito pala. Ito pala ang nangyayari. Kaya pala.." medyo nabigla ako. Nakikita ko....Galit si Hansel. ??? :-\
"Sana sinabi mong ayaw mo akong makasama at ang iba pala ang gusto mo." tumingin sya kay Hunter. Agad ko namang nahawakan ang braso ni Hansel, baka kung anong isipin ni Hunter-- :o
Bigla na lang nyang binawi ang braso nya. Napahiya ako.
Tinalikuran nya kami. At animo'y aalis na'to.
"Hansel, pinuntahan ka namin ni Rezel. Kaya.." nilingon nya si Hunter.
"Hindi mo kailangang magsalita ngayon Hunter. Para saan yan? Wala ka namang alam." nagulat ako ng tumingin naman sya sakin ... ng masama. :-\ "Kasi kung alam mo ang lahat... siguro kanina pa kitang pinatulan." at umalis naman sya.
May mga tao paring nakatingin samin. Nahihiya na ako. Pero mas nasasaktan. Nakakahiya to para kay Hunter. Pinahiya ko si Hunter. Nagkameron ako na malaking kasalanan sa kanya...kay Mica. Kung kailang....nagtitiwala na sa kanya si Mica. Ang tanga ko. :'(
"Sorry--"
"Sundan mo sya." natamaan ako sa sinabi nya.
Kaya agad akong tumakbo at hinanap si Hansel.
Hindi pa pala sya nakakalayo. Lumapit ako sa kanya. Masyado syang mabilis maglakad. Sinigaw ko ang pangalan nya. Pero hindi sya lumingon.
"Hansel!" pangalawa. "HANSEL ANO BA!" pangatlo. Ayaw nya akong lingunin. Ayaw nya akong pansinin.
Dinoble ko ang pagtakbo ko. Nung naabutan ko na sya, agad kong hinawakan ang kamay nya.
"Ano ba!" hingal na hingal ako. At salamat naman at tumigil na sya.
"Tumigil ka na nga sa pagdadrama mo. *pant* Wala na sya. Bakit ka ba nagagalit ng ganyan sakin! *pant* atsaka...alam ko namang may kasalanan din ako e--" :o
"NAIINIS AKO!!!" bigla nyang sigaw. May mga taong napalingon. Pero pinagtataka ko, hawak nya ang kamay ko. Na...hindi ko na naman hinahawakan ang kanya.
"...bakit?" tanga ka talaga zel! Toink!
Binitawan nya ang kamay ko, "Naiinis ako sayo. Sa SARILI KO. Bakit ba ako pumayag na makipagfling sa taong may minamahal namang iba! Bakit ako pumayag na gawin ang mga bagay na'to kahit alam kong HINDING HINDI MO NAMAN SYA MALILIMUTAN!" galit talaga si Hansel. Tumungo ako.
"I'm sori. Yun ang kasalanan ko, hindi na dapat ako sumama kay Hunter. Pero kasi....nawawala ako sa sarili kapag, sya kapag sya na." tumingin ako sa kanya. At hindi sya nakatingin sakin.
"Itigil na natin to." nagulat ako. At agad naman sya umalis at iniwan ako.
"Hansel, kaw ah. Nakita kita kanina, may dalwang babae kang kasama. Sino yun? Tapos iniwan mo pa si Rezel! Buti na lang, nakita sya ni Hunter." naririnig ko ang boses ni Mica na mukhang asar. Pagkatingin ko, si Hansel pala yung kausap nya. Nakahalumbaba lang sya na nakatuon ang siko sa may bintana ng van. Agad akong tumabi sa kanya. Pero di nya ako tiningnan. ... Galit talaga sya :-\
"Hi Rezel, nag-enjoy ka bang kasama si Hunter. Sa tingin ko nagpunta na naman sya sa lugar na yun. Pagod na pagod sya e. Salamat sa pagsama sa kanya." ngumiti ako. Pero agad na napawi ang ngiting yun ng mapansin na ipapatong ni Mica ang ulo ni Hunter *tulog* sa balikat nya.
Agad akong umiwas ng tingin. :o Pagkalingon ko sa kaliwa, nakatingin pala si Hansel.
"Han..." nagulat ako nang bigla syang napatuon sa balikat ko. :o ??? :-\
Pagkatingin ko, nakapikit na sya.
"I'm sorry. I'm really sorry."