"Rezel, ano ba bilisan mo ngang maglakad!" napatingin ako sa sumigaw: si Yumi. At yung mga taong naghihintay pala.
Si Jj na nakaupo na nakaupo na sa front seat. Si Yumi na masama ang tingin sakin, may dalwang lalaki dun at isang matabang babae na parang matandang dalaga at si Hansel... kasama si Shara. :-\ Wala sina Hunter at Mica. Siguro maghahanda muna kami bago sila dumatin. Oo ipaghahanda namin si Hunter at Mica. Farewell Party? Pero ang totoo... para sakin, parang confession to na napapanood ko sa mga telenovela. Pero ang pagkakaiba... hindi ako yung babaeng pagtatapatan ng lalaki, kundi.... ako ay isang manonood kung paano ipakita ng taong mahal ko kun gaano nya kamahal ang taong mahal nya.
"Tayo na."
"Sabi mo eh!!!" nakatungo lang akong pumasok.
Pagdating naman namin, agad kaming dumiretso dun sa loob ng nasabing lugar. Tiningnan ko ang paligid. Ang galing pumili ng magandang view ni Hunter. :-\ Para nga talaga to sa taong mahal nya. Pinagkagastusan nya.. :-\
"Restaurant nila to." nabuhayan ako ng dugo.
"Ano?"
"Kanila to." umiling ako.
"Hindi yun! Ibig mong sabihin, may mga kamag-anak dito si Hunter. ???" pinat nya ako sa ulo at naglakad naman sya. Ako naman, sumunod.
"Pwede ba, tigilan mo na nga si Hunter, Zel. Makilala mo man, magustuhan ka man, pero.. si Mica parin." nagpout ako.
"Ano ba. Parang sinabi mong obvious na desperada ako! Hmm.. gusto ko lang naman makilala. At tama ka! Sana ganon nga... kahit ganon lang.. ang bait kasi ni Hunter. :-\" argh. Dalwa na tuloy ang naiisip ko.
"Tumulong ka na lang!" may inabot syang petals of roses. "Ikalat mo to dun sa garden. Ikaw na ang bahala, basta yung papatok sa taste mo. Yun kasi ang sabi ni Hunter." napangiti ako at agad na nagnod. Papatalikod na sana ako.
"Matatalo na kita!"
"Hindi mo pa nga ako nahahanap eh!"
"Pagnahanap kita, babarilin kita agad!" tawa sya ng tawa habang sumusulyap sa Shara'ng yun. Naglalaro sila ng psp. Iwasan ko man ng tingin, pero... nagtataka parin ako. Napaisip...
ANO BA TALAGANG NASA ISIP MO HANSEL.
Agad akong pumunta sa garden. Ako lang. Nainis ako bigla. DI MAN LANG BA NAISIP NI YUMI NA GUSTO KO SI HUNTER PARA IPAGAWA NYA SAKIN TO. Hmf! ... Pero sa bagay, hindi naman nya alam na walang alam si Hunter. Ah basta, babastahin ko na ang paglalagay. Tapon dyan. Tapon dito!
After 15 mins. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong inaayos yung mga petals. At naglalagay din ako ng petals sa table. :-\ Eh ano kung hindi to para sakin. Eh ano kung para to sa taong mahal ng taong mahal ko. Eh ano kung nagseselos ako! ... May magagawa ba ako, eh hindi ko nga alam kung paano sasabihin kay Hunter ang nalaman ko. Paano kung masaktan sya. Ayoko ng makitang nasasaktan sya :'(
"Need hankerchief?" napalingon naman ako.
"Loko ka ba! Napkin yan para kayna Hunter at Mica. Haha~ wag mo ngang ipunas sakin."
"Ang kulit mo talaga!" agad kong pinunasan ang teary-eyed ko. At natawa ng konti. :) Akala ko ako yun..
"Oh Rezel, bakit ka natatawa? Narinig mo ba kami?" nginitian ko silang dalwa. At umiling ako. "Hansel, pansinin mo nga tong si Rezel!" umalis si Shara. Normal parin sya. Hindi sya kagaya ng mga babaeng nakikita kong kasakasama ni Hansel noon. Seryoso na nga kaya si Hansel.
"Uhm.. hindi ka ba masasaktan?" napatingin naman ako sa kanya. ???
"Wala na ako masabi e. Yun na lang para mapansin kita." kumindat sya at agad na umalis. Tss~ so wala na sa kanya ang issue tungkol saming dalwa.
Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong hindi nya sinundan si Shara.
Mamaya naman ay dumating sina Yumi. Naglagay sila ng mga balloon sa paligid, dun sa part na walang petals of roses. Binabato pa nga sya ni Jj [pampakilig ni Jj] Pero di sya nililingon ni Yumi. Minsan napapatingin ako ng ewan sa dalwang to, lalong lalo na kay Jj. Di ba nya alam kung anong ugali meron si Yumi? (^.~) Di nga kami nagkakaintindihan ni Yumi minsan eh... Nagmumukha lang din syang tanga.
"Wow! Ang sarap naman nito. Ang sweets-sweets ng mga pagkain. At may pasta pa. Si Tita Jacky ba ang gumawa nito. The best talaga sya, at wine pa!" napatingin ako sa katapusan ng paghahanda sa paligid.
"Tita Jacky? At bakit 3 ang table? Diba dapat sila Hunter lang?" tumingin sakin si Yumi.
"Sakin at ni Jj. At kung gusto ni Shara, sa kanila ni Hansel." nakataas ang isa nyang kilay. Ah~ gets ko na ang ganyang mga ngiti.
"Oo nga! Couple-couple!" parang may kuryenteng nag-uugnay samin. Pero di na to gaya ng dati... nanghihina ako. Dahil Hunter..