24Love

"Hindi na nila tayo kita." sabi ko na kasingkahulugan ng 'pwede pakialis na ng kamay mo sa balikat ko' pero nagulat ako ng bigla nyang hinigit ang kamay ko.

"Hansel! Nasasaktan ako. Ang higpit ng pagkakahawak mo!" mas lalo pa nyang binilisan ang paglalakad kay mas masakit ngayon ang pagkakahawak nya dahil hindi ko sya halos maabutan sa paglalakad.

"HANSEL! Hansel ano ba!" wala akong magawa. Ang bilis nyang maglakad. Napagtanto ko lang na galit sya. At mas natakot ako sa pwedeng mangyari ng mapansin kong wala ng tao ang pinupuntahan namin.


"Hansel, wala ng tao. Hansel, ano bang nangyayari! HAN-"


"MANAHIMIK KA!" nagulat ako sa bigla nyang sinabi. At medyo nagalit na rin ako. Syempre, sya na nga tong hinihigit higit ako tapos sya pa tong nagagalit! ??? Sandali, bakit nga ba sya nagagalit?

Hawak parin nya ang kamay ko. Sinubukan ko namang kumalas, pero-- :o :o



"AHHH~" bigla na lang nya akong tinulak at nileaned ng malakas sa pinakamalapit na pader. Nasaktan ako! Bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko ng bigla nya kong kinulong sa mga bisig nya. :o


Kinabahan ako..

"han...sel..."


"Manhid ka ba! O nagtatangatangahan!" hindi ako masyadong makapagreact. Masyado syang malapit sa mukha ko. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Nabigla na lang ako, nang... makitang may pumatak na luha sa mata nya.

"Hansel." sinubukan kong hawakan ang mukha nya. Pero bigla nya akong sinamaan ng mga tingin... :o at--









NAGLAPAT ANG MGA LABI NAMIN. :o

thump.thump.thump.thump.thump.


Kinabahan lalo ako nung maramdaman na hindi lang ordinaryong halik yun. Na hindi lang paglalapat ng mga labi ang ginawa nya. Umiikot ang mga labi nya. It was no good. And I hate it. Sinubukan kong itulak sya pero hinawakan nya ang mga kamay ko. Ang sakit. Ang higpit ng pagkakahawak nya. mmmm... and to my surprise. Pumatak na ang mga luha ko.. I'm cryin. It breaks my heart. I'm afraid. Ayoko nito! :'(



"*sob*" hikbi lang ako ng hikbi nung tumigil na sya. Binitawan narin nya ang mga kamay ko. At agad kong tinakluban ang bibig ko para matakpan ang paghikbi ko. Pero nanginginig ako. NATATAKOT! Ginawa nya... ang sama ng ginawa nya. First time ko yun... It's like he's to raping me.

"Sabi ko tutulungan kita. But in the end, nagawa parin kitang saktan. Nakakainis. Wala naman akong karapatan diba... si Hunter ang gusto mo. Sya lang. I'm sorry..." napatigil ako sa paghikbi. Nakita kong nakaupo sa harap ko si Hanrel. Nakatungo sya. Narealize ko rin na dapat ko syang intindihin.

"Bakit?..."

"Ikaw ang bakit. Bakit di mo sya magawang kalimutan!?" tumingin sya sakin. Nanginginig parin ako. Natatakot ako sa mga ganyang tingin nya. Hindi sya ang usual na Hansel.

"Di mo maiintindihan. Sa tingin mo ba madali lang. Sana nga madali lang. Pero hindi mo kasi alam. Hindi mo alam ang pakiramdam ng 'Wanting Someone to be Yours'. Tapos kung kelan nandyan na, pag-aari na pala sya ng iba. Na wala ka man lang nagawa kundi ang tingnan sya sa malayo. At habang nasasaktan ka, MAS LALO MO LANG SYANG MINAMAHAL." pinunasan ko ang luha ko.


"Hindi ko nga alam. At ganon din si Hunter." tumayo sya. May inabot naman syang mukhang familiar sakin. To my realization, akin pala ang bagay na yun. :o



"Bakit..." kinuha ko yun. At tuloy-tuloy ng pumatak ang mga luha ko.

"Go and confess your love to HIM! Inosente si Hunter. Wala talaga syang ginagawang masama. Hindi ka nya intensyong masaktan. At hindi nya pinamumukhang may GF sya, na inlove sya kay Mica!.... Hindi sya nagpapanggap na walang alam sa nararamdaman mo. Dahil wala naman talaga sya alam." tumingin ako sa kanya.


Galit ako. >:(

"So tinago mo ang katotohanan! Napakasinungalin mo!" agad nya nakuha ang kamay kong dapat ay sasampal sa mukha nya.

"Bakit! Sa tingin mo ba magugustuhan ka nya. Iiwasan ka lang ni Hunter. Hindi sya papayag na maging kaibigan ka niya at ni Mica. Lalayo sya sayo. At hindi mo sya malalapitan gaya ngayon!" umiiyak parin ako. At mas lalong nasasaktan.

"Sana ganon na nga lang ang nangyari. Para hindi ko na lang sya minahal ng sobra. Para hindi ako mas nasasaktan. Pero ano! Mas pinakita mo sakin, na dapat lang akong masaktan. Na KARAPATAN KONG MASAKTAN!" agad kong binawi ang kamay ko. Aalis na sana ako.

"So tapos na ba tayo?"














"Walang tayo. At walang dahilang para magkaroon ng tayo!" :'(