Wala na namang pasok. Kaya heto nasa bahay lang ako. Nanonood ng korean movie. Alam nyo yung wet dreams. Haha! Oo yun talaga ang pinili kong panoorin.. bored na kasi talaga ako kaya no choice din ako. Gusto ko lang talaga ng mapaglilibangan. At mabuti na lang nakatulong ang movie na'to.
Mamaya maya, dumating naman sina Mama at Papa. Mamalengke daw ako. Syempre dahil masunurin ako bata, agad akong pumunta sa supermarket. Hindi naman ganong kadami ang pinabibili nila. 1 plastic bag lang atsaka bumili narin ako ng ice cream.
Habang naglalakad ako ng nag-aabang ng taxi. Oo. Sa taxi talaga. Rem. ayokong sumakay talaga ng dyip. Aww. Sa dyip. Naalala ko lang noon, bakit kaya sumakay din si Hansel noon sa dyip. E may sarili naman pala syang kotse. Sports car pa. Parehas sila ni Hunter ..'magpinsan kami.' Tuwing naiisip ko yun. Napapaisip tuloy ako na walang wala talaga akong alam sa background image ni Hansel.
Argh. Bakit walang taxi'ng dumadaan ngayon? Ah? ???
rain....
Putek! Uulan pa ata!
At umulan nga. Kaya naman dali dali akong pumasok sa pinakamalapit na.. cafe. Sige dito na lang ako. Aw. Sobrang lakas ng ulan. Mukhang matatagalan pa ako dito :(
"Ma'am?"
"Uhm." hmm.. ano kayang masarap kainin.
"Miss, capuchino please." mmm.. yummy. Ngumiti naman ako.
"Please, wait ma'am." At umalis na yung waiter.
Habang nakatingin lang ako sa labas, naririnig ko naman yung dalwa atang taong nag-uusap sa table na nasa likod ko. Actually, may mga tao din nag-uusap dito. Kaso sila yung pinakamalapit sakin. Kaya malinaw na malinaw ang pinag-uusapan nila ayon sa aking pagkakadinig.
"Ma'am here's your order."
"Thanks." mm.. sinimulan ko ng inumin yun.
"Nabago ka talaga ah."
"Kagagohan lang to pre." hayy.. hindi parin natila ang ulan. ??? May mga customer pa na dumadating. Gusto ko ng umuwi. Ako lang ang nag-iisa dito at walang kasama.
"E bakit ka ba pumayag."
"Para kalimutan sya." ???
Napansin ko lang. Na dumadami yata ang mga tao dito sa cafe. At.. paubos narin yung capuchino ko. :-\
"Tss. Hirap nga nyan. Atsaka.. kahit magseryoso ka naman ata. Hindi ka rin naman papayagan ni Chairman." *nakatulala sa labas*
"Isa pa nga yun sa problema ko e. Kaya.. okay na siguro yung ganito." *yawn*
Still raining..
"Ang lakas ng ulan." hayy.. "Rain. Rain. Go away.."
"E anong plano mo?"
"..Come again, another day.."
"Seseryosohin mo ba ang Aj na yun?.."
"..Little Rezel wants to go... home.." sigh.
"Siguro. Sana kasi. Sana yung ibang tao na lang ang sineryoso ko. Kinamumuhian naman ako e."
"Tara na uwi na tayo."
"Waiter!" bigla kong sigaw. Tumingin naman yung waiter sakin. Tapos napatingin naman ako ng di sinasadya sa taong dumaan sa tabi ng table ko :o :o
"Ma'am?" Hansel..
"Oy, Sel! Naiwan mo yung camera mo!" biglang nanikip ang dibdib ko. Tapos di pa sinasadyang maihulog ko ang pera ko. "Ah miss yung.. Rezel :o !?"
"Miss, ito na yung bayad ko." agad naman akong tumakbo.
"Sandali! Rezel! Uuwi ka na ba! Pero naulan pa! May payong ka ba!?" pagkalabas na pagkalabas ko. Agad na akong naglakad.. kung saan.. kahit pa umuulan.
Basang basa na nga ako e :'(
'Seseryosohin mo ba ang Aj na yun?..'
'Siguro. Sana kasi. Sana yung ibang tao na lang ang sineryoso ko. Kinamumuhian naman ako e.' Paulit ulit. :'( Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Hansel.
'Dahil sayo kaya di na pinapansin ni Hansel yung mga babaeng nainvolve sa kanya. Kahit di sabihin ni Hansel, noon palang alam ko ng ikaw ang tinutukoy nyang 'inlove sya sa kaibigan nya'.'
Bakit.? Bakit napakamanhid ko pagdating sa kanya!? :'( Bakit!? Bakit para sakin madali lang ang magalit at kamuhian siya!? Bakit ako ganito sa kanya!? :'( Bakit.. ang sama sama ng ugali ko pagdating kay.. Hansel Gardaya..'Hansel Gardaya, di mo ako maloloko. Kahit na kelan.. hindi ako papayag na mapapaikot mo ako.... ng ganon..' bakit.. bakit paulit ulit kong sinasaktan ang taong mahal na mahal ako. :-\ :'(