"Akin na ang love letter ko!" nilahad ko ang palad ko.
At....walang pagdadalwang isip nyang nilabas ang letter ko at nilagay sa palad ko. :o Ang bilis! 8) Eh este. Bakit ganon-ganon lang? At tapos...nagwawalk-out na sya. :o
"Sandali! Bakit-"
"Bakit ganon-ganon lang? Tss! Wala naman akong mapapala sayo eh, hindi naman kita pedeng gawing gf kasi di ka pasado sa qualities ko. At....
pampabigat lang yang letter mo sa bulsa ko." nang-insulto pa! >:( Eh !@#$ pala to eh, sipain ko na kaya para masaya.
"HM!" agad kong binalik sa kanya ang letter ko, "Ibigay mo kay Hunter yan!" medyo nagulat sya sa ginawa ko.
Pero agad naman akong tumakbo.
Matapos ang pangyayaring yun. Madalas na lamang akong magpakita kay Hunter. Nagtatago ako. Baka kasi....kilala na nya ako at naibigay na ng mokong na yun ang letter na yun.
Kaya pagdating ng Sabado, 9:30 am,
"Bakit wala pa sya?" tumingin ako sa watch ko. 9 ang usapan sa letter ko. 30 mins. na syang late. Hmmm...siguro masydong maaga ang 9. Baka 10 na sya dumating.
At pagkaraan ng 40 minutos, 10:10 na. Hmm...nagugutom na ako.
Tumayo ako at naghanap ng mga food stands sa tabi tabi. I'm about to take my steps pero...naisip ko na baka naman mamissed ko ang pagdating ni Hunter. Kaya umupo agad ako. At kinalimutan ang gutom.
1 hour later uli, 11:10 na.
Halos yakap yakap ko na ang tuhod ko sa sobrang sakit ng tyan ko. Gutom na talaga ako. :'( Tapos pinagtitinginan pa ako ng mga tao dito, mukhang pulubi na ako sa posisyon kong to. Hmm...tumungo ako. Mukhang di na talaga darating si Hunter. :-\ Dinedma ba nya ang letter ko. :(
:o Agad akong napalingon sa yabag ng paang papalapit sakin. Pagkatingin ko.
"Hindi talaga sya dumating." isang lalaking nasa pocket ang mga kamay.
Bumalik ako sa pakakaub-ob sa tuhod ko.
"Anong oras ka pa naghihintay? Wag mong sabihing 9 pa." mukhang namamanhid na ang kaluluwa ko ah.
"Nilagay ko ng maayos ang letter mo sa shoe locker ni Hunter. Nabanggit niya rin sakin ang tungkol sa letter mo." natanggap pala niya.
"Pero kailangan ka nyang dedmahin dahil wala syang interest sa mga babae." sinasabi ba ng lalaking tong bakla ang ang taong gusto ko. Iniisip ba nyang macoconvince nya ako.
"Except his girlfriend." tuluyan na akong napatayo. :o
"Gf.?" tumango sya.
"1 month na sila ng gf nya. Kaya ganon." dahil sa sinabi nya. Nandilim ang paningin ko.
At ang matagal ko ng hindi naviview na facebook na kanya, ay kumpirmado nga.
Quote
Hunter Zamora is in relationship with Mikaela Mee Loundrez.
Ang sakit-sakit. :'(