Natameme ako sa sinabi nya. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. :-[ Parang gusto ko ng kumawala sa katawan ko. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. At mukhang.. ayokong pakinggan ang mga susunod na sasabihin ni Hansel.
"Rezel, alam kong mahal mo talaga si Hunter. Alam ko rin na mahirap paniwalaan itong mga sinasabi ko. Pero gusto kong magpaliwanag." ayokong tumingin. Ayokong marinig. :-\
"Nung una, ayoko talaga sayo. Naiinis ako sayo. Naiinis ako sa mga babaeng nagkakagusto sa pinsan ko." tumingin ako sa kanya :o Sinabi ba nyang pinsan ??? "Manhid kasi yang si Hunter at palaging walang pakealam. Kaya takang taka ako kapag tinitingnan sya ng mga babae ng maganda. Pero, mas nakakainis dahil kapag nalaman nila na may gf na pala si Hunter. Sakin naman sila pumuflirt. Mas madami nakakapansin kay Hunter, pero madalas sakin sila pumupunta. Mas madaming mas natutuwa kay Hunter, pero mas sumasama sila sakin.
Naiinis ako sa mga taong hindi marunong magpakatotoo sa sarili nila. Hanggang sa dumating ka." hindi parin sya nakatingin sakin. Pero sa tingin ko, hindi ko kailangang umimik. Makikinig lang ako. :-\ Kahit na kinakabahan ako sa mga sinasabi nya. Revelations to, men. Baka masaktan lang ako.. :(
"Kasalanan ko kung bakit hindi umattend si Hunter noon sa usapan nyo. Hindi ko binigay ang sulat. Pinagtripan kita. :-\
Pero mas nakakainis. Kahit na alam mong masasaktan ka sa kanya. Mas pinili mo parin syang mahalin. Niligawan ko ang bestfriend mo, para mapansin mo ako. Pero yung fact na napapansin mo lang ako dahil nag-aalala ka sa bestfriend mo, kagagohan yun! Ikaw na yata ang pinakatangang taong nakilala ko.
Palagi kang nasasaktan. Palagi kang umiiyak. At palagi mong tinatago yung sakit na nararamdaman mo. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase ng tao. All my life, ang tingin ko sa pag-ibig isang malaking laro. Kakailanganin mong maging masaya tapos sasaktan ka. Kung kelan perfect na lahat, saka naman may darating na problema. Pero ikaw.. wala kang pakealam. Basta mahalin mo lang ang taong mahal mo. Okay ka na sa lahat.
Kaya yata.. nahulog ako sayo e." napatingin ako sa kanya. Nasa noo nya ang kamay nya. Nakatungo si Hansel. :-\
Seryoso ba talaga syang sinasabi to sakin. Pero bakit ako pa? Sa lahat lahat ng babae nya. :(
"Hansel.. tama na. Hindi mo naman kailangan sabihin ang lahat ng to. Noon pa lang alam ko na kung gaano ako katanga sa paningin ng iba.. pero sa perspective ko. Hindi ako tanga. Minamahal ko lang talaga yung taong hinding hindi ako mamahalin. At oo.. mas pinili ko ang magpakatanga sa taong mahal ko. Kasi.. kung hindi naman dahil sa taong yun, hindi ko malalaman na may ganitong side pala sa pagkatao ko. Na matapang pala ako. Na kaya ko pala yung ganitong sakit.
Noon.. takang taka ako sa mga kaklase kong babae na niloloko ng bf nila. Pero diba. Kung titingnan, mas katangahan tong ginagawa ko." hindi ko napansin na umiiyak na naman pala ako :'(
"Hayan.. pinaiyak mo na naman ako. Nagmomove-on nga ako diba? Pero pinarerealize mo na naman sakin yung sakit. Uwaaa~ :'(" pinahid ko ang luha ko ng parang bata lang. Nagulat naman ako nung yakapin ako ni Hansel.
"Pero mas tanga ako sa pagmamahal ko sayo. Nagmahal kasi ako ng taong hinding hindi ako mamahalin at hinding hindi sya mamahalin ng taong mahal nya.
Pagbigyan mo naman ako this time oh. I'm sincerely asking for your feelings. Ngayon lang ako tumingin ng ganito sa isang babae. And I think this is my first time. Kung pagbibigyan mo ako Rezel.. I swear. I'll do everything just to make you forget those feelings.
Please sabihin mo sakin, sabihin mo sakin ang pwede kong gawin. Ang gusto mong gawin ko. Para....mapalitan ang lungkot na yan. Kahit ano, handa ako." sinabi na naman nya ang mga katagang yun :'(
Ngayon.. hindi ko na alam ang gagawin ko.