"Lyndon.."
"Hmm.." pipigilan ko ang iyak ko. Ayoko. Pero bakit.. Kailan? Kailan ko pa nagustuhan si Hansel? Bakit ngayon ko lang narealize! Agh! :(
Binawi ko na ang kamay ko. Inalis ko ang necklace--
"Wag. Wag mong alisin."
"Pero.."
"Sabi ko diba, kapag naging kayo na ng taong gusto mo?" hindi ko napigilan at naisigaw ko to:
"Hinding hindi magiging kami ng taong yun!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako.
"So.. dapat pala, matagal ko ng itinigil ang panliligaw ko?" tumingin ako sa kanya. "Sino ba sya, Zel? Yung kabarkada nyo noon, na umalis ng bansa. O yung kabarkada mo hanggang ngayon.. na kinukuha ng iba?" ??? :'(
"Hindi ko maintindihan.."
"Argh!" napatungo sya. "All this time, alam kong wala akong pag-asa sayo. But still, pinagpatuloy ko. Baka kasi.. matulungan kitang marealize mo yung tunay mong nararamdaman. I still gave you the necklace but I still don't know why. I thought, If I continue courting you, malalaman ko kung bakit nagkakaganon si Hansel sayo. Ngayon alam ko na, at naramdaman ko rin yun pagkatapos mong hawakan ang kamay ko.
I think, I've fallen for you, Zel." hindi..
"At kapag sinabi mong itigil ko na'to., hindi ko maipapangako na magiging magkaibigan pa tayo. Zel..
masakit."
"Lyndon?" ang tanga tanga ko talaga! :'( Napakabad ko!
"Isa na lang Zel, hangga't hindi ka nagkakabf. Wag mong hubarin ang necklace." nagulat ako nung niyakap nya ako. :o :-\
"I love you.."
Pagkababa namin ng ferris wheel. Nagkapaalaman narin kami. Diretso sya sa barkada habang gusto ko pang mamasyal.. este.. gusto kong mapag-isa.
Alam nyo.. sa totoo lang.. masaya ako. Sobra! Pero.. nanghihinayang din ako. Naaawa.. sa sarili ko. Masyado ko ng pinahihirapan ang sarili ko. Madami narin akong nasasaktan. Si Lyndon at si.. Hansel. :'( Ganito pala kahirap kapag may nag-aalala sayo. Kapag may nagmamahal pala sayo nang hindi mo man lang alam.
Kahit ayokong masaktan. May nasasaktan parin. Kahit ayokong masaktan.. nasasaktan parin ako. Ayoko na. Gusto ko ng maging masaya. Gusto ko na lang na maging normal ang lahat. :'(
Hindi ko napansin na kanina pa ako dito sa bench, iyak ng iyak. May iba na napapatingin pero walang magawa. Ganon naman talaga..
"Okay ka na ba?" tumingin ako sa taong may hawak ng ice cream. Tinanggap ko naman yun.
Pero.."Bakit.. ka may.." tinuro ko yung labi nya. May dugo kasi :(
"Pugto ang mata mo. Iyak ka ng iyak." ang bilis ng tibok ng puso ko. Sumubo na lang ako ng ice cream. "Hindi mo parin nakakalimutan si Hunter?" hindi ako sumagot. Ayokong mahalata nya ako.
"Gawin mo na lang yung lagi mong ginagawa,
maghintay sa wala." tapos umalis sya.
Ang sakit. :'( *sob* Namimiss ko na talaga yung dating Hansel. Yung Hansel na palaging nag-aalala sakin. Pero ngayon..
"*sob*" ano ng gagawin ko?