Parang panaginip lang lahat. Isang panaginip, at may katapusan. Maiyak iyak na ako ng makita ang sulat ni Hunter sa may table ng kwaro na tinulugan nya. Umalis na pala sya ng maaga at hindi na ako pinagising pa kina mama at papa.
Mamaya pa't bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Nasasaktan na naman ako. :'(
Kasi yung sulat na yun. Yun na ang huling sulat na matatanggap ko. Kasi.. *sob* kagabi na ang huling pagkikita namin.
Quote
Rezel,
Siguro sa mga oras na'to. Wala na ako dyan sa bahay nyo. Iniisip mo rin siguro kung bakit ko gustong matulog dito. Dahil matapos mong sabihin ang nararamdaman mo sakin, mas lalo lang akong nagkameron ng dahilan para kalimutan si Mika. Pero.. hindi kita kayang gamitin. Hindi ko masasabi kung yung gusto kong nararamdaman sayo ay gaya ng gusto na nararamdaman mo sakin. Ayokong maging madaya. Ayokong saktan ka.. kasi alam ko.. alam natin, na hindi madaling kalimutan ang lahat.
Sobra akong natuwa na minamahal mo ako. Pero nalungkot.. dahil, mukhang maling tao ang pinagbibigyan mo ng pagmamahal na yan. Ngayon ko narealize. Ang dami ko na palang nagawa, para saktan ka. Matagal akong nagbulag bulagan. Hindi ko alam, nasasaktan pala kita. I'm sorry. Sorry talaga.
Aalis na nga pala ako, nagpapaalam ako sayo Rezel. Siguro mamayang 10 nasa Paris na ako. Hindi ako umiiwas, kay Mica, sa mga kaibigan natin.. lalong lalo sayo. May gusto lang akong alamin. Patunayan. I need space.
Gusto ko mang magpasama sayo sa airport. Pero ayokong makita ka na namang umiiyak.
Ayokong umiiyak ka.
Kaya wag kang iiyak pagnabasa mo to huh.
Patawad kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Pero hanggang ngayon kasi.. magulo pa ang lahat sakin.
Last and important thing, I like you.
,Hunter
Halos bumigay na ang paa ko. Iyak na iyak ako. Ayokong tumigil. Iiyak lang ako. Ang sakit sakit kasi. Ito na talaga ang huli. Pagkatapos nito, hindi na ako iiyak Hunter. Sorry rin.. pero hindi ko kaya e. Naiiyak talaga ako. Nasasaktan talaga ako. Ang sakit sakit.
Bakit kasi kailangan mong umalis. Bakit pa ako nagconfess kung ganito pala kasakit! Bakit pa ako umiyak.. kung dapat pala naihatid kita. Sana naihatid kita. Sana kahit sa huling pagkakataon nahawakan kita. Sana nasubaybayan ko ang pag-alis mo. Sana.. sana.. sana! *sob* :'( :'(
>flashback
"Hunter!" yun yung unang pagkakataon. At sa wakas nalaman ko rin ang pangalan mo. Tatlong buwan ko ng napapansin ang taong yun.
Napakagwapo kasi nya. Sabi pa nila. Wala daw syang gf. Napakatahimik daw. Suplado. At minsan lang imikan ang mga kaklase nyang babae. Yung bestfriend nga lang daw ang iniimikan nya. Pero.. sa unang pagkakataon. Nakita ko syang ngumiti. :D
Napakagwapo nya. Ibang iba sya lahat ng lalaki. Yung ngiti nya. Parang once in a blue moon lang. Natawa pa nga ako. Wala namang blue moon ah. Pero.. dahil din sa ngiting yun, naniwala ako sa LOVE AT FIRST SIGHT.
Matagal ko ring sinubaybayan ang lahat kay Hunter. Hangang hanga ako sa lahat ng bagay na may related sa kanya.
Kaya nung nagcollege ako, pinangako ko na magcoconfess ako. Gagayahin ko yung mga napapanood ko sa tv. Para sa huli.. kami ang magkatuluyan. Ipaglalaban ko ang feelings ko.
Quote
Dear Hunter Zamora,
Ako nga pala si Rezel Quintos ^.^v Matagal na kitang kilala. Matagal na akong humahanga sayo. Sana maging close tayo. Matagal ko narin hinihintay ang pagkakataong to. Gusto kong sabihin, Mahal na kita. GUSTO KITA!
9:00, Saturday in Yellowstone.
From: Zel
Parang si Joey na sinundan si Bryan kahit na magpanggap syang ibang tao. Si Jeany na minamahal parin si Mikael kahit ilang beses syang iwasan nito.
Naniwala akong magiging KAMI. Kasi naniniwala ako sa HAPPY ENDING. Sa FAIRYTALE. At sa TRUE LOVE. Pero..
"Wag ka ng umasa. May gf na sya." :'(
Eh ano kung may gf ka. Ang asawa nga naaagaw, gf pa kaya. :(
Peronung nakita kitang umiiyak.
Nasaktan ako. Mahal mo nga sya. Wala akong laban.
Husga ako sa ngiti. Saya. At pagmamahalan nyong dalwa. Ngayon masasabi ko.. WALA TALAGA AKONG PAG-ASA.