Pagkatapos naming magbreakfast. Naisipan ni Jj na papasukin kami sa bukid nila. Mamitas daw kami ng mga gusto naming prutas at iuwi daw namin. Pasalubong kumbaga.
Nag-iisa ako ngayong naglalakad. Iniisip ang mga nangyari kagabi. Paggising ko kanina, si Hansel agad ang naisip ko. Hinanap ko sya pero wala na sya sa kwarto. At bukas narin ang pinto. Kanina naman habang kumakain kami, parang normal lang. :-\ Pero ang totoo.. nandito parin ang sakit.
"Rezel!!" napalingon naman ako.
"Oh ikaw pala Lyndon." nagulat naman ako nung nagbow sya ???
"Sorry. Sorry talaga sa nangyari kagabi!" pagtingin nya sakin. Ngumiti na lang ako.
"Talaga!? Pinapatawad mo na ako ng ganong kadali?! Wala bang ginawa si Hansel sayo!" tiningnan nya ako ulo hanggan paa.
Binatukan ko naman sya, "Hindi ganon si Hansel no."
"Aray naman. Pero! Hindi mo rin masasabi noh." humalf smile si Lyndon at dun ko natantong gwapo pala si Lyndon.
Naging awkward lang yung situation nung bigla syang tumahimik at tinitigan ako ???
"Bakit?"
"Gusto mo ba si Hansel?" nagulat ako sa tanong nya kaya di agad ako nakasagot. :-\
"You don't have to answer, just be yourself. :)" parang may kislap sa mga labi ni Lyndon na nagsasabing tama sya. Pero.. mali naman sya. Namimisunderstood ako ng lahat. :-\
"So pwede kaya kitang ligawan?" napatigil ako sa paglalakad. At ngayon nasa harap ko na sya. "I will explain that. I mean, masyado akong naging interesado sayo. Dahil.. oo kay Hansel.
Alam ko at naniniwala ako na hindi mo talaga intensyong saktan si Hansel nung gabing yun. At kung ayaw mo naman sa kanya.. naiintindihan din kita. At isa yun sa mga bagay na hinahangaan ko sayo. Alam mo yun, si Hansel Gardaya na sikat na sikat sa mga babae, inaayawan lang ng taong una nyang sineryoso na si Rezel Quintos. Nagtataka ako at napapaisip.. ganyan mo ba kahate si Hansel?" :-\ argh Napapaisip na naman ako sa nangyari kagabi.
Nabigla naman ako nung hawakan nya ang kamay ko, "So please, pumayag kang magpaligaw sakin." b-ba-bakit ako kinakabahan! :o Argh? Ano ba kasi ang nasa isip nitong si Lyndon?
"So yung crush thingy kagabi.. hindi excuse.. err.. yun? ???" argh! Tama bang itanong ko pa yun!?
"Hindi. Kasi sinadya talaga ni Erika na paaminin ako. Actually, kagabi ko lang nalaman na crush kita. Kasi lagi kitang tinitingnan. At minsan pa nakikita kitang malungkot habang nakatingin kay Hansel." :o Hala! Pati iyon alam nya! :o
"So ano, please pumayag ka na please. Please! Please!" hawak na nya ng parehong kamay ang magkabila ko ring kamay.
Kaya sa sobra kong pagkataranta sa pinaggagawa nya. Napa-oo ako at napasigaw ng di sinasadya.. :o :o
"Really!? YESSSS~" tumalon pa sya. Parang lang yung napapanood ko sa tv. Pero kahit na kelan hindi ko inimagine na magiging ganon si Hunter sakin. Obvious naman kung bakit diba?
:o Nagulat naman ako nung makita si Hansel na nanonood samin at inirapan pa ako :o :-\
Namisunderstood na naman na nya ako!
"Sige Lyndon huh!" tinapik ko sya sa may balikat. At nung makita kong mas binilisan ni Hansel ang paglalakad nya, mas dinobke ko ang pagtakbo ko.
"Hansel!"
"Wait!"
Pero parang wala syang naririnig. Kaya nung maabutan ko sya, agad kong hinawakan ang braso nya.
"Namisunderstood mo yun!" tumigil naman sya pero di nakatingin sakin :-\
Argh! Nasasaktan ko na naman ba sya?
"Zel. Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala na akong pake dun. Para sakin, malinaw na ang lahat. Hindi mo ako type diba, kaya kahit ilang beses akong magparamdam sayo, WALA KANG PAKE. Pero isang beses lang nagparamdam si Lyndon, pinagbigyan mo na agad.
Sa bagay.. isang manloloko at mapaglalarong lalaki. Sinong magkakagusto sa ganong klaseng lalaki!?" at ang mas masakit. Nung sinampal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya.
Galit talaga sya :'(