50Love

"YUMI!!! ERIKA!!! ILABAS NYO AKO DITOOOOOO~" may narinig naman akong tumatakbo.
"LYNDON! NOA!! Anong ginagawa nyo!?" si Yumi.

"REZEL!? Nandyan ka ba!?"

"ERIKA! Huhu.. Erika buksan nyo to oh!" paiyak kong sabi. Oo, naiiyak na talaga ako.
"Kasama mo ba si Hansel?"

"..." 0.0

"Nasaan ang susi!?"

"Na kay Lyndon."

"Lyndon!?"

"Si Jj naiwan sa salas. Tulog."

"Ano ba!!? Nasaan na ang susi!!?"

"Rezel!" nagkakagulo na sila sa labas. At ako naman.. heto guilty!

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko. THUMP. Parang tinusok ang puso ko ng makita ang reaction ni Hansel.

"Hansel, misundertanding to!! Hindi porke't--"

"ANO BA LYNDON!! IBIGAY MO NA ANG SUSI! HINDI MO BA NARIRINIG SI REZEL? AYAW NYA AKONG KASAMA!!!" ang sama ng tingin nya sakin. Mali. thump. thump. :'( Mali ang pagkakaintindi nya. Hindi.. :'(

"Waaah! Hansel tinulugan ka ni Lyndon!! Ako din~"

"ANO BA!!? Wag kayong matulog dyan sa sahig!!? Nasaan ang susi! Ano ba kayong dalwa!" tumutulo na ang luha ko. Ang mga tingin ni Hansel, unti unti ako nitong tinutusok. Nasasaktan ako sa mga tingin nya :'(

"Rezel, Hansel. Pasensya na. Talagang tinulugan na tayo nina Lyndon at Noa e. Pasensya na talaga." naramdaman ko naman na umalis na sila. :o



BANG!!!

Biglang sinuntok ni Hansel ang pinto. Tapos tumingin sya sakin.

"Pasensya na Rezel ah. Hindi ko to magagawang buksan e.. wag kang mag-alala. Isipin mo na lang na hindi mo ako kasama." malungkot ang mukha nya.

Agad naman syang umupo sa may sulok at umub-ob sa tuhod nya.

"Hansel.."

"Wala ako dito." naglakad ako papalapit sa kanya.

"Hansel.."

"Ano ba!!" bigla syang tumingin sakin at.. :o :o

:'( Umiiyak sya. Umiiyak si Hansel.

"Argh! F***" *sob* hindi ko na napigilan.. At niyakap ko sya :'(

"I'm sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry--" bigla na lang. Naglapat ang labi ang labi nya sa labi ko.

At ngayon.. niyayakap narin nya ako. Again, it's a passionate kiss. Like how he first kissed me. Hinahayaan ko lang sya. Hahayaan ko lang sya. :'(

"Hm!



so-Sorry!" tinulak nya ako.

"Pangako. Hinding hindi na kita guguluhin, Rezel. Kaya please wag mo narin akong guluhin.

Matulog ka na." pumunta naman ako sa kama. Tiningnan ko pa sya pero tumalikod na sya sakin. *sob* Humiga ako. At hindi ko parin kayang hindi umiyak.

Akala ko Hunter, ang pag-alis mo ang magiging huling pag-iyak ko. Hindi pala.. masasaktan at masasaktan din pala ako ng iba. Iiyak at iiyak din pala ako dahil ng iba. Hunter.. sana nandito ka na lang. Kung nandito ka. Mawawalan ng dahilan para alagaan ako ni Hansel. Kung nandito ka, walang dahilan para tingnan ko ng ganito si Hansel.

Kung nandito ka, binabalewala ko parin si Hansel..








..at hindi ko sana sya mas Nasasaktan. :'(