"Kukuha lang ako ng makakain huh." umalis si Mica. Ako naman pumunta agad dun sa hapagkainan at kumuha ng mga sweets snacks. Ayoko ng kahit na ano, broken hearted ako e.
Naglakad ako mag-isa papunta sa likod ng restaurant. Maganda pa naman ang view dun e. Dirediretso lang ako. Habang sumusubo. Naupo din ako sa may bermuda.
Napansin ko naman ang kinakain ko. "Ang sweet ni Hunter no. Ihanda ba naman kayo para sa gf nya. E ang sarap sarap nyo! " ngumuya ako. Napahikbi naman ako ng wala sa moment.
"Ano ba! Naiiyak na tuloy ako. Ang sweet nyo kasi! Kasing sweet ng mahal ko! Hmf! *sob*" may bigla namang tumama sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. Nung una wala akong pake at kumain na lang ako. Pero nung may tumama na namang isa--
"WAAAAAAH!!! ngayon naman minumulto ako ng konsensya ko!" nasa mata ko na ang mga kamay ko at umiiyak na talaga ako. :'(
"Nagpaparinig ka ba talaga!" may biglang nagsalita :o "Hanggang ngayon, stupid ka parin!" bigla na lang syang kumuha ng marshmallow at sinubo to. Tiningnan ko lang sya.
"Naku kung may sakit ako sa puso, aatakihin ako sa kaba!" kumain uli ako.
Napatingin naman ako sa kanya nung pinunasan nya ang luha ko. Ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. :-[
"Pinatitibok ko ba ang puso mo?" tumingin lang ako sa kanya.
"Nililigawan mo na ba talaga si Shara?" yan ang biglang lumabas sa bibig ko. At nabigla ako ng sinamaan nya ako ng tingin. Yung parang inis ???
"Argh! You're still the stupid one." tumayo sya.
"Oo ang tanga tanga ko! *sob*" Argh bakit ba hindi ko mapigilang hindi maiyak.
Nakakainis! Nakakainis! Ano ba talaga ang dapat kong gawin para makalimutan ko na ang taong yun?! Para tumatak sa isip ko na hinding hindi sya pwedeng maging akin!? Mahal nya, ay HINDI AKO. Pero... :'( mas masakit. Bakit pa kailangang masaktan ang taong mahal ko. Bakit mas nahihirapan ako kapag nasaktan si Hunter. Feeling ko tuloy! Dapat pala pinaglaban ko si Hunter. Kasi kapag nangyari yun, pinapangako ko! HINDING HINDI KO SYA PABABAYAAN, HINDI KO SYA SASAKTAN. MAMAHALIN KO SI HUNTER.
Argh! Kasi naman e! Dapat KAMI NA LANG!! :'(
"*sob* ahih! Hmm.. ang tanga tanga ko talaga. *sob* hmm.. Ahihmm! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Aheh! *sob*" bigla na lang.. NIYAKAP AKO NI HANSEL. :o
:'(
Sinubukan kong kumawala.. pero..
"Hanggang ngayon, ganyan ka parin. Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilan ang hindi tumingin sayo. Hanggang ngayon.. gusto parin kita alagaan." mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin. At mas lalo ko lang naramdaman ang sakit :'( "Zel, lagi naman akong handa ah. Kahit ano.. please, sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko. Para makalimutan mo si Hunter.." napatungo ako. :'(
"Hansel..
si Shara na lang oh. Wag ako.. sa kanya ka na lang magfocus. Wag mo naman tong gawin. Kasi... may mga masasaktan." unti unting lumuwag ang pagkakayakap nya sakin.
"Sa tingin mo ba, magagawa ko pa yan.
Ngayong sinira mo na ang lahat." naramdaman kong agad din syang umalis. Tumayo ako. At lumingon kay Hansel na kaaalis lang :'(
Anong ibig nyang sabihin?
Agad kong pinawi ang mga luha ko. Bumalik narin ako sa kanila Yumi. Nag-uusap na lang sila. Wala parin si Hansel? Saan na sya nagpunta? :-\ Nakita ko naman si Hunter. Mag-isa sya at wala si Mica :o thump.thump. Kinabahan ako nung nahuli nya akong nakatingin. Umiwas naman agad ako at pumunta muli kung saan.
Siguro sa taas na lang muli ako.. Step.Step.
"...Sa sabado, pwede bang wag nyo na lang akong sunduin. Magbabyahe na lang ako papuntang NAIA." ang boses na yun. :o
"Wait." nagkatinginan kami. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Takot. At guilty. "Bye."
Nakatingin parin ako sa kanya. Siguro ito na yung chance ko.
"Oh Rezel, masarap ba ang pagkain." wala akong imik. At seryoso ko syang tinitingnan habang lumalapit ako.
"Uhm. Bukas nga pala, naisip ko kung mamamasyal kaya tayo? Gusto ko kasing makasama pa si Hunter, since isang araw na lang." at agad ko syang SINAMPAL.
"Ah?-- b-Bakit?..."