8Love

Baliw talaga ang lalaking yun. Seryoso ba syang nanliligaw sa bestfriend ko? Magkataon na hindi, nakuu...papatayin ko yun. Pinaiikot nya ang ulo ng bestfriend ko. Pero mabuti at si Yumi yun. Hahah! Hindi nya magagamit ang pagiging romantiko at pagiging chikboy nya. *squeeze*

"Ah?" napalingon ako dun sa halamang gumalaw. At pagkatingin ko. :o ??? :D si- "BU-CHAN!" agad ko syang nilapitan kaso... Bigla namang tumakbo kaya hinabol ko.

"Pushh~ bu-chan." palapit na ako ng papalapit sa kanya nang bigla namang nyang iniharap sakin ang puwit nya at napasubsob ako sa sahig. :o

Loka ang matandang pusang yun ah. :(


"Palagi ka na lang walang pake! *slap*" nagulat naman ako habang nagpupunas ng mukha.

Lumapit ako ng konti sa may puno at sinilip ang nasa likod nito. Hmm isang couple? Waaah? May bakas ng sampal yung lalaki! :o hmmm....Realization: Ang lalaking yun ay si Hunter. :-\ at ang babae ay...

"Mika.."

"Sawa na ako Hunter. Mahal mo ba talaga ako? O ako lang...hanggang ngayon ako lang ba ang nagmamahal sating dalwa!" biglang nagwalk-out yung babae.

Napahawak ako sa mukha kong kanina lamang sumubsob sa sahig. Ang sakit. Ang sakit na makita mo ang taong gusto mong nasasaktan. :'( Ngayon. Napaupo si Hunter sa sahig at napatungo. Mukhang nasasaktan sya. Mahal nya talaga gf nya. :'(

"Ahm!?" nagulat sya sa paglabas ko somewhere.

"Heto!" inabot ko ang panyo ko. Nakikita kong napapaiyak na sya. "Alam ko na mahal mo talaga sya. Kaya dapat, gawin mo ang tama. Sundan mo sya! Mahal mo sya diba?" bigla syang tumayo. At....sinamaan ako ng tingin pagkaalis. :o ??? :-\


MAY NAGAWA BA AKONG MALI? :(


Kaya mas medyo nalungkot lang ako. Bakit ganon? Bakit nasasaktan ako? Hmm...thump! Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Nasasaktan. Parang gusto kong umiyak. :'( Maling magustuhan ko sya diba? Kasi may gf na sya. :-\ Kaya dapat suportahan ko na lamang sila. Hmm...hm! Tama! Dapat suportahan ko ang lab istori nila! Kahit di kami magkakilala ni Hunter. Since si Hunter ang taong gusto ko. I wonder...kung paano ba maging bf ang taong hinahangaan ko. :)


"Sorry."

Pagkarinig ko nun, eksakto namang naaninag ko sa salamin si Yumi na magwowalk-out...kasama niya si Hansel. ??? Anong nangyari?

Pagkalingon ko, wala na si Yumi na siguro dun dumaan sa isang pinto ng classroom. At....yung Hansel naman ang napatingin sakin. Mukhang seryoso ang pinag-usapan nila.






Tapos....bigla na lang ngumiti si Hansel.