"Yu...---mi?"
"*sob* Bakit ba sya ganon!? Bakit palagi na lang mali sa kanya ang mga ginagawa ko!? Mahal ko lang naman sya. At natatakot ako na makuha sya ng iba. Hindi ba pwedeng gawin ko ang mga bagay na magpapatagal sa relationship namin!" napatigil ako. At...tinitigan si Mica na umiiyak. Umiiyak sya dahil kay Hunter. :-\
Hinihimas himas ni Yumi ang likod ni Mica.
"Mahal kang sobra ni Hunter." biglang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko ng di ko man lang namamalayan.
"Rezel!" tumayo si Mica habang sinusubukang punasan ang mga luha nya.
Ngumiti sya. Walang halong fake.
"Gusto mo rin ba sya?" nanghina ako sa mga tinanong nya. Parang naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Baka.. masaktan ko sya at magalit sakin si Hunter.
"Wala namang dahilan para hindi mo sya magustuhan diba?" umiiyak parin sya.
"Oo. Gusto ko sya. Noon pa! Nung hindi pa nagiging kayoo.. nung hs pa lang akoo~ *sob*" umiiyak na pala ako. Medyo nagreact si Yumi. Pero hinayaan lang nya ang mga nangyayari.
"I'm sorry." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Siguro naiinis ka na sakin ngayon. Naiinis din ako sayo, senyo. At sa...kanya! Pero...mas naiinis ako sa sarili ko! Kasi sobra ko syang mahal! Siguro nasasakal ko na sya. Pero natatakot ako, BAKA IWAN NYA AKO! Ang sabi ko lang naman kasi, natutuwa ako sainyo ni Hansel. Sana maging kayo ni Hansel. Nasabi ko lang yun, para hindi sya magkainterest sayo. Mabait kasi si Hunter sa mga taong nagkakagusto sa kanya. Mabait kasi si Hunter.. kaya mahal ko sya. Pero nagalit sya! Nagalit sya, kasi ayaw daw nyang naririnig ang mga walang kwentang bagay. Natakot ako! Baka pagnagalit sya, IWAN NYA AKO!!!"
"Hinding hindi ko gagawin yun." biglang may nagsalita. At mas nanghina ako ng malaman na sya yun. :'(
"Hunter?" naramdaman kong papalapit sya. Lalapit sya. Lalapitan nya si Mica.
Rezel! Rezel! Umalis ka na dyan. Tumahan ka na! Makikita ka nya! *sob* Hm.. SANA MAWALA NA LANG AKO NG PARANG BULA!!! :'(
"Diba pinangako ko sayo, WALANG IWANAN." nakita ko kung paano ilahad ni Hunter yung bagay na kanina pa nyang hawak. "Diba sabi ko sayo, may ibibigay ako.
Happy monthsary." isang necklace. :-\
"Hunter? Hm.." nagyakapan sila. Napayuko naman ako. Ayaw talagang umalis ng mga paa ko. Natatakot ako. Baka...
"Miss Rezel?" Ah!?? Tawag nila ako. Baka mahalata nila ako.
"Mica, uuna na kami ni Rezel. Jj?" wag kang lumapit Yumi!
Dapat maipakita kong malakas ako. Matapang ako. :'(
"Rezel.?"
*sob*
*sniff*
:'( :'( :'(
"CONGRATS! Kaya ikaw Mica, wag ka ng iiyak! Mahal na mahal ka nyang si Hunter. Hehe.. kahit di naman kami close." ngumiti ako.
"Miss Rezel?"
"Hahaha! Ang sweet talaga ni Hunter! Hunter magpaliwanag ka nga kung bakit ginawa mo yun. Hmm.. saking obserbasyon. Sa tingin ko, dahil gusto ni Hunter na tungkol SAINYO lang ang gusto nyang marinig. Gaya nun.. Alam mo ba na umiiyak sya dahil sayo." napatungo si Hunter. Nahiya siguro. Haha! "Pero ang suplado nya, akalain mo bang tanggihan yung panyong inoffer ko. Tsk! Bad guy." nagkatinginan sila.
"Ang daldal mo talaga." bulong naman sakin ni Yumi. Napangiti naman ako. Yung abo't hanggang tenga. Bigla kong tinulak si Yumi.
"Jj ikaw din! Iwan muna natin sina Mica at Hunter. Kailangan nilang mag-usap." seryoso ko namang sabi. "At sana wag na kayong mag-alinlangan sa nararamdaman nyo. Alam ko namang mahal na mahal nyo ang isa't isa." naglakad na kaming tatlo palayo.
"Rezel, salamat." parang kinurot ang puso ko ng marinig ang mga salitang yun galing kay Mica. Tapos na... NASASAKTAN NA TALAGA AKO.
Sinubukan kong itaas ang mga kamay ko at kumaway ng nakatalikod. Tumawa ng konti at umalis.
Napabuntong hininga ako. :-\
"Ikaw. Luka ka talaga. Minsan di kita maintindihan e. Talaga bang nasaktan ka. O baka nagdadramadramahan ka lang. Tsk!"
"Ang galing mo naman Rezel. Ganyan ka rin ba kasupportive sa relationship namin ni Yumi." tiningnan ko ng masama si Jj. Para magmukhang okay talaga ako.
"Kapal talaga ng mukha mo. Makalamon na nga!" tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo. Kinagat ko ang labi ko. *sob* :'(
"Makakahanap ka rin ng Boyfriend!" *sob* baliw.. ;D :( :-\ :-\ :'(
"MAGANDA AKO!!!" at tumakbo na ako palayo.
Hanggang sa namalayan ko na lang. Nasa tabing dagat na pala ako at nakatulala lang dun.
"Hey..." may biglang nagpoke sakin.
Nanlambot ang mga paa ko and still nakatulala parin ako. Napaupo ako sa buhanginan. At.....naramdaman na parang may likidong umaagos sa mga pisngi ko.
Umuulan ata?
"Huy. Wala ka ata sa sarili ah." umupo rin sya. Naaaninag ko pang nakangiti sya. Pero.....dahan dahan na nalungkot ang mukha ni Hansel. Nakatitig lang sya sakin at walang sinasabi.
"Bakit... :-\" sabi nya. Pero patuloy paring may umaagos na likido sa mukha ko.
At wala akong magawa kundi ang hayaan yun. *sob* UMIIYAK PALA AKO. :'(