43Love

"Hansel.." pero bakit ganito. Bakit nawawala yung galit ko pagnakikita kong nakangiti sya :-\ Ganyan ba talaga kalakas ang hatak nya saming mga babae?

Agh!

"Nga pala. Punta ang barkada sa karaoke bar. Tara, sunod na tayo!" sumunod naman ako sa kanya. Sakay kami sa kotse nya.

Pagdating namin dun. Nandun na si Yumi at si Jj. Tapos nandun din yung pinsan ni Jj na malimit kong makita sa campus at makasabay sa van nila, si Erika. Kasama nito ang dalwa nyang kaibigan. Ganon din si Hansel, nandito ang dalwa nyang kabarkada. Si Lyndon at Noa.

Nagkakabonding naman lahat. Kasalukuyan namang kumakanta si Erika. Medyo maharot din ang isang to. Kaya mabilis syang nakakasabay sa nangyayari. Habang ako.. nandito nakatunganga, malalim ang iniisip. Sigh!

"Zel! Baka naman maOP. Heto inom ka na lang, ang sarap. Halos lahat kami umiinom." timing talaga tong si Jj lagi. Tuwing badtrip ako sumisingit sa eksena. >:(

"Eh bakit si Yumi di mo pinapayagang uminom!?" babatukan ko to pag di sumagot ng matino!

"May boyfriend kasi sya, ako! E ikaw naman e wala!" PAK! Hayun tinuluyan ko na!

PAK uli! >:D nakuha mo!

Tumingin ako sa bumatok din kay Jj. "Zel, bawal kang uminom!" inagaw ni Yumi ang isang baso ng beer. As in basong normal talaga. Kalhati nun ang pinainom sakin ni Jj.

"Ang sakit nun. Magbestfriend talaga kayo."

"Jj! Bawal syang uminom!" nalungkot si Jj. Medyo napatawa ako but deep inside naiintindihan ko naman talaga si Jj. Nakikita nya sigurong down na down ako kaya hayan sinusubukan nya akong icheerup. "Halika. Samahan mo akong bumili ng kape!" umalis naman agad sila. Walang imik si Jj e no. Haha!

Nakaramdam naman ako ng uhaw. Kaya ininom ko yung dalwang baso na nasa lamesa. Tapos mamaya maya.. nag blurred yung tingin ko (-.-) at nakaramdam ako ng antok. Bang! Busted na ako! Nahiga naman ako sa sofa.

Hindi pa nakakabalik si Yumi. Argh.. bakit umiikot ang paningin ko. Err~ ang ingay! ang pangit pangit naman ng boses ng kumakanta. Aggggggh! ;D

"Zel!? Anong nangyari!?" nandyan na pala si Yumi. Ba...bakit dalwa ang Yumi ???

"Anong nangyayari sa kanya?"

"Mukhang lasing na sya. Zel, inumin mo to." inalalayan ako ni Jj pero hindi ko gusto ang ginagawa nila. Kaya umiiwas ako. Ano bang ginagawa nila!? >:(

"Sinong uminom nitong dalwang basong alak!?" sigaw pa ng sigaw si Yumi! Haha! Haller ang ingay nila, as if may makakarinig sa kanya. Hmm.. yung basong hawak nya, mukhang familiar 8) ;D ;D

"Zel, inumin mo na tong kape."

"Hmm.." ang bigat bigat ng pakiramdam ko. >:(

"Anong nangyari?"

"Mas mabuti siguro na iuwi mo na sya. Nakainom kasi sya ng alak. Magkakulay pa naman ang tubig at itong alak na inorder nyo." may humawak saking kamay at sa balikat ko. Kaya minulat ko ang mata ko..

"Hansel." ngumiti ngiti pa ako.

"Zel, ihahatid na kita sainyo." seryoso ang mukha nya. Bubuhatin na sana nya ako pero pumalag ako buti na lang nasambot ako ni Jj.

"Ayoko! Ayoko sayo! Haha! Huwag mo nga akong mahawak hawakan! Mapagchismisan pa ako e. Ano!? Sasabihin nila tanga ako dahil napaglaruan din ako ni Hansel Gardaya." pinilit kong tumayo. Ahahaha! Medyo di ko na alam ang nangyayari.. hilong hilo na talaga ako. Basta alam ko lang.. susubukan sana akong alalayan ni Hansel. >:( ;D

"Ano ba! Sabi ng wag mo akong hahawakan e! Haha! Isipin pa ng iba gusto nga kita.." tinuro turo ko sya. Seryoso ang mukha nya. Hahah! Hindi ko alam kung bakit ako tumatawa ::) "Ano.. may listahan ka ba ng mga babaeng pinaiikot mo? Ano.. isa ba tong bet!? Magwawagi ka ba kapag ako na ang nafall sayo!? Tapos ano.. iiwan mo ako at pandidirian na parang walang nangyari. Hahaha! Bakit ang tahimik!? Waaa.. ang daming tao! Haha! Ito!" tinuro ko si Hansel. Sinubukang hawakan ni Yumi at Jj ang kamay ko. "haha! Ano ba.. hindi ko pa nasasabi! ;D" bubuhatin na sana ako ni Jj. Pero sumigaw ako..


"SI HANSEL GARDAYA ANG DAKILANG PLAYBOY. PINAIIKOT NYA SA MGA PALAD NYA ANG LAHAT NG BABAE. WALA SYANG AWA! NAPAKAFLIRT NYA. PINAPAASA NYA LANG TAYONG MGA BABAE! GINAGAMIT NYA ANG KAGWAPOHAN NYA. WALA SYANG KWENTA.. DAPAT SA KANYA HINDI PINANINIWALAAN!


MARAMI KA NG BABAE KAYA WAG MO NA AKONG ISAMA." sa totoo lang hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Basta hindi ko na kaya..

mukhang kahit na anong oras lamang e, babagsak na ako. Buti na lang may sumambot sakin.






"Hansel Gardaya, di mo ako maloloko. Kahit na kelan.. hindi ako papayag na mapapaikot mo ako....

ng




ga..non.." Zzzz.