Hindi ko nasagot si Hansel nung gabing yun. Agad kasi syang tumalikod at pumasok sa loob ng kotse nya. Ihahatid na daw nya ako. Ang bilis nga ng mga pangyayari, hindi na nya hinintay ang sagot ko. :-\ Kahit ako din naman, hindi ko alam ang isasagot ko. Nangyari na'to noon. Ang pinagkaiba lang, ngayon, wala si Hunter.
Kahit nung gabi, mukha parin ni Hansel ang nasa isip ko. Nasaktan ko talaga sya. At kahit nasaktan ko sya at binalewala, pinili parin nyang gawin yun. Gusto parin nyang tulungan ako para kalimutan ko si Hunter. Nag-aalala parin sya sakin gaya ng pag-aalala nya nung unang beses nyang binitiw ang mga salitang yun. Ayaw nya akong nasasaktan :-\
Pero naisip ko, ano nga ba ang dapat gawin? Gagayahin ko ba ang ginawa ni Hunter sakin? O tuturuan ko ang sarili kong mahalin si Hansel? :-\ Pero kagaya ni Hunter, masakit parin. Nandito parin yung sakit na iniwan ng taong mahal ko. Kaya hindi madaling magdesisyon. At kung gagamitin ko si Hansel para kalimutan ang sakit na yun.. parang nagtake advantage narin ako. :-\ Ngayon ko lang nalaman, ganito pala yung feeling ni Hunter nung sya na ang naiipit sa feelings ko at sa feelings nya para kay Mica. :-\
Agh! Hindi to ang klase ng lovelife na gusto ko!
"Ah!!"
"Sorry!" agad kong sinabi sa babaeng nasagi ko. Agad din naman syang tumingin sakin.
"Rezel Quizon?" ah si jaja pala.
Pumunta kaming cafeteria. Walang umiimik saming dalwa. Kumakain lang kami. Hindi ko naman alam kung dapat ko bang buksan yung topic na about kay Hansel. :-\
"Nakita ko si Hansel kanina, kasama nya yung.. Jazz." napatingin ako sa kanya. Bigla bigla kasi syang umiimik. Tapos about nga kay Hansel. Pero.. Jazz ???
"Yun yung taga med dept. na napapabalitaan na nakakafling ni Hansel. Tapos.. ayaw na nyang makipagkita sakin, Zel!" tiningnan nya ako ng diretso. "Hindi ko sigurado kung parehas lang kaming inayawan ni Hansel nung Jazz na yun. Pero mas masakit sa side ko, gusto ko kasi talaga si Hansel!" tumungo sya. "Sinasabi ko to dahil kaibigan ka nya. Alam mo ba kung bakit nya kami inayawan?!
Dahil daw may nililigawan na sya. And this time he's being serious! :'(" teary eyed na si Jaja. Ako naman, guilty. Mukhang ako kasi ang tinutukoy nya :-\
"Pero alam mo, sigurado ako na hindi rin magtatagal yung panliligaw na yun. Hah! Si Hansel Gardaya yun, ilang beses na ba syang nanligaw ng mga babae, at ilang beses din ba nyang itinigil? At kung seryoso man sya, sigurado rin akong magiging kaawaawa lang yung babae. Bukod sa mapagchichismisan sya, mapagpupustahan kung gaano siya tatagal kay Hansel, at ang mas masama.. mapag-iisipan sya ng masama.
Gaya na lang ng mga nangyayari sa Shara na yun, kahit Pres. pa sya ng NSP. Tingnan mo naman ang trato sa kanya ng marami. Pinandidirian sya. Ang tingin sa kanya ay walang kwenta. Bukod sa napagsawaan syang ligawan ni Hansel, binabalewala pa sya ni Hansel. iniisip pa ng iba na easy to get sya, at isang stupid na nagpaloko at umasa sa isang Hansel Gardaya." sa bawat salita ni Jaja. Unting unti kong nararamdaman ang sakit na nararamdaman ni Shara. Kaya pala sya nagkakaganon. Ganon din ang nangyari nun kay Yumi, kundi lang dumating si Jj.
"Hah! Pero alam mo Zel ang kahanga hanga sa ganon. Madami na ngang nabiktima si Hansel, pero kahit na kelan hindi sya inaayawan ng mga babae. Mas mabuti na ang fling. Kesa sa ligawan naman ako pero iiwan sa huli. Madali lang naman kasing mahalin ang isang Hansel Gardaya. Kaya masakit pagnafall ka pero sa huli lolokohin ka lang." hindi ko magawang mag-agree. Ayokong makinig. Parang kasing sinasabi ng bawat salita nya na wag ko na lang payagan si Hansel. Na mali ang gagawin ko kung hahayaan ko si Hansel na ligawan ako. Paano nga kung lahat ng yun ay mangyari sakin? Hindi ko kakayanin.. imbes na maging masaya ako. Mas masasaktan lang ako. Sa hiya, sa pride ko, at sa pagkatao ko.
"Zel.."
"Alis na ako. Kanina pa akong late sa sunod kong klase." umalis na ako. Wala narin akong narinig kay Jaja.
Sa mga narinig ko, parang may nabuong desisyon.
Desisyon na kanina ko pang pinag-iisipan. Tama. Mapanganib na tao si Hansel Gardaya. Hindi sya tatanggihan ng lahat. Dahil may something sa pagkatao nya. Kahit na sinabihan nya ako ng mga magagandang salitang nagpalambot ng damdamin ko. Kahit na sabihin nating nasaktan ko nga sya.. wala parin akong kasiguraduhan na talagang seryoso sya. O pwede ngang seryoso sya. Pero hindi ako nakakasiguradong hindi nya ako sasaktan. Baka itulad din nya ako sa iba.
In the first place, hindi talaga sya ang gusto ko. At malaki naman talaga ang pagdududa ko sa kanya.. kahit noong nakafling ko na sya, nagawa parin nyang makipagflirt. Sabihin na nating nag-apologize na sya dun.. pero bakit nga ba nya ginawa yun? Selos? Hmf! Wala parin syang karapatan, in the first sya naman ang may gusto ng fling thing na yun >:(
"Rezel." at ngayon kaharap ko ang lalaking kinaiinisan ko.
hindi ko alam Hansel kung bakit minsan nagiguilty ako sa mga nasasabi ko sayo, kung bakit feeling ko gusto mo nga ako. Pero from now on. Hinding hindi na ako magpapadala sayo. I will never fall in love with you, Hansel Gardaya.