"Bakit ka pa nakakangiti ng ganyan.." tumulo na ang mga luha ko. "Alam kong niloloko mo lang sya. Bakit.. bakit mo sinabi na sa Bicol ka lang pupunta at isang linggo ka lang dun. Kahit na sa States ka naman patungo, at walang kasiguraduhan kung babalik ka pa ba!?" napahawak sya sa pisngi nya. Tumungo. At humikbi.
"Akala ko ba mahal mo sya?.. akala ko ba ayaw mo syang masaktan. Mica, ako yung nasa tabi nya nung umiiyak sya dahil sayo. Hindi kasi nya alam kung paano ka nya hindi masasaktan. Mahal ka ni Hunter." oo na. Masama na ako. Pwede na akong mapunta sa impyerno. Dahil sinaktan ko ang isang napakamapagmahal na gf ni Hunter. Ang mahal na mahal ni Hunter.
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry."
"KUNG GANON WAG KA NG UMALIS!!" tumingin sya sakin. Iyak na iyak si Mica.
"Sa tingin mo ba, gusto ko talaga syang saktan? *sob* Zel.. si Hunter Zamora ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung paano ako mabubuhay ng wala sya sa tabi ko. Ng hindi sya nakikita. Ng WALANG KAMI. Pero.. kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan ako ng lola ko. I have no choice pero ang pumili sa pagitan nila. Zel... Hmm.." tumungo muli sya.
Umiwas naman ako ng tingin. Pinawi ko ang mga luha ko. Dapat maging matapang ako. Hindi ko hahayaang mangyari to.
"Ano ngayon ang balak mo? Paano kung makuha sya ng iba?" paano kung kunin ko siya. :-\
"Alam mo, it's been a month bago malaman na kailangan kong iwan sya. Pinilit kong hayaan na bigyan siya ng space. Kasi walang oras na hindi sakin si Hunter. Pero ngayon, nilalapit ko pa sya sa iba. Pero Zel.. hindi ko pala kaya. *sob* Zel, bantayan mo naman sya oh. Wag mong hayaang makuha sya ng iba.. alagaan mo naman sya oh, ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko." hinawakan nya ang parehong kamau ko. Nagmamakaawa si Mica. Umiiyak sya sa harap ko. At humihingi ng tulong na magbibigay sakin ng pag-asa.
Pero... :'(
Hindi ko kaya.
Mahal ko yung taong binibigay nya sakin na hindi pwedeng maging akin. Itatago ko ang sikretong to kahit alam kong masasaktan ang taong mahal ko. Nagtitiwala sya sakin, kahit di nya alam na mahal na mahal ko rin ang taong mahal nya :'( Pinagtataksilan ko si Mica. Sa isang banda, gusto kong maging makasarili, GUSTO KONG ANGKININ SI HUNTER.
GUSTO KONG MAGING MASAYA KASI CHANCE KO NA PARA MAGING AKIN SYA.
Gusto kong kunin ang opportunity'ng to.. kasi gusto kong ako ang magwagi sa huli. AKIN NA LANG SI HUNTER KUNG HINDI NYA TO KAYANG ALAGAAN. :'( Lord oh, let me take this opportunity. Chance ko na'to diba? Gusto kong maging kami rin.
:'(
"Rezel.." binawi ko ang kamay ko.
"Mica!" gusto ko muling umiyak. Naririnig ko si Hunter. Naririnig ko ang sarili ko.
ANG TAONG TO, MAGIGING AKIN NA SYA DAHIL AKO ANG MAGLILIGTAS SA KANYA PAG INIWAN SYA NG WALANG KWENTA NYANG GF. Ang sama ko! :'( Ang selfish ko.
"Hunter?" pinilit kong wag silang tingnan.
"Rezel, tara na sa ibaba. Ihahatid ka na namin." muli.. pinatibok nya ang puso ko sa pagbibigkas lang sa mga salitang yun.
I nod.
"Hunter, I love you." pinikit ko ang mga mata ko.
Nasa van kami at uuwi na. Dapat kalimutan ko ang lahat. WALA AKONG NARINIG.
"Uhm.. pwede bang ako muna ang unang umuwi, kanina pa kasi ako hinahanap sa bahay."
Mabilis ang oras. Nasa bahay na kami ni Mica. Bumaba sya. Hinatid sya ni Hunter hanggang gate. Matagal silang nagkatinginan, hawak ni Mica ang kamay ni Hunter. Bigla na lang :o *iwas ng tingin* :-\
Hinalikan ni Mica si Hunter. :(
"Kung hindi mo talaga kaya, magconfess ka kay Hunter. Panigurado, hinding hindi ka na masasaktan." narinig ko ang mga salita ni Yumi.
Na gaya ng sinabi ni Hansel noon. confession? Talaga bang hindi ako masasaktan? :'(
"I really really love you." niyakap ni Mica si Hunter. Pero sakin sya nakatingin. Nagmamakaawang tingin.
Umiwas muli ako ng tingin.
Sumakay na si Hunter. Aalis na kami. Malayo na kami kay Mica. '..Sa tingin mo ba, gusto ko talaga syang saktan? *sob* Zel.. si Hunter Zamora ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung paano ako mabubuhay ng wala sya sa tabi ko. Ng hindi sya nakikita. Ng WALANG KAMI.'
"Ihinto nyo ang sasakyan." walang nakinig. Tumingin lang si Yumi.
"Itabi nyo muna kasi ang van!" tumingin na yung iba sakin.
"Bakit Rezel, naiihi ka ba?" tanong ni Shara.
"Kailangan ihinto ang van." agad namang huminto. Hindi agad ako lumabas pero tumingin ako kay Hunter. Lahat sila, nakatingin sakin.
"Rezel may problema ba?"
Agad naman akong lumabas at hinila ko sya palabas. Pero--
"Ano ba Rezel!? Ano bang gusto mong mangyari!?" hinawakan ni Hansel ang kamay ko :-\
"Hansel.." agad naman syang bumitaw sakin nung tawagin sya nung Shara.
"Aalis si Mica. Papuntang States at hindi Bicol. Hunter.. pigilan mo sya." tumulo ang luha ko.
"Totoo ba yang sinasabi mo?" bakas sa mukha nya ang gulat pero halata rin na natatakot sya. tumango naman ako.
Agad naman din syang tumakbo. Dun... tuluyan na akong humagulhol :'(
Wala naman mali sa ginawa ko diba?