25Love

Papasok pa lang ako ng campus ng marinig ko to sa mga taong nadadaanan ko.

"Totoo ba? Nililigawan ni Hansel si Shara ng News Club?" napapalingon din ako sa mga babaeng yun pero patuloy parin ako sa paglalakad.

"Ligaw? As in!"
"May nakakita nga sa kanilang magkasama daw sa cafeteria. Sila lang sa table at masayang nag-uusap daw yung dalwa." hindi ko na narinig pa yung mga sunod dahil di naman talaga ako naglakad para makinig ng mga ganong rumors.

Pero kahit nasa room na ako. May mga ibang yun parin ang pinag-uusapan.

"So seryoso na yung Hansel?"
"Hindi nya ata alam na hindi ganon kadali yung Shara?!"
"Eh ang tanong, bakit pumayag magpaligaw yung Shara?"
"Nabulag ata. Gwapo kasi yung lalaki. E kahit naman sino gwapo ang gusto! Kung ako nga ang tatanungin, e papayag din ako. Pero...sisiguraduhin kong maiinluv sakin si Hansel Gardaya ng MAJOR MAJOR!"

Nakita ko pa silang mag-apiran sa isa't isa na animo'y magagawa nga ang kagustuhan. Nakahalumbaba ako at medyo naiirita na sa mga naririnig. Hansel, Hansel, Hansel! Puro Hansel! Oo na, sikat na si Hansel Gardaya. Pero di ba pwedeng kahit isang araw na papasok ako dito sa school na'to wala akong maririnig na tsismisan tungkol sa lalaking yun. Nung isang araw lang kasama kasama nya yung Wen, tapos Shara? Tsk. Di ko magets! As if naman...

:-\ Kahit na may naitulong naman sya. Dapat siguro, hindi ako magalit ng ganito. Kalimutan ko na lang lahat.




"Class Dismissed."


Naglalakad ako sa pathway. At napansin ko na naman na may iba't ibang grupo ng mga estudyante ang nagbubulungan. Actually, hindi naman ako yun. Pero parang alam ko na... (-.-) na naman...

"Ang appeal talaga ng Hansel Gardaya'ng yun!" mga lalaki ang nagsasabi.

"Nakakapagtaka at bakit di sya natatakot! Ang lakas ng loob." nakakarindi. Tumakbo na lang kaya ako.. ::)

"Hinding hindi ko ipapakilala yang Hansel na yan sa gf ko!" napalingon naman ako sa pagkainterest na may takot din pala ang mga lalaking to. Pero...-

"Nandyan na sila." umayos yung mga babaeng kanina lamang ay halatang halata mong nagchichismisan.

Di ko man lingunin pero sa pwesto ko pa lang... KITA KO NA SILA.


"Abcent daw yung Wen? 2 days na daw." nadagdagan ang palaisipan ko. ???

"Rezel!" lumingon ako. Si Yumi. At wala si Jj. "Tara na sa van." argh! Ngayon na nga pala. Nakuu... nawawalan yata ako ng lakas ng loob.


"Wait. May kukunin lang ako sa locker ko." tuloy tuloy na ako sa pagtakbo. Di ko na nalingon pa ang Hansel at Shara na kanina lamang ay magkahawak kamay. Na gusto ko pang lingunin.

"Dito ka na." sabi ko habang kinakausap ang mga libro ko na natagpuan ko sa bag ko. "at... eto rin. :-\" habang nilalagay yung love letter na para kay Hunter. At nilock ko na ang locker ko.

Kanina lamang nangyari yung mga bagay na yun ah. ang bilis talaga ng hansel na yun. pinaghandaan ba niya ang lahat. ARGH! ang kapal! >:(


Huminga ako nang malalim. Aalis na ako.


"Sa Sunday? Opo. Darating po ako." familiar na boses ??? "Wala po. Makakaalis po ako, ...ng walang maiiwan." ah! Si Mi-...ca? ??? Napatitig ako kay Mica na natayo lamang dun sa sulok at mukhang seryoso syang nakikipag-usap sa fone. ??? Gusto ko na sanang umalis.

"Hmm.. wala po akong bf. Nakipagbreak na po ako sa kanya." :o thump.thump.thump. Nabigla ako sa sinabi nya. Unintentional ba yun? O sinadya nya. Nagtago ako nang makitang mukhang di na seryoso ang mukha niya. Wala akong maintindihan.

"Hmm.. miss ko na rin po kayo. Magsasama narin naman po tayo diba... dyan sa States. Haha... makakasama ko na kayo." :( bakas sa mukha nya ang lungkot at pagsisisi.

Pero...bigla na lang KUMIROT ANG PUSO ko ng makita ang darating at papalapit na tao sa kanya.



"Let's go?! :)" nakangiti sya. Ngumiti rin si Mica, agad nyang napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot na mukha.

"Bye, grandma." at inabot nya ang kamay ni Hunter. ...



Halos mapaupo ako saking natuklasan. Uhh... napaisip tuloy ako. Sa kwentong to. Ako ang nagmamahal, nagmamahal ng taong may ibang minamahal. Sa pagkakaalam ko, mahal na mahal nila ang isa't-isa. Bulag ako dahil patuloy kong minamahal ang taong may iba namang minamahal. Pero kanina lang... narinig ko.... na yung taong minamahal ng mahal ko.... itinatanggi sya sa ibang tao. :'( At ang sakit... dahil alam ko ang mga bagay na to.










PAANO NA LANG... ANONG MANGYAYARI KAPAG NALAMAN NI HUNTER TO?