48Love

ring.ring.ring.ring. Ni-off ko na ang phone ko. Tumatawag kasi sina Erika sakin. Siguro gusto nila akong sumabay sa kanila, breaktime na kasi :( Kaso ang totoo.. ayoko pa. Ayoko pa kasi nandun na si Hansel. Ayokong makita sya. Tama nga siguro, iiwas na lang ako. Iiwasan ko na lang sya para hindi na sya mahirapan. :-\

"Rezel!" hindi sana ako lilingon kaso natigilang ako ng makita si Hansel. Hindi nakatingin sakin.. :-\

"Uy. Kanina pa kitang umagang tinatawagan. Di ka nagpaparamdam!?" wow. Akalain mo, nakaya ko ng walang kasama sa buong araw. Di ko naman makakasama si Shara, mas busy pa yun sakin e.

"Ah ano kasi.." naaaninag ko si Hansel na kausap ang mga kabarkada nya.

:o Nagulat naman ako nung makitang papalapit si Aj kay Hansel habang tinatakpan ang mata ni Hansel.

"Hansel!!!" agad naman ako lumapit sa kanila.

"Aj.. ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malumay syang tinanong ni Hansel :(

"Edi, sinusurprise ka! Ahaha!" >:( Naiinis ako sa babaeng to. Kung lalayo ako kay Hansel, ayokong sa kanya mapunta si Hansel!

"Rezel! Ano ka ba naman, bakit ka ba tumakbo e kinakausap ka pa namin?" Hansel. Tumingin ka sakin. Hansel. Hansel.. gusto kitang tawagin pero di ko magawa :'(

"E bakit ka nga ba nandito?"

"Sinusundo ka! Diba nga, nanliligaw ako sayo!?" ngumingiti pa sya ng matamis >:( Sandali.. :o

"NANLILIGAW!?" napatingin silang lahat sakin.

"Bakit anong problema Rezel?" tanong naman sakin ni Jj.

"Wala ka naman siguro problema dun, diba?" sabi ni Yumi.Narealize ko naman agad yung posisyon ko sa kwentong to. Masyado naman yata akong kumakapal ang mukha. Masyado na yata akong makasarili..

"Wala. Nagulat lang ako dahil babae si Angelica Joy tapos.. sya. Sya ang nanliligaw kay Hansel." so nagbago na nga si Hansel :-\

"Aj na lang, Rezel." naiinis parin ako pagtinatawag nya ako sa pangalan ko >:( "So ano, Hansel tara na uwi na tayo!?" lumink na naman sya sa braso ni Hansel.

"May dala ka bang kotse?"

"Kotse!? Wala e! Lilibre naman kita ng pamasahe sa dyip e. Magdyip na lang tayo!" tumatawa sila kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ko na agad si Hansel.

"Anong..?"

"Bakit Rezel?" narealize ko na naman yung ginawa ko. Kaya agad akong lumayo.

"Ah AHAHAHAHA! Pasensya na, masyado kasi ako nadala sa kasweetan nyo. Pero diba.. mas maganda kung di kayo ganyan kalapit sa isa't isa. Baka maubusan kayo ng sweetness.. at pagkayo na, hindi na kayo sweet sa isa't isa." pinilit kong tumawa. Tumawa ng tumawa. Parang halakhak. Pero sa totoo lang.. HIYANG HIYA AKO SA GINAWA KO :o :-[ :-[

"Alam mo kasi, babae ako kaya di ko talaga alam kung paano manligaw. Kaya nagiging sweet na lang ako para patunayan yung feelings ko! 8) Atsaka, hindi ba mas maganda yun dahil magiging close kami. :D" humarap naman ako. Pagharap ko. Nakita kong nakahawak si Aj sa braso ni Hansel :( Tapos.. ngiting ngiti to habang nakatingin lang naman si Hansel :(

Mukhang may di tama akong nararamdaman. Mukhang may iba akong kutob. Natatakot ako :-\

"Guys, alis na kami." nung sinabi nya ang mga salitang yun..

Nung umalis sya..

Parang gusto ko syang sundan. Gusto ko syang pigilan. Ayoko. Ayokong sumama sya sa babeng yun. At sa totoo lang.. hindi ako approved sa ligawang nangyayari. :( Alam kong pagiging makasarili tong nararamdaman ko.. pero, ayoko talaga. Ayoko ng mga nangyayari to. Mali to diba? :-\

"Nga pala guys, sa Sabado ng hapon. Punta tayong tagaytay. Sa resthouse namin. Masaya dun!"

"Talaga!?"

"Wow! Cool! So overnight tayo! Wooo!"

"Pwedeng pwede!"

"Kaya bukas, pagkatapos ng klase namin ni Jj. Mamimili kami ng makakain natin. At sa 3, kita kita tayo!" argh! Bakit ba nung mas dumami kami, mas dumami din ang aming gala. Nakakapagod din kayang maggagala >:(