40Love

Tumakbo ako. At pinilit na hanapin si Shara. Pero kahit saan ako pumunta, wala na sya. Nasaktan sya. Minahal nya si Hansel. Minahal nya ang mokong na yun. Ang masakit, nagmahal sya sa isang taong WALANG PAKE. :-\

Naglakad ako. At nawalan ng gana. Sa tingin ko hindi na ako makakabili ng ice cream. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng taxi. Papara na sana ako nang.. :o

"Oh my god! Ang pera ko. Nasa balot yun e. :'( Eksakto pa naman pera ko para sa ice cream at pamasahe. Naitapon ko pa sa gunggong na Hansel na yun." Argh! Ang malas! Bakit ba ako kinakarma! Ang tanga tanga! Anong gagawin ko :'(

Medyo malayo pa naman ang amin dito. Nakakatakot. 6 na e. Gabi narin :'(

beep.beep!


Argh! Tapos ngayon, may mga nanloloko pa. *nakayuko*

beep! beep!



"Aray! Ang sakit sa tainga ha--" ??? Ano na namang gusto nito. >:(

Tiningnan ko lang syang bumababa ng kotse nya. :o Sports car ang kotse nya :o Pwede ba to sa ganitong lugar :o Mapanganib yan ah. Mabibilis patakbuhin ang mga ganito :o Ang HOT! :o

Ano ba yan! Lalaglag na ang mata ko.

"Baka malaglag pati panga mo huh." tinaas nya ang baba ko para isara ang bunganga kong nakanganga.

"Ahehm. Ahehm!" inalis naman agad nya ang kamay na nakahawak sa chin ko. Hmf! Mapagpagan nga ang baba ko. Nagdumi kasi dahil sa maduming tao! >:(

"Arte nito! Hindi mo pa nga ako natitikman. Ganyan ka na makaasta." nag-init ang ulo ko. >:(

"Natitik- WATTA TERM!" bigla nyang tinakluban ang bibig ko. Ang lakas kasi ng pagkakasigaw ko. Ang daming taong napatingin samin :o

"Ingay mo! Sumakay ka na nga!"

"Ayaw ko nga!" muntik na syang madapa sa sagot ko. Paglingon nya sakin, halatang nagulat sya na medyo galit. Ako lang siguro talaga ang tumatanggi sa kanya.

"Hindi ka ba talaga sasama sakin. O dyan ka na lang at hindi ko ibabalik yung pera at gamit mo." agad naman akong nagreact.

"Ibalik mo yan!--" tapos dirediretso syang sumakay sa kotse nya.

Pinanood ko lang sya at seryoso nga sya. Bubuhayin na nya ang engine kaya-

"Sige! Ayoko namang maglakad noh! Atsaka mahalaga yang bagay na yan." ngumiti sya ng nakakaloko.

"Mukha nga e." :o Nakita nya kaya ang laman nun. :-[ May napkin dun e :-\


Pinaandar na nya ang sports car nyang hindi ko alam kung ano. Pero ang gara talaga e. Parang nakakailang sakyan. Parang.. parang pangmayaman lang ang pwedeng sumakay. Parang kumakain ng tanga ang sasakyan na to e. Nakakahanga! Ang yaman nga siguro ni Hansel :D Kanya to? :D

Bago pa man ako magmuni muni dito sa sasakyan nya. Napansin ko ng.. hindi na ako familiar sa pinupuntahan namin. :o Nasa :o Malapit sa dagat kami. Sa ilalim ng tulay. At malayo sa syudad.

Namatay ang engine ng sasakyan nya. Bumaba sya at sumunod naman ako.

"Ano ba Hansel! Uuwi ako at hindi-- tatambay. :D" natuwa naman ako. Ang ganda pala ng view dito. Nakakarelax sa feelings.

"Sabihin mo sakin, maaari na ba akong sumingit dyan sa puso mo." :o thump.thump.thump.thump.


Tumingin ako sa kanya. :o Ang lagkit ng tingin nya sakin!



*PAK*

"Aray! Bakit mo ako sinapok!? >:("

"Bakit mo ba yun sinabi! :-[ :-[ !@#$ ka ba!? Galit pa nga ako sayo diba!?" waaaaah~ ang init ng pakiramdam ko. :-[

Tinalikuran ko naman sya. Waaaaah!? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"First love ni Hunter si Mica. At sigurado akong nasaktan sya ng sobra. Iniwan kasi sya ng taong mahal nya. Bukod pa dun. Nagbitiw ng mga masasakit na salita si Mica." nawala ang kaba ko. Ang napunta ang atensyon sa sinabi ni Hansel. "Tapos dumating ka. At least.. pinasaya mo naman si Hunter." lumingon ako sa kanya.



"Iniiwasan mo nga ako diba?" nagulat sya sa sinabi ko. Out of the topic naman kasi yung tanong ko.

"Ano ba! Ikaw at si Hunter ang topic dito, at hindi yung pagseselos ko!" tinuktukan nya ako. At medyo may asar ang expression ng mukha nya.



"Nagseselos ka?" natameme sya.

Nagkatitigan lang kami.












"Hindi mo ba napansin, na MAHAL KITA."