First year college ako nun, nang malaman kong magschoolmate pala kami ng dati kong crush na senior. Nung una parang wala lang sakin. Pero may mga pagkakataon na napapalapit ako sa kanya kahit di kami nag-uusap o kahit hindi niya ako tintingnan, kaya parang bumabalik yung feelings ko. Matagal ko ng tinigil ang pagtingin tingin sa facebook niya matapos ng marealize kong parang wala namang patutunguhan tong feelings ko. Pero ang Makita siya ng ganito, ay parang bumabalik yung feelings ko noon, mukhang…GUSTO KO TALAGA SIYA.
Kaya naman sinubukan kong magconfess, at gumawa ako ng love letter.
Pero nung umagang yun habang pinaplano kong pumunta sa building nila, nastock pa ako sa elevator....kasama ang....ISANG LALAKI! >:(
Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam ang gagawin. Kinakabahan ako. Nanginginig. Nang bigla ko na lamang naramdaman na lumalapit sya.
"Hello! Hoy! Pumunta agad kayo dito! Nastock kami! May babae dito!" may pinindot syang button at parang may kinausap ata sya.
"First time mo ba to?" pinagpapawisan na talaga ako ng bonggang bongga. Anong gagawin ko!? :o
"Miss?" lumalapit sya.
ah. :o At naramdaman ko ang paglapit nya sa likod ko. Naglapat ang mga balat namin. Paglingon ko naman... :o :-[ SOBRANG LAPIT NG MUKHA NAMIN SA ISA'T-ISA. At isang galaw na lamang namin ay mahahalikan na namin ang isa't-isa.
Nagkatitigan kami at napatigil sa nangyari.
Bigla ko na lamang napansin na masyado ng awkward ang moment na yun, kaya agad akong lumayo.
“Pasensya na,” tumalikod ako at kinalikot ang cellphone ko. “At oo, first time kong mastock sa elevator.” Na wala pang signal. Paano na yan!?
Naramdaman ko namang na medyo lumayo na rin siya at lumeaned yata sa may pader ng elevator. Pero hindi parin ako lumilingon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dapat gawin sa mga pagkakataong ganito. Hmm..ito yung button na pinindot niya tapos itong screen yatang to yung parang phone. Gawin ko rin kaya—
“AHHH!”
Biglang kumibo yung elevator at namatay ang ilaw. Nadulas at naout of balance syempre ako. Sinubukan kong ibalance katawan ko pero gumalaw na naman yung elevator. At ang tendency syempre ng paa ko ay matumba, at sa kabutihang palad este kasamaang palad. Sa lalaking yun ako nahulog. Nahulog ako sa ibabaw niya. Habang nasa awkward na posisyon naman kami. Kasabay nun ang pagbalik sa normal ng lahat at ang pagbukas ng pinto ng elevator, kung saan lahat ng estudyante ay naghihintay. :o
Napatingin lang kami sa mga taong nakatingin samin. Para kaming nasa taping na halos dinumog ng mga fans namin. Kaya nung maramdaman naming na hindi nga pala kami magkakilala para sa isang awkward scene na yun, agad kaming umayos.
“Pasensya na. Isang couple pala ang nasa loob. Naku…naistorbo ko ba kayo?” sabi nung gurad. Agad naman akong tumayo. At kinuha ang mga gamit kong nalaglag dahil sa kanina. At umalis na parang wala lang.
“Ano yun?”
“Couple daw eh.”
“Eh bakit ganon?”
“Nahihiya siguro.”
“Siguro nagsisimula palang.”
Lahat ng tao na makasalubong ko na malapit sa part ng elevator na yun. Nagbubulungan at tumitingin sakin. Yung iba tinatanong pa kung anong nangyari? At may ibang sinusubukan talaga akong silipin.
*sigh*
“Bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa pinakaespesyal na araw na dapat ibibigay ko na ang love letter na yun!?” sabi ko habang nilalatag ang mga braso ko sa bench na pinagtatambayan naming ngayon ni Yumi sa mga sandaling to.
“Hindi ka naman kasi talaga sanay na pumunta sa building nila diba!?” oo nga noh. Atsaka first time kong pumunta dun.
“Hintayin mo na lang siya sa cafeteria. Humanap ka ng tyempo para maibigay mo yan,”
“Tama ka! Ehehe! Kailangan maibigay ko na to! Ilang araw na sunod sunod ko narin siyang napapanaginipan!” oo araw araw ko siyang napapanaginipan simula ng magkausap kami. Ayie :D di ko malilimutan ang araw na yun.
“Ahaha! Siguro malas talaga ang araw na to.” Napatingin siya sa orasan niya. “Kailangan ko ng umalis Rezel, kita na lang tayo mamaya!” ngumiti ako at kumaway habang papaalis si Yumi.
Agad din naman akong pumunta sa cafeteria, mukha kasing nagugutom na ako. Kumuha ako ng lemonade at agad na binayaran yun. Habang naglalakad at humihigop ng juice. Nakita ko naman si Hunter, kaya agad ko siyang linapitan. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya, napalingon na siya sakin. With a look ??? Bakit kaya? ??? WAH! Tumingin siya sakin! FIRST TIME! Sakin nga ba?
“Hi!” napalingon ako sa lalaking katabi niya.
Ano namang kailangan ng isang to,”Hehe… ako ba?” mukha naman akong tanga sa tanong ko.
“Alis na ako!” naglakad siya. Kaya agad akong lumapit.
“Sandali Hunter, may ibibigay nga pala ako say—“ lumingon agad siya.
“Kilala mo ako?” tanong niya. Realization: di ba niya alam na sikat siya nung highschool. Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya. Well.. kailangan ko na yung love letter—
“Anong ibibigay mo?” sabi nung lalaking kasama niya. Hinipo ko ng hinipo ang bulsa ko? Sandal? Ang alam ko nasa bulsa ko lang yun ah??? :o
“Miss. Pasensya ka na, nagmamadali kasi ako.” Bago pa man ako makareact. Nakaalis na siya sa harap ko. Hmm… waaaaah bakit nangyayari to sakin! Nasaan na ang leeter ko! Ito na yun eh :’( ito na yung chance ko, bakit ngayon pa,
“Huy, bili ka naman dun ng maiinom.”
“Huh? Bakit ako!?”
“Sige na!”
Wala parin ako sa sarili ko dahil sa nakakahiyang nangyari. Pagkakataon na nga, Pinalagpas ko pa. How shame of me! :’(
“Ito ba ang hanap mo?” may biglang nagsalita, mukhang sa harap ko. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya dahil nakatungo ako ng sobra. Pero habang tinataas ko ang ulo ko, nakita ko ang familiar na hawak nung tao.
Ang…agad akong tumingin sa kanya.
“AKIN NA YAN!” ngumiti lang siya.
Bago ko pa man maabot yung love letter ko, naitaas na niya ang kamay niya at biglang nagwalk-out.
PAANO!?