Naguguluhan ako! Di ko alam ang gagawin ko, (-.-)
"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin? May problema ka ba?" nakatitig lang ako kay Yumi habang nagsasagot sya ng homework niya.
"Di ka man lang ba affected dahil tinigil na ng isa mong suitor ang panliligaw nya sayo?" tumingin sya sakin like usual.
"Bakit? Kagustuhan nila yun, respeto na lamang ang kapalit nun." sumama ang tingin ko.
"Manhid ka talaga." tumayo ako. "Punta na ako sa sunod kong klase."
At pumunta nga ako. Buti na lang pagdating ko ay may dalwang upuan pang vacant. Umupo ako dun malapit sa bintana. Inayos ko ang sarili ko. Pagkatapos pumasok ni prof, may sumunod na lalaki. Napatingin ako, nagkabanggaan ang mga mata namin.
"Goodmorning Class." kaya hindi ako nakagreet kay prof gaya ng iba. Masyado akong nakaover sa pagkagulat. Hmm? Totoo ba tong nakikita ko? At...uupo pa sya sa table na katabi ko. Ohgod!
BAKIT KO KAKLASE SI HANSEL!? :o :o
Agad kong inayos ang gamit ko habang sya rin ay nag-aayos ng gamit niya. Kailangan kong mauna bago pa magkasalubong ang mga sarili namin. At nagtagumpay naman ako. Nauna akong lumabas ng room. Sinilip ko pa sya bago ako tuluyang lumisan, at mukha namang hindi sya nagmamadali kaya naglakad na ako. ::D
Ahm. Naaaninag ko dito si Hunter. Hmm...mukhang busy sya ah? Cellphone? Kausap niya kaya gf niya? Alam ko na. Lumapit kaya ako.
Tatakbo na ako at pahakbang na ang paa ko nang may biglang humigit ng braso ko. Pagkalingon ko. ??? :o thump.thump.thump. Nagbago ang tibok ng puso ko. Parang akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Naiinis ako. >:(
"Alam ko umiiwas ka. Pero, ayoko namang madagdagan pa ang pag-aalala mo dahil sa naiwan mong libro. Heto, at sorry muli sa nagawa ko." agad kong binawi ang braso ko pati narin ang libro kong hawak niya. At tumakbo.
Hinanap ko ang presence ni Hunter at syang hinabol. Gusto kong malaman kung okay na ba sila ng gf niya. Pagkalingon ko, nakita ko ang likod niya at syang bumangga sa mukha ko. TOINK! Over pala ako sa takbo. Nakalimutan kong magpreno.
"S-s-sorry!" nahulog ang gamit ko kaya agad akong umupo at inayos yun.
Pagkatingin ko sa kanya, iniaabot niya ang handbook ko. Kaya agad akong tumayo at kinuha yun. Medyo nagulat sya sa kabastusang inasal ko. Biglang tumunog ang fone niya. Nagbow naman sya sakin at umalis. Hindi pa man sya nakakalayo, pero rinig na rinig ko ang mga katagang binitawan niya pagkasagot niya nung fone:
"Mika? Oo nandyan na ako. Susunduin na kita." ang gf niya. *teardrops*
:'(
Ang sakit. Ang mga bagay na kaytagal kong hiniling at inasahan. Ang maging boyfriend si Hunter at ang ituring niya akong girlfriend niya. Binuklat ko ang last page ng handbook ko. At tiningnan ang larawan ng taong yun. Di man sya tumingin sakin. Hiling ko, na sana mangyari parin ang lahat ng gusto ko. Gusto ko talaga sya. Gusto ko si Hunter. :'(
Hmm? :-\
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko sa taong nag-abot ng panyo.
"Gaya ng sinabi ko, marerealize mo rin balang araw na infatuated ka lang sa kanya. Wag mong ibigay ang lahat."