Naka1 linggo na ang nakakalipas. Nakapagquiz na lahat lahat ang mga prof's ko. Pero bakit!? >:( Bakit di pa nagpaparamdam ang Hansel Gardaya na yun!? :'( Okay. Oo at sya parin ang issue ko. Ganito pala ang pakiramdam ng sobrang guilty. Feeling mo nakapatay ka ng taong di mo naman talaga sinasadyang patayin. :-\
Pero ang nakakapagtaka walang kumakalat na balita tungkol kay Hansel. Nagtataka lang yung marami kung bakit wala to. :-\ sigh.
Hindi ko naman maitanong ang mga kaibigan ko kung may balita na ba sila kay Hansel kasi.. mukhang wala na silang pake. Parang 'bahala ka' yung mga pinahihiwatig ng mga masasaya nilang bonding. Na sa totoo lang OP'ng OP na ako. Minsan nahuhuli ko si Jj, gusto nya atang tumulong pero agad syang sinisita ni Yumi. Argg.. baka nga si Jj pa ang makatulong sakin kung paano ako makakahingi ng tawad kay Hansel pero ayaw pa ni Yumi. Pinarurusahan nya talaga ako. KAYA AYOKONG MALASING E! :'(Tapos mamaya daw, pupunta kaming bar. Lagi na lang pabandying bandying. Sigh!
Habang naglalakad ako, may nakita akong medyo kumuha ng atensyon ko. Isang grupo ng mga kababaihan at isang babae. Si..
"Jaja?" tumingin sakin si Jaja at yung babaeng mukhang kaaway nya na kalmadong kalmado lang.
Nagulat ako nung inirapan nya ako at umalis kasama ang mga kaibigan nya. Tapos yung isang babae, nginitian ako [/smirk] na parang may pinahihiwatig sya ???
"Anong problema ng mga yun?" hmf! Bakit!? Naiintriga ako!
Pagharap ko naman..
"Ah!"
"Sorry." agad kong kinuha yung nalaglag na coke n can. At pag-abot ko dun sa babae.. :o Si Shara pala. :-[
Habang nakaupo kami, hindi ko naman mapigiling hindi mailang at mahiya. Remember about her issue? :-[ Argh. At yung nangyari sa kanila ni Hansel tapos pagkatapos ako ang mas piniling puntahan ni Hansel kahit sya ang nakagawan ng kasalanan. Tapos alam ko pa na gusto nya si Hansel na dapat liligawan ako. :-[ Agh! NAKAKAHIYA! Nakakaguilty..
"Wanna eat?" pagtingin ko sa kanya. Napansin ko naman yung ibang sumusulyap samin. Nagbubulungan sila. At buko dun.. nag-iisa si Shara :o :-\
Totoo ba ang sinabi ni Jaja? :-\
"Yung kanina, si Jaja at si Jazz. Palagi silang nagkakainitan. Palaging binabangga ni Jaja si Jazz, dahil kay Hansel." si Hansel na naman :-\ "..masyadong naapektuhan si Jaja sa di na pagpansin ni Hansel sa kanya, pero si Jazz, parang wala lang. Atsaka.. Congrats nga pala Zel." nagulat ako. ???
"Dahil sayo kaya di na pinapansin ni Hansel yung mga babaeng nainvolve sa kanya. Kahit di sabihin ni Hansel, noon palang alam ko ng ikaw ang tinutukoy nyang 'inlove sya sa kaibigan nya'." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "May suspetsa si Jaja na ikaw din yun, kaya ka nya tinakot." naintriga ako sa huli nyang sinabi."Paano mo nalaman!?"
"Zel, Pres. ako ng NSP. At alam ko lahat ng mga pangyayari dito sa campus. Bukod pa dun, alam ko ng maldita yang Jaja. Kaya mas tinututukan ko sya. Pati nga ako kinakalaban nya. Porket alam nyang walang wala ako, buti na lang hindi ako yung mga tipong naghahanap ng away. Sa mga ganitong pangyayari. Patient is really needed." natawa kaming parehas.
Dahil sa pag-uusap naming yun. Lalo kaming nagkaintindihan ni Shara. Sya nga ang malimit kong makasama hanggang sa matapos na ang klase ko. Tatagpuin ko pa ang mga yun.
Pumunta nga kaming Bar. At gaya parin noon. Ayoko parin dito, ang usok! Ewwwr may mga naninigarilyo. Okay na ang alcohol, mabango bango.
Habang palapit kami ng palapit sa table namin, mas lalong lumalakas at bumibilis ang pagtibok ng puso ko... Sa taong aking naaaninag. :-\ Si.. :'(
"Guys!"
"Kanina pa kayo?"
"Haha! Aba lalong gumwapo ang marangal nating estudyante. Balita ko, natapos mo na ng ikaw lang ang project nyo! Iba na yun ah!" thump.thump.thump.
"Nanahimik yan sa loob ng 1 linggo. Akalain mo, nakatiis! Kaya ngayon.. bumabawi!" ang puso ko :-\ walang tigil oh?
Lahat sila nagkakatuwaan. Nakatayo parin ako at nakatingin lamang kay Hansel. Ang gwapo nga nya. MAS GUMWAPO SYA! :o At nagulat naman ako nung magbanggaan ang mga tingin namin. THUMP! THUMP! THUMP! Ang tagala. :-[ Tapos ngumiti pa sya..
"Hey!" :o "Georgina.."
"Hi Sel!?" parang tinusok ang mga paa ko. Nanlalambot ako. Akala ko ako yun, akala ko okay na. :-\ Hindi pala ako ang tinitingnan nya.. at iba rin ang nginitian nya.
"Zel, upo ka na!" isang magandang babae ang katabi nya ngayon. Magkausap sila. At masayang nagkakausap. :-\ Bakit.. bakit masyado ata akong affected?
Kumuha na lang ako ng pulutan sa table. >:(
"Guys, this is Georgina. Nameet namin sya sa Paris. Related sa project namin, at sya ang tumulong. She's a good friend of us. Kung di lang dahil kay Hansel.." tapos bigla kong natumba ang beer :o
Lahat sila sakin napatingin.
"I'm sorry, Ma'am. Are you ok?" nagulat din sila nung biglang lapit nung waiter at nginitian pa ako :o
"Oh my god, Sel. Nandyan na naman ang stalker mo! Argh!" stalker? ???
"Hansel Gardaya!" napatingin naman kaming lahat. Sino to?
Napatingin din kaming lahat kay Hansel.
"Ahaha. O Aj, nandito ka pala. Watta coincidence?" ngumiti ng nakakaloko yung Aj.
"Kasi nga destiny tayo!" :o >:( Aba! Magaling din tong bruhang to ah! >:(