"Akin ka na lang.." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Siya naman, medyo nagulat. "Mali man. Alam kong mali. Pero.. hindi ko na kaya e. Mahal na mahal talaga kita Hunter." nasa mata ko na ang mga kamay ko. Iyak parin ako ng iyak. :'(
"Matagal kong hinitay na mapansin mo. Nung highschool pa *sob* Ngayon.. iniiwan ka ng taong mahal mo. Nasasaktan ka. At ayoko nun.. ayokong nakikita kang nasasaktan. Gaya nung araw na yun.." hindi ko mapigilang hindi umiyak. Hindi ko naman makita ang reaksyon ni Hunter kasi patuloy parin ako sa pagpahid ng luha ko.
"Ayoko mang maging selfish.. pero... paglalo lang tayong napapalapit sa isa't isa. Mas lalo kong gustong mahalin ka. Ayokong maging kaibigan mo lang.. gusto kitang mahalin *sob* Gusto kitang alagaan. Hunter.. gagawin ko ang lahat para sumaya ka. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.
MAGING AKIN KA LANG OH." lalo lang akong humagulhol sa iyak. Ganito pala kaembarrass ang magconfess. Ganito pala kasakit na sabihin mo sa taong gusto mo ang matagal mo ng tinatagong feelings.
Ganito pala kalaki ang kagustuhan kong, MAHALIN SYA AT MAGING AKIN SYA.
GANITO PALA NAKAKATAKOT ANG MAGTAPAT SA TAONG MAHAL MO.
:'(
"Please.. wag mo akong kamuhian dahil gusto kita. Please.. :'(" nabigla naman ako ng bigla nya akong niyakap. Mahigpit.
"Hunter..." mas lalo lang nya akong niyakap. Dun ko namalayan na umiiyak na pala sya.
Napahawak ako sa kanya.
"Uy..." mas lalo lang akong umiyak. Umiiyak kasi sya. Nasasaktan si Hunter sa sinasabi ko. Pinagugulo ko lang ang isip nya. Ang bad bad mo Rezel. *sob*
"Rezel honey, nandyan ka na ba--" agad kaming umayos ni Hunter ng tayo. Nakatungo sya habang hawak ang mukha. Hindi naman halatang umiiyak sya. Parang emo lang.
"Oh anak?" si Papa. Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan sina mama at papa.
"Tara na papa sa loob. Rezel honey, pumasok narin kayo ng bisita mo." agad din naman silang pumasok at sinarado ang pinto.
"Hm.. Haha!" napatawa ako sa tumawang Hunter. Ngumiti sya sakin. Walang bakas ng luha sa mga mata nya.
"Pwede bang magpalipas ako ng gabi dito sainyo?" thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. :-[ :-[ :-[
At least naging masaya ako. :D :D :D
Pinakilala ko sya sa mga magulang ko. Medyo nakakahiya nga e. Alam nyo na, medyo maloko ang mga magulang ko habang si Hunter medyo seryosohin. Pero ngumingiti naman sya sa mga joke nina mama at papa. Walang halong fake.
Nakapagpaalam din sya kung maaaring dito na samin magpalipas ng gabi. Mabuti na lang at tatlo ang kwarto namin. Sigh. Napakaformal ni Hunter at talagang natuwa ang mga magulang ko sa kanya. Hindi si Hunter ang unang nakapunta dito sa loob ng bahay namin [n\referring to Hansel] pero sya ang unang nakilala ng mga magulang ko.
Pinuntahan ko naman sya sa kwarto nya.
"Oh hindi ka pa tutulog?" nakita ko lang syang nakaupo sa kama.
Tapos napagmasdan ko rin ang soot nya. Kay papa. Tumawa ako ng konti.
Tumingin sya.
"Bakit nung ikaw ang nagsoot. Nagmukhang pogi ang damit ni papa. Ang porma ng damit ni papa kahit na nagmumukha lang basahan pag si papa na ang nagsosoot." napahalf smile naman si Hunter.
"Salamat huh. Sobrang saya ko sa mga sinabi mo Rezel." nakangiti sya sakin. "Masaya ako dahil gusto ako ng isang Rezel Quizon." tumayo sya at nagulat ako nang...
HAGKAN NYA AKO SA NOO KO.
Napakamemorable ng gabing yun. Halos nakatulog ako ng maayos. Parang managinip na nga ako e parang pangarap na natupad. Parang panaginip. Pero hindi e. Lumapat ang mga labi ni Hunter sa forehead ko habang hawak nya ang mukha ko.
ANG SAYA SAYA KO.