1 day: half day abcent. The next day: abcent. Ganon din si Hunter. Bakit hindi parin sya pumapasok.
Quote
From: ^_YumiMessage: Pumasok ka na. Walang mangyayari kung hihintayin mo si Hunter. Mukhang alam ko na ang nangyayari. Hindi agad magpaparamdam ang isang taong nasasaktan.
Argh! Wala talagang maitutulong tong si Yumi! >:( Asaran daw ba kami ni Hunter. Argh! Grr~
Humiga ako ng padabog sa kama ko at niyakap ang hugdog ko. Nakakainis. Pagkatapos kasi nung gabing walang tigil na iyakan. Hinayaan lang ako ng mga kasama ko. Niyakap ako ni Yumi nun, hinimas himas nya ang likod ko. Feeling ko kasi nung iniwan ako ni Hunter, wala na.. Wala na talagang PAG-ASANG MAGING KAMI.
Hindi ako tumigil sa pag-iyak. Pati ang mga kasama ko, naapektuhan nung gabing yun. Alam na kasi nila.. alam na nilang baliw na baliw ako sa lalaking yun. At yun din ang dahilan kaya umiiwas ako.
"Zel-anak, heto oh kumain ka na." pumasok si mama at nasa likod naman nya si papa. Agad akong bumangon. ???
"Okay ka lang ba anak?" hinilot hilot ni papa ang noo ko. Ganyan ang ginagawa nya pag-alam nyang nalungkot ako.
"Naku anak. Kung dahil yan sa lovelife mo.. nangangako ako! Ihahanap naman kita ng mapapangasawa mo e kung hindi ka man magkaboyfriend ngayong kolehiyo." natawa ako kahit na teary eyed na naman ako.
"Sandali mama, papa, bakit pipino to?" tiningnan ko sila ng suspiscious look. "Kaya ako nagtataka, katatapos lang natin magbreakfast e." uhh.. tinitrip na naman nila ako.
"Hohohohoho! Baka kasi makatulong din to." nilagay ni mama at papa ang pipino sa mukha nila. "Pampaganda ng mukha!" pinoke ko naman sila ng sabay sa noo.
"Nakakaasar talagang magkamagulang ng mga isip batang kagaya nyo! Mga baliw!" agad naman silang lumabas. Nag-uusok na ang ilong ko. >:D Grrr~
Pero... [/n: habang kinukuha ang pipino at nilalagay sa mukha] Masaya ako kasi hindi nila dinadagdagan ang lungkot na nararamdaman ko. Ihm.. :( Sana si Hunter din, may nagpapasaya kaya sa kanya. :-\
Napagdesisyunan kong pumasok parin sa dalwang subject ko nung hapon.
"Ano! Hindi na naman natuloy ang panliligaw ni Hansel kay Shara :o" napalingon ako dun sa dalwang babaeng halos maghiyawan na sa pagchichismisan.
Agad din naman nilang hininaan ang boses nila. At nagpatuloy narin ako sa paglalakad.
"Halos 1 linggo yung ligawan diba? Si Hansel Gardaya ang umayaw?" ???
"As always."
"Akala ko pa naman mababago ng kaangasan ni Shara ang lalaking yun."
"Pero sa huli, naging toy lang din sya ni Hansel."
"Tsk. Tsk. Mapanganib talaga ang lalaking yun. Kaya wag kayong magpapauto dun!" may magbabarkada ng mga babae at lalaki ang nag-uusap ??? Ganito talaga kasikat si Hansel.
So sa aking pagkakarinig, tinigil na naman ni Hansel. Nung una si Yumi tapos si Shara. Mga tipo pala nya yung maaangas. Argh! Eh bakit ba sya di pa magkagf ng matino! Grr~ ang lalaking yun! Kaya ayokong maniwala sa mga salita nya e. Tss! Akala naman nya.. :-\
Narealize ko lahat ng mga sinabi ni Hansel.. ako nga kaya ang babaeng hinding hindi man lang sya mapansin. Sigurado kung ibang babae ang tinatrato nya ng pagkakatrato nya sakin.. mafofall na yun. Pero ako.. masyado akong nakafocus kay Hunter. Masyado kasing complicated para isipin ko pa ang kasiyahan ko. Gayong.. nasasaktan ang taong mahal ko. Ayoko nun.
Ika nga, mas mabuting masaktan ako, kesa ang makitang nasasaktan ang taong mahal mo.
Pero kung minsan, nahuhulog narin ako kay Hansel. Napapaisip ako na kung subukan ko kaya. Pero pagnandyan na si Hunter, nawawala agad. SIGH. Ang lakas ng tama ko kay Hunter Zamora.
"Hay naku.. may bago na naman daw." napalingon ako sa babaeng mukhang masama ang tingin sakin. Pero bago ako mag-isip ng kung ano..
:o
Nakikita ko na naman na iba na naman ang kasama ni Hansel ??? Hindi na ba magsasawa ang lalaking to! >:( Halika't malapitan nga.
"Uhhh.. Han..sel!" naaasar ko syang tiningnan. Pero dinedma nya ako :o Buti na lang at hindi yung kasama nya.
"Hi, Rezel Quintos. Close kayo ni Hansel diba!? Jaja here!?" ngiting ngiti sya. Ang cute. At mas naasar ako. >:(
Aba! Aba! Talaga bang mga magaganda ang target ng lalaking to. Tapos babasurahin na lang nya. Yumi, Wen, Shara.. MADAMI PANG IBA! At ngayon.. >:( Jaja daw!?
"Hehe.. Hello. Kayo? Mag-ano ba kayo?.." argh! Bakit ngayon pa ako nauutal?