Maaga kaming pumunta ni Hansel. Oo sabay kaming pumasok. Maaga syang pumunta sa bahay. Masaya syan nakitungo sa mga magulang ko na mukhang nag-enjoy naman sa kanya. Pakilala nya na magM.U. daw kami with matching tawa. Akala ko kenkoy na uli sya na OKAY na KAMI. Yun pala .. Pagkami lang, tahimik parin sya.
Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Actually sya lang ang nakahawak, kasi paghinahawakan ko din ang kanya, binabawi naman nya. Obvious na umiiwas. Hindi naman kasi sya nagrereply sa text ko, na isang beses ko lang naman talaga sya tinext. Tapos hindi ko naman sya kinakausap pagkami lang dalwa, hindi naman kasi sya nagsasalita. Malay nyo, galit talaga sya. ::)
Yun ang nasa isip ko, kaya di talaga ako gumagawa ng effort. Galit nga sya diba. Hayaan na natin gawin nya ang gusto nya. :( Isang beses ko lang sya susuyuin, tas yun lang. ???
Bigla syang kumaway sa babaeng nakasalubong namin. May kasamang grupo, sexy at maganda. Ang kikay. Paniguradong mga tipo nya. Napatingin yung babae sa kamay namin. Tumingin din sakin, a look like 'duh, what's with that' kaya nginitian ko na lang at kinawayan din.
Bago pa ako magreact, nahuli ko na si Hansel na nakatingin sakin. Parang naiiritang tingin ??? Bakit may nakakairita ba sa ginawa ko? ???
Hinatid nya ako sa classroom. Nasa pinto na ako at sana e papasok na. Pero nung mapansin kong di parin sya naalis sa likod ko. Tiningnan ko na lamang sya. Walang umimik samin. Nung una, pumasok sa isip ko ang sabihin ang mga katagang to 'Salamat. Ingat ka huh.' Pero naisip ko rin. Di naman nya ako rereplayan. Naku mas magagalit lang yan.
Nagreact ako ng konti nang matagpuan ang nanlilisik na tingin sakin ni Hansel habang nagdadabog na nagwalk-out.
??? May ginawa ba ako? Tahimik lang naman ako. Ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay mas gusto nyang gawin ko. Pero ... galit ba talaga sya? Hmm... baka ilusyon ko lang.
Mabilis na natapos ang klase. Pagkalabas ko ng pinto. Nakita ko naman si Yumi na naglalakad mag-isa. Woot! Walang Jj! Tatakbo na sana ako para sundan sya... kaso napatigil ako nang marinig ang mga to.
"Nakita nyo ba yun.. yung kaninang umaga?"
"Ah oo. Yung Wen sa HRM dept., magkahawak kamay sila ni Hansel sa may bench. Hinahawakan pa nya ang pisngi ni Hansel."
"Tss. Magsama sila."
"Pero ang alam ko, kapag may natipuhan yang Wen na yan, nagiging bf agad nya yung guy."
"Eh diba nung last week sila din ang magkasama. Magkaakbayan pa nga eh!"
"Ano! Hindi pwedeng maging 1st gf nya ang ganong klase ng babae." hindi ko na napigilang hindi mapalingon sa tatlong babaeng yun. At napatingin din naman sila sakin ng ganito ??? Pareparehas kami ng reaction.
"Rezel Quizon?" nanlaki ang mata ko. :o
"Wow! Kilala mo ako? Sikat pala ako? :D nagtawanan sila ng malakas at sabay sabay pa. Hindi ko mahuli kung asar ba yun o normal lang. Pero wala naman sa mukha nila yung mga gaya ng mga b!tch girl. You know what I mean.
"Of couse, We know you." dahil kaya sa kafling ko ang sikat na playboy at chikboy na si Hansel? "Bestfriend ka ng mayabang na si Yumiko Alina." ahh... oonga pala. Namention ko na ba na honor student si Yumi, pero napakaselfish pagdating sa studies. Ah... not to mention. Di naman mahalaga. (-.-)
"Pero ang cool nya."
"Balita ko, niligawan sya ni Hansel."
"Haha! Kung siguro natuloy yun. Yung Yumiko na kamo ang 1st gf!"
"Pero di natuloy. At alam kong di talaga matutuloy." ??? Bakit parang ang dami nilang alam.
"Ikaw... aminin mo nga. Kasali ka sa mga girls na yun diba?" nakataar ang isa nyang kilay. Nakakatakot.
"Yang ganyang tipo. Haha ano ka ba Shara! Imposib--"
"Shut up. Alam kong ang inaakala ng lahat ay trip trip ka lang ni Hansel. Pero di ako pwedeng magkamali, ikaw ay kasali sa mga kafling ng lalaking yun." ang astig. 8)
"Oo." humalf smile sya.
"Alis na ako girls. Kailangan ko ng pumunta sa next class ko." at umalis naman sya. Naiwan ako kasama yung dalwa.
"Sabihin nyo, ang chismosa nyo no. Piz." nagpiece sign ako. Nagkatinginan silang dalwa with a look ???
"Bakit?"
"Di mo kilala si Shara?"
"Huh bakit? Nakafling din sya ni Hansel nun? Ah kaya pala interesado sya kay Hansel--"
"Gaga! Si Shara lang naman ang Pres. ng SNC."
"Eh?!! Di nga."