39Love

Mabilis ang panahon. At kinailangang magsipag, 2 linggo na ang nakakalipas, at sunod sunod na araw na kaming naggagawa ng group project. Naging busy. Sobrang busy ako. Pagdating nga sa bahay, tutulog na lang ako. Buong araw ng 2 linggo ko ng nakakasama ang mga groumates ko. Nakakasawa nga e. Pero mabuti na lang at nakatulong yun sa pagmomove-on ko.

Hindi ko na kailangan alalahanin ang sarili ko. :-\ Ang nararamdaman ko.

"Hayy! Matatapos narin to sa wakas." sabay sabay naming sabi habang nagkakatawanan pa. Kumuha naman ako ng makakain.

"Pagkatapos nito, ako na ang bahalang magsubmit kay prof. ng lahat." ngumiti ang leader namin.

Mga 1 hour pa ang kailangan. Tapos, natapos na din kami. Wala. Said na said na ang mga projects namin. Nagawa na namin lahat. Kapagod.

"Kumakain ka na naman?"

"Ang yaman nung leader ng grupo namin. Parati akong busog e. Kaya nga hindi ako nabobored gumawa ng project e!" nakatingin lang sakin si Yumi. ???

"Bakit?"
"Tara na!"

Hinatid kami ni Jj sa bahay ko. Magmomovie marathon kasi kami ni Yumi. Dating gawi. Namiss ko rin to e. Pinanood namin ang 100 first dates. Wah~ :D ang ganda. Nakakakili. Ang sweet kasi nung guy. Alam nyo ba yung palabas na yun? :D

Kinabukasan, hayun Sabado na. Tanghali na akong gumising. 10 siguro. Pagbaba ko ng kusina. May breakfast na.

Wala akong ginawa sa bahay kundi kumain at bumabad sa tv. Mamaya pa't.. feel ko kumain ng ice cream.

Mga 4 na ng hapon.

Pumunta muna ako sa isang shop at bumili ng mga bagay bagay. Ang daming tao sa labas. Feeling ko ngayon lang uli ako nakalabas ng syudad. Naglalakad ako, nang may babaeng lumabas sa isang botique. Si..

"Musta ka na? Namiss ko rin ang pakikisama sa grupo nyo. Umalis daw ng bansa sina Mica at Hunter?" biglang nabago ang mood ko. Feeling ko, iniisip ng lahat ng tao. Sa sobrang pagmamahalan nina Mica at Hunter, mas pinili na lang nilang sundan ang isa't isa kesa ang magkahiwalay :-\

"Anong problema?"

"Uh wala!" pinilit kong ngumiti. Ganon din sya.

Naisip ko tuloy kung paano sya sinaktan ni Hansel. Ano ng nararamdaman nya ngayon. :(

"Tara. Kumain muna tayo."

Pumunta naman kami sa pinakamalapit na cafe. Hindi naman ganon kadami ang tao. At pwedeng pwede mong makita ang mukha nila. Nagkangitian pa nga kami ni Shara habang pumipili sya ng table.

Mabuti na lang at sa ganito. Feel ko ring kumain ng matatamis e :D

??? Bigla na lang syang tumigil. Tiningnan ko naman sya. May tinitingnan sya. Napatingin naman ako. :o

Nandito sya. Ang tagal ko naring hindi sya napapansin. Tapos sa ganito ko pa sya makikita.. May kasama syang babae. Maganda naman. Pero si Shara, yung Jaja.. umaasa sila. At bago na namang babae. Nakaakbay sya dun sa babae. At mukhang masaya silang nag-uusap. Nakangiti si Hansel. Hindi naman flirt type yung babae. Okay lang yung mga galaw nya. Hindi sya yung babaeng nakita kong kasama ni Hansel nung huli kong nakita si Hansel.

Medyo napareact na ako. Ang tagal na naming nakatayo.

"Sha-"

"Ah!? May problema ba?" ngumiti yung babae. Napatingin naman si Hansel kay Shara. A blank reaction. Tapos sakin, inisnob nya ako at kumain ng pagkain.

May hindi tama.

"Hansel." mahinahong sabi ni Shara.

"Sel? Kilala mo sila?" ah! Yung babaeng to. Yung taga med dept.

Tumingin si Hansel ng pinakacold na look. Tapos nginitian nya yung babaeng kasama nya sabay akbay uli dito.

"Hindi. Baka nakabanggaan ko lang kung saan at hindi ko na maalala." nagkangitian sila nung babaeng kasama nya. Nagwalk-out naman si Shara at mukhang paiyak na.

"Shara!" may mga taong napapatingin. Pero agad din namang umiiwas ng tingin.

Nagalit ako. Nainis. Naaasar! >:( Hindi ko na talaga kaya ang pagtitimpi ko!






*SPLAKKKKK*


Tumingin sya sakin ng masama. At medyo nagulat naman yung babaeng kasama nya.

"Hinding hindi kita mapapatawad!" at nagwalk-out na ako.