Dumaan ang Sabado't Linggo. Sa dalwang araw na yun. Hindi ako nakarecover sa sobrang sakit ng ulo ko. Wala pa sina mama at papa. Kaya ayun, dalwang araw ako sa bahay, mag-isa kong inasikaso ang sarili ko. Buti na nga lang at walang klase nung Sabado. Kaya ngayon lunes.. medyo okay na ako. Medyo lang.
Tinext ako ni Erika. Punta na daw akong cafeteria. Birthday daw nung kaklase nyang kasama namin nung isang araw sa karaoke bar. Ititrit daw kami ng makakain. Yes makakalibre. 8)
Kaso.. medyo badshot parin ako dun sa nangyari sa karaoke bar. Pagkatapos kong uminom nung dalwang basong alak, wala na akong maalala. Pero sigurado ako na nagkalat ako. Patay na. Patay ako kay Yumi. Napag-usapan na naming bawal na bawal akong uminom, dahil bukod sa nawawala na ako sa sarili ko, kung anu ano pa daw ang ginagawa at sinasabi ko. Pero sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang lahat, sumasakit ang ulo ko. Kaya imbes na alalahanin lahat, hahayaan ko na lang. Siguro naman hindi ganon kalubha ang ginawa kong gulo ::)
"Guys!" kinaway ko ang kamay ko at umupo sa tabi ni Yumi. Binati din naman nila ako. Tapos kumanta na kami ng happy birthday. Habang inoobserbahan ko lahat. Napansin kong wala si Hansel ???
"Wala si Hansel?" bulong ko lang. Baka mayamaya dumating na yun. :)
Kumain na kami. Ang dami ngang nitrit samin e. Nakakabusog. Buti na lang maaga nila akong kinontact. :D
Nagkakwentuhan pa kami. Pero hindi na dumating si Hansel. Hindi ko naman sila matanong dahil masayang masaya silang nag-uusap. Hanggang sa time na ng sunod kong klase. Naisip ko na lamang na baka naman may klase si Hansel.
Kinabukasan, ganon pa rin. Wala si Hansel. ??? Nagtataka na nga ako e. Minsan gusto ko ng itanong, pero palaging wala sa timing.
"Agh! Hindi din sya nagtetext." si Hansel parin ang tinutukoy ko. Hindi naman sa nag-aalala ako. Hmm.. nagtataka lang talaga ako. Baka naman.. may kinalaman to sa nangyari sa bar. ::) at may nasabi akong di maganda. Bwahahaha :-\ Ano ba talaga ang nangyari?
Kinabukasan, ganon uli. Hapon na pero wala akong nakitang bakas ni Hansel. Kaya naman nung kami lang nina Erika at Yumi. Naisip ko ng itanong sa kanila ang about kay Hansel.
"Ano!? Tinatanong mo ba yan samin?!" gulat si Erika habang blanko naman ang expression ng mukha ni Yumi.
"Bakit?.. matagal ko ng gustong itanong di naman ako makatyempo. Bukod pa dun. Mukhang normal naman kayong lahat. Kaya ngayon lang ako nagkachance magtanong.. tatlong araw narin yun a. Dapat di na ako magtaka. E ano namang pake ko. Atsaka dapat wala akong pakealam, kasi in the first place si Hunter lang naman ang inaalala ko noon pa. Kaya di ko masyadong pinag-iisip. Baka nga may bagong kafling na naman yun. Nakikipagflirt kung kanikanino. Haha! Buti na lang di ako pumayag, liligawan nya daw kasi ako! Haha--" tumigil ako sa pagsasalita nung makitang parehong tahimik sina Yumi at Erika.
"Bakit.." ???
"Galit ka ba talaga kay Hansel?"
"Huh? Ahm.."
"Naiinis ka ba talaga sa mga ginagawa nya?" lumakas ang pintig ng puso ko. Narealize ko lahat ng mga sinabi ko.. :-\ "Oo nga naman. Ano ba si Hansel? Sya lang naman yung lalaking kinamumuhian mo. Yung lalaking nangfiflirt ng mga babae. Yung ilang beses ng nanligaw pero sa huli, nagpaasa lang. Yung manloloko. Yung laging nandyan para sayo kapag nasasaktan ka na kay Hunter. Yung nagpropose sayong manligaw at gagawin nya lahat para patunayan ang feelings nya. Yung kahit madami na syang babae.. CARE parin sya sayo." nagpout na ako pagkatapos nilang sabihin lahat yun. Uu na lahat ng yun totoo. Natatamaan ako. Mali ang ginawa ko.. hindi dapat ako nagpapadala sa mga sinasabi ng iba diba? E ano kung sumama ang tingin ng lahat sakin. Madami naring ginawa si Hansel, kaya dapat subukan kong magtiwala kahit na.. nakakatakot at walang kasiguraduhan.
Pero wala parin ako ideya sa nangyari? Meron nga ba?
"Eh ano ba talagang nangyari? ???" okay. Clueless parin ako. At mas lalo lang akong napaisip nung parehong bumuntong hininga sina Erika at Yumi.
After.. 30 mins. na pagkukwentuhan namin..
:-\
Dun ako napaisip ng malalim. I WANNA CRY! Ang bad bad ko! Hindi ko alam na nasabi ko yun. Oo nasabi ko nga yun ngayon, pero kung matino ako hindi ko magagawang pahiyain si Hansel gaya ng ginawa ko. Oo minsan napapagsalitaan ko sya ng masasama at masasakit na salita, pero hindi sa ganong eksena. Ang sama ko :'(
Sigurado.. hindi ako mapapatawad kailanman ng taong nakagawan ko nun. Ngayon palang nagiguilty at nagsisisi na ako! :'(
"E bakit sya abcent nung nagdaang araw?"
"Tinatanong pa ba yan." waaa pati si Yumi nadisappoint ko!
"Hmm.. matagal na kaming magkakasama e. Ako, si Jj, sya at si Hunter." aww ang pangalan ni Hunter :-[ "Pero ilang beses na din syang naganyan ng mga babaeng nagpapapansin sa kanya." nagpapapansin >:( Ako? "Pero sa part nyo, sya ang may gusto. First time atang nagkakaganyan sa babae si Sel. Sa babaeng di pala sya gusto, at kinamumuhian sya. Tapos binaba na nya ang pride nya, tinapakan parin." tumawa si Erika. -.- Okay. Sa lahat ng sinabi nya, parang wala naman syang pinatatamaan diba?
"Bukas kaya makakapasok na sya?" napatingin si Erika kay Yumi. Sa langit at nag-isip ng malalim.
"Ewan. Hindi rin naman sya nagpaparamdam." tumawa uli sya. Agh! Patay naaa.. :'( anong gagawin ko!?