6Love

"REZEL!" nagulat akong bigla pagkarinig ko ng pangalan ko sa likod ko. Bago pa man ako nakalingon, agad na syang nakayakap sa likod ko. (-.- ) Mukhang alam ko na kung sino to.

"Ano na naman?" I irritatedly said.

"Pumayag ng magpaligaw sakin si Yumi. Ibig sabihin friends narin tayo. :)" umupo sya sa tabi ko.

"Bakit kailangan damay pa ako?" biglang pumasok sa isip ko, "Sino ka, Hansel o Jeremy?"

"Jj! For long, Jan Jeremy Alcaraz." napahinga ako ng malalim, at napahalumbaba.

"Ang swerte talaga ni Yumi." eh ako sawi, may gf na yung taong gusto ko. :(

"Dahil ba sa gwapo ako. ???" lumapit sya sa mukha ko.

"Hindi. Dahil 2 lalaki agad ang nanligaw sa kanya after break-up." tumayo agad ako at inayos ang gamit ko. Mukha namang susunod pa tong kulugong to.

"Nasaktan ng sobra si Yumi dahil sa break-up nila. Dahil sa...yung lalaki pa mismo ang nakipagbreak sa kanya." sumunod nga naman.

"Pupunta ako ng building ko, bakit susunod ka ba!?"

"Classmates tayo! Kaya nga kita kilala eh." bigla nya akong hinampas sa braso. Aba't loko yun ah. Babae ako at hindi bakal! >:(



"Yumi! Yumi!"

Naririnig ko na naman ang nakakarinding boses ng lalaking yun. Hayy...kasama ko nga pala si Yumi. Don't tell me, makikita ko pa kung paano ligawan ng gunggong na yun ang bestfriend ko?

"Anong balak mo? Bakit pumayag ka agad na magpaligaw?" tanong ko na parang wala naman talagang interest. Hayy...kung alam nyo lang na si Hunter parin ang nasa isip ko. :-\

"Hello!" sumulpot ng parang kulugo yung Jj.

"Dahil gusto ko ng mapaglilibangan." bigla nyang binato ang gamit nya kay Jj at umalis na lamang.

"Part ng panliligaw to!" bakit ba bored na bored ako.

"Wala naman nagtatanong." nauna akong maglakad.

"Sandali! Samahan mo naman ako sa locker nya!"


Basta lakad lang ako ng lakad. Nakakabingi ang paligid. Bakit simula ng araw na yun, parang blanko na lamang ang kapaligiran sakin. Mukha namang normal ako, 3x a day akong nakakakain, may merienda na at may midnight snacks pa kung magkataon.

Napatigil ako kabiglaan ng makita ko ang isang familiar na likod,

"Rezel!" lumingon yung babae sakin, si Yumi pala.

"Rezel, oo nga pala... Si Hansel Gardaya, ang pangalwa kong suitor." pagkalingon ng lalaking yun. Bigla kong naramdaman muli ang sakit. Ang sakit na pinaramdam nya tungkol sa taong gusto ko. 'May gf na si Hunter'

At di lang yun. Ngumiti pa sya, bakit ba ako nandito. Eh si Yumi lang naman ang nililigawan nila.

"Hi, bestfriend ka ni Yumi diba? I invited my friends, especially the both of you to join us at the karaoke bar, this wednesday night. Wanna join?" hindi ako makatingin.


Pero bigla na lamang akong nagwalk-out.