Nagbreak na. Kumakain ako ng burger habang naglalakad. Hindi ko na nakita si Yumi pagkatapos, siguro may klase na sya.
Naglalakad ako, at nakita ko si Hunter. Linapitan ko sya. ???
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nag-iisa?" tumingin sya sakin.
"Hunter!!!" napatingin si Mica sakin. At ngumiti. "Nandito ka pala, Rezel. Aw! Buti dumating ka, samahan mo muna si Hunter, may pupuntahan pa kasi ako. :)" nagnod naman ako.
Umupo ako katabi sa kanya. Sya naman, tumingin sakin. Nakaearphone sya, pero yung left ear nya ay walang earphone. Kinabahan ako sa mga tingin nya. :-[
"Bukas ng gabi, naisip ko na bigyan sya ng surprise party." nagreact ako. Sinong hindi? Katatapos lamang diba ng monthsary nila, tapos ganito na naman. Para kay Mica! >:( Masyado naman syang... Sweet :-\
"Aalis sya patungong Bicol. Kaya gusto kong icelebrate ang nalalapit nyang kaarawan bago sya umalis. Kaya... pumunta ka bukas." blanko ang expression ng mukha nya. At dahil dun, MAS MASAKIT. Pinilit kong ngumiti.
"Mabuti naman at going strong ang relationship nyo! *thumbs-up* Congrats!" lakihan mo ang ngiti mo Rezel. thump. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa mga titig ni Hunter kaya agad akong umiwas ng tingin habang natatawa. "Dapat talaga ganyan ka palagi sa kanya." naaninag ko si Hansel sa di kalayuan. Medyo napaisip ako, nakatingin ba sya dito? ???
"Alam mo...--" nakaleaned kasi sya sa pader na kung titingnan mo naman... 3 lang naman ang kubo dito. At ang nasa likod na namin ay fish pond. At direkta ang tingin nya samin. ??? AH!!! Sakin nga!
Ikakaway ko na sana ang aking kamay pero naalala ko si Hunter.
"Bakit tumahimik ka? May sasabihin ka pa diba?" napatingin ako sa pwesto uli ni Hansel ??? Pero wala na sya...
"Naisip ko, mukhang may mali kay Mica."
"Huh?" :o
thump.thump.thump.thump.thump.
"Ah eh... uh.... b-b-bakit mmmmoo... naman nasab-bi?" kinakabahan ako. Bakit kasi ang lapit nya sa mukha ko. :-[ Agad din naman syang lumayo.
"Naconvince mo naman sya eh, pero nakakapagtaka parin... bakit parang ganyan na sya. Hinahayaan na nya kung anong posibleng mangyari. Kapag may mga lumalapit sakin, ngumingiti pa sya. Pag-umiiwas ako sa iba.. mas nilalapit pa nya ako. Hindi ko maintindihan--" hindi ako nakapagpigil at nahawakan ko ang pareho nyang balikat ng biglaan habang sinasabi to.
"Hanggang ngayon ba nagdadalwang isip ka pa rin. Mahal ka ni Mica! Mahal na mahal." bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Pero ang cool parin nya. Ang gwapo parin nya. Sya parin si Hunter. Gusto ko parin sya. At ang sakit parin. Nasasaktan parin ako kapag naririnig na ibang tao ang iniisip nya, na ibang tao ang sinasabi nya sakin. Na ang sakit-sakit kasi... kung makisama sya sakin ay parang WALA SYANG PAKEALAM SA NARARAMDAMAN KO. :'(
"Oo. Salamat. :)" naramdaman ko ang mainit nyang kamay na biglang lumapat sa tagiliran ng mga mata ko.
"Lumuluha ang mga mata mo." ngumiti sya. Saka ko lang naramdaman na NAFOFALL NA NAMAN ako sa kanya. Kaya agad akong lumayo at pinunasan yung tinutukoy nyang luha. Na ang totoo ginawa ko lamang para matago ang tunay kong nararamdaman. Ang init. Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko. :-[ :-\
at ayoko nito... DAHIL DI TALAGA PWEDE. :-\
"Hunter." napalingon kami sa familiar na boses. Ah? ???
"Han-"
"Can I get my girl?" bigla syang lumapit at hinila ang kamay ko.
"ARAY! Hanse--" napatigil ako at napatingin sa biglang paghawak ni Hunter sa kamay ni Hansel. Napalingon din si Hansel. At parang may kuryenteng nag-uugnay sa kanila.
"Nasasaktan si Rezel." nang marinig ko yun. Lumakas ang loob kong mas piliin si Hunter. Agad kong binawi ang kamay ko.
"Hansel, di ko pwedeng iwan na lamang si Hunter. Wala pa si Mica--"
"Guys?" napalingon kaming tatlo.
Pero agad kong napansin ang malungkot na mga mata ni Mica bago pa sya fumake ng ngiti. Alam kong fake yun. Dahil disappointed ang mukha nya nung makita kaming tatlo.
"Wow. Ano yan, isang eksena." agad naman syang kumapit kay Hunter. At agad din naman akong inakbayan ni Hansel.
"Aalis na kami."
Wala na akong nagawa sa mabilis na pangyayari. Pero bago pa man ako tuluyang magpadala kay Hansel, nilingon ko silang dalwa. Tumatawa si Mica at nakangiti si Hunter. Nagulat na lang ako nang bigla syang tumingin sakin nang... may guilty ang expression ng mukha? :-\ Para saan yun Mica?