46Love

Naglakad naman ako. Babalik na ako sa table namin nang may nakasagi naman sakin.
"Sorry, mam." umayos ako ng tayo.

"Zel?.." pagtingin ko, yung waiter ???

"Ikaw na naman. Bakit mo ako kilala!? Siguro may-- argh!" aalis na sana ako. Kaso..

"Yes, Ma. Georgina is with me. I think she's ok. Don't worry. I won't let that thing happened." hindi ko alam kung ako lang ba. Pero pansin ko ang pagkawala nya ng isang linggo na ang totoo pumunta palang Paris ay may kaugnayan ba sa pagbabago nya ngayon. Parang di na sya si Hansel na kilala ko. Iba sya pagwala syang babaeng kabuntot >:( Sigh.

"Hansel!"

"Oh! Aj!?" yung babaeng yun na naman.

"Sya ba yung lalaking iniyakan mo dati dito sa Bar?" :o nanlaki naman ang mata ko. At kinilabutan sa mga pinagsasabi ng waiter na nasa likod ko.

"Iniyakan!? :o Never! Kahit na kelan, di ko iiyakan yan no. Para saan pa.. madami namang babaeng umiiyak para sa kanya..--" argh! Sinabi ko na naman. Hmf! Naiinis na naman ako. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala na lang ba ako sa mga sinabing pang-iinsulto sakin ni Jaja o iintindihin ang mga sinabi sakin nina Yumi at Erika ::)
Phew! Wala.. sumasabog ang puso't isip ko. :(

"Atsaka.. bakit mo ba ako kinukulit!? Dyan ka na." agad akong naglakad palayo. Ang waiter na yun. Akala mo kung sino.

Nagkakwentuhan sila. Oo sila habang ako kinakain ang mga pulutan nila. Hayy.. op ako. Buti pa yung Aj. Kabago bago! Hmf! Hindi ko tuloy makausap si Hansel. Hindi ko tuloy magawang magsori. :( Hmm.. siguro mamaya na lang pag-uwi. Siguro naman di na susunod ang Aj na'to.

Zzzz..



"Zel? Zel. Rezel!"

"Ah! Bakit!?" aray ang sakit ng ulo ko. Nakatulog pala ako.

"Uuwi na tayo." agad naman ako tumayo at sinundan sila.

Hinahanap ko si Yumi at Erika pero hanggang paglabas wala sya. Nakita ko lang si Hansel na kausap yung Georgina.

"Nakauwi na sina Yumi, Jj at Erika. Kami na lang daw ang maghatid sayo since ang himbing ng tulog mo." ahh.. so iniwan parin nila ako.

"So, guys, I will go home."

"Ah! Georgina, please let's us take you home." nagulat naman ako. :o Ihahatid nila yang sexy at magandang babae. E akala ko ba..

"So then, let Hansel take care of you, Rezel." kinabahan naman ako. Pero narealize ko din na siguro chance ko na'to.

"Wait, baka naman kung saan nyo dalhin si Georgina."

"Don't worry, Hansel. I know they'll treat me well." nagngitian naman sila. At hindi rin nagtagal umalis na sila.

Medyo kinabahan naman ako dahil kami na lang ni Hansel ang naiwan. At nung haharap na sya sakin--

"HANSEL! Pwede mo ba akong ihatid pauwi!?" :o :o


>:(

Argh! Ano epal na naman! Arggggh! Awa na! Wag naman sa sandaling to! Ito na lang talaga ang chance ko >:(

"Hi, Zel." naman. Bakit nagpapacute pa sya kay Hansel. Gosssh~ siguradong hindi tatanggi si Hansel. Yan ang kahinaan nya e. >:(

"Pero.. kasi kasabay ko si Rezel. Kung gusto sumabay ka na lang samin.." tumingin naman sila sakin.

"Mukhang may kasama na si Rezel e." who give her permission to call me in my name!
"Ako ba ang tinutukoy mo?" napalingon naman ako sa likod ko :o Kelan pa nagkatao sa likod ko! At.. ang waiter na naman na'to. >:(

Aba aba. Eh may itsura pala to ::)

"Ganon pala e." :o

"So tara na Hansel." agad akong lumingon sa kanila at nakita ko na lamang na nakalink na yung Aj sa braso ni Hansel habang papalayo sila sakin :o :o

"San.."

"Ouch. Ang chakit!" at sinamaan ko naman ng tingin yung lalaking nasa likod ko.