Nung magpasukan, aaminin ko, medyo nanibago ako. Wala ng Lyndon para ihatid ako. Sigh. Pero mas mabuti to. :-\ Kaya nagpakita ako sa barkada.. kumpleto. Dumating nga din sila Hansel at Angelica.. ang wala lang ay si Lyndon. Nung nasa cafeteria kami at kumakain, isang grupo ng mga kalalakihan ang dumating. Nakuha ang atensyon ko nung makitang kasama si Lyndon dun na hindi man lang tumitingin sa barkada. ??? Galit kaya sya sakin kaya pati ang barkada iniiwasan nya.
"Ihahatid ko lang si Aj, sa school nila." umalis naman sila.
"Alam mo ba ang nangyari?" bulong ni Eka. Sinenyasan naman na niya ako na tumingin sa likod ko. At pagkatingin ko, si Lyndon pala.
"Nag-away si Hansel at Lyndon, kahapon! At dahil sayo!" napalakas medyo ang pagkakasabi nya.
"Huy Erika, nasabi mo agad! Daldal mo talaga!"
"Syempre, biktima si Zel dito." nag-away?
"Alam ba ni Aj to?" nagkatinginan sila.
"Yun na nga e. Nagsimula ang lahat nung pagkaalis ni Aj para bumili ng ice cream." ice cream? "Sinuntok ni Sel si Lyndon nung sinabi ni Lyndon na kaya ka daw nya iniwan ay dahil ang boring mo daw kasama." :-\ sinabi nya yun? "Madami pang sinabi si Lyndon, hindi namin akalain na nagtitimpi lang si Hansel. Ang galing nga e, sabi nya kasi 'wala daw karapatan si Lyndon na pagsabihan ka ng masasakit na salita kasi manliligaw lang siya'. Kung siguro hanggang ngayon gusto ka pa nya, lalagyan ko yung na malisya." hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. :( Lahat ng sinabi nila Lyndon at Hansel, bumabalik sa isipan ko.
Pumunta na ako sa sunod na klase. Sa di kalayuan, naaaninag ko na si Lyndon. Magdadalwang isip pa sana ako, kaso nakita nya ako. Akala ko naman na hindi ako kailangan nya kasi umiwas sya ng tingin. Pero paglapit ko sa malapit sa pwesto nya.
"Zel."
"Lyndon? B-bakit.." nakatingin lang sya sakin.
"Wala. Pasensya ka na kung pinuntahan pa kita. Hindi na dapat, diba? Pero kasi.. gusto kong malaman kung.." bigla syang tumigil at..
ngumiti?
"Lyndon."
"Salamat at soot mo pa ang necklace. Zel, please.. wag mong ibabalik ang necklace hangga't hindi ka nagkakaboyfriend." tumingin ako sa necklace tapos sa kanya. At ngumiti.
Pinat naman nya ang braso ko at umalis. This time, alam ko na minahal talaga ako ni Lyndon. Pero I feel sorry for him kasi napunta sa wala yung feelings na yun. Argh! Bakit kasi ang hirap magmove-on kapag nasasaktan ka.
Pauwi na ako. Habang naglalakad, nakita ko pa si Lyndon. Kasama nya ang bago nyang kabarkada. Tumingin pa sya sakin. Sumenyas sya, pero di obvious. Pagkatapos nun, nag-abang na ako ng masasakyan. Saking paghihintay, bigla namang umulan.
"Shit." nakisilong naman ako sa pinakamalapit na shed. At mamaya maya..
Isang familiar na kotse ang tumigil sa harap ng shed. :o At ang mas nakakagulat ay.. nung makita ang lalaking bumaba :o
si Hansel. :'( Ibig sabihin, sinusundo..
"Get inside, Rezel?" bakit kasama si Angelica.
"Ang lakas ng ulan. Nakuu.. buti na lang at may manliligaw akong may magandang kotse. At lexus pa! :D" ilang na ilang akong pinupunasan ang kamay ko. Umaandar ang kotse. Si Hansel ang driver, at katabi naman niya si.. Angelica :-\
"Bye Hansel! Bye Rezel!" naririnig ko pa si Angelica na nagpapaalam habang kumakaway sa tapat ng bahay nila.
Nakakatuwa nga e. Nakangiti si Hansel.
Nung umandar ang kotse, nandun parin ako sa likod. Pasulyap sulyap sa kanya sa salamin. Tahimik kaming dalwa. Pero syempre di ko matiis. Nagsalita ako.
"Maswerte ka kay Angelica. Mahal na mahal ka nya." argh. Bakit ko ba to sinasabi.
"Bukas.
Tatanungin ko sya kung pwede ko na syang maging girlfriend." parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko.