7Love

"Papayag ka rin naman pala eh." sabi ni Yumi habang kumakain ng mani. Mukhang naoOP naman kaming dalwa dito eh.

"Seryoso ka ba sa pagpapaligaw sa dalwang yun? I mean...the so called destiny,?" tumigil sya panandalian.

"Bakit, sa tingin mo sasagutin ko ang isa sa mga yun. Gusto ko lang na makita ako ng ex kong yun. Gusto kong makita nyang na hindi naman talaga ako affected." umayos ako sa pagkakaupo at lumapit sa mukha ni Yumi.

"Umiiyak ka eh." tumingin din sya sakin. Mga 1 inch lamang ang distansya ng mukha namin.

"Mangkukulam ka ngang talaga." aba't! Biglang kumulo ang dugo ko. >:( Buti na lamang at may biglang dumating.



at.....nagkatitigan kami. As in! Nagkasalubong ang mga mata namin. Natigil lang yun ng biglang sumingit yung Hansel. Poot! Akala ko katapusan ko na.

"Sorry late ako." ang mga boses nya. Hmm...niyakap ko naman ng mahigpit ang mga tuhod ko.

"Okay lang. Ang gf mo?
Di mo pinayagang sumama noh. Haha! Wala ka talagang kwentang boyfriend." bf, gf, haha :'( Ang sakit.

"Nakakairita ang boses nya." bulong ko.

"Sino, si Hansel? Imposibleng si Hunter, inlove ka dun eh.
So yun pala, kaya di ka nya pinuntahan sa usapan." tumayo naman ako at kinuha ang baso ko.

"Hihingi ako ng juice." kaasar! Bakit di ko naisip na magkaibigan nga pala ang tatlong yun. Hunter-Jj-Hansel. Tss...gusto ko kay Hunter lang ako mapalapit.


glok.glok.

"Pwede bang humingi?" napalingon ako sa likod ko habang nasa bibig ko pa ang baso ko. :o Medyo nagulat ako ng kinausap nya ako.

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang pitsel sa kanya. At pagkatapos, basta na lamang syang umalis ng parang walang nangyari. Hayy....buhay! Kailan kaya magiging tayo, mahal ko! Pweh! Kabaduy ko! ;D ;D


"Bored?"

Walang kabuhay-buhay kong nilingon yung lalaking nagsalita. Sya lang pala. Napalingon naman ako kay Yumi. Kasama nya si Jj.

"Nakakapoints na ata ang kaibigan mo sa bestfriend ko." ako lamang ang lumingon sa part ni Yumi. Mukha talagang tanga yung Jj. Pero...mukha talagang walang pakealam si Yumi. Ang nerd na yun. Tsk! Hayy...

"Kalimutan mo na si Hunter hah?" nagulat ako sa sinabi nya. :o Ano bang alam ng lalaking to.

"Gusto ko nga siya eh. Sabihin mo sa kanya yun hah!" lumeaned ako sa parang balcony.

"Di nga pwede, guguluhin mo lang si Hunter. May gf na sya. At ayaw nya ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, lalo na ngayong kailangan magfocus sya sa gf nya than his studies. Selosa ang gf nya. At napakahirap maging bf ni Hunter." nakatingin lamang ako sa kanya.

"Pero gusto ko--"


"Tama na!" tumingin sya sakin ng seryoso. "Maiisip mo rin balang araw na infatuated ka lang sa bestfriend ko."