38Love

"Rezel!" sabay sabay silang napatingin sakin. Na parang madaming katanungan sa kanilang mga mukha. Pinilit kong ngumiti at naupo.

Kumain lamang ako.

Pero ganon parin ang mga tingin nila. Walang gustong umimik. May halong pag-aalala ang mga mukha nila.

"2 days from now. Siguradong nasa Paris na si Hunter. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pag-alis nya. Pero sigurado ako, hindi dahil sa gusto nyang iwan tayo ng basta. Talagang... " hindi ko alam pero may namumuo muo ng luha sa mga mata ko. "Wala talaga akong alam!" tumungo ako at sumubo. Kasabay nun ang pagpatak ng luha ko kay tumungo agad ako.

"Sabi nya gusto ka daw nya makasama bago sya umalis."

"Nagpaalam nga sya e." natigilan ako.

"Akala ko naman, nagkakamabutihan na kayo. Yun pala.. hindi mo rin sya naihatid." halos bumigay na ako. Umiiyak na naman ako. Agh! Kaiinis naman o! :'(

"Rezel.."


"Guys!" napatigil naman ako pagkarinig sa boses na yun.

"Hansel?"

"Hindi ako sasabay mamaya. Mabuti ng alam nyo! Sige.." naaninag ko pang may kaakbayan syang babae. Ang saya nga nila e.

Hindi ko napansin natatawa na lang ako.

"Bakit?"

"Hayy.. bakit ba unti unti na lang tayong nauubos?" tumayo ako at pinahid ang luha ko.

"Sa tingin ko. Madami pa akong gagawin." hindi ko na tiningnan pa sina Yumi at Jj. Agad na akong umalis.

Umattend ng klase. Nakinig ng lecture. Nakinig saking prof. Nagpakabusy. Ngumiti sa mga taong kumakausap sakin. Gumawa ng lahat ng bagay para hindi masayang ang oras ko.
Gagawin ko na naman to.

Ang magpanggap. :'(


Nakakapagod. Gusto ko namang sumaya. Gusto kong malibang. Gusto kong makalimot. Gusto kong matulog. Gusto kong matulala. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Pero naisip ko rin.. baka hindi na ako makaahon. Baka mabaliw lang ako. Magmukhang tanga ..

"Rezel." napalingon naman ako. Si Yumi.

"Hm?" wala sa mood ko syang sinagot. Tiningnan ko naman sya. Wala si Jj. ???

"Tara. May gusto akong puntahan." hinatak nya ako kabiglaan.


Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Pero hindi ko naisip na magtanong. Basta bigla na lang kaming sumakay sa taxi na tumigil sa harap namin. Tapos dahil wala ako sa mood hinayaan ko na sya.

Ang hapdi ng mata ko. Agh. Pero hindi naman halata e. Okay lang yan. Singkit naman ako e. Hehe.

??? Bumaba naman kami sa isang ... maingay na lugar. May mga taong lumalabas na magugulo o amoy ??? >:(

"Bakit tayo?-" basta naglakad si Yumi at sinundan ko naman sya.
Dun kami tumigil sa malapit sa may bartender. Pinaupo nya ako ???

"Wag mong sabihing balak mo akong lasingin tapos rerapin?" natatawa kong sabi. Pero seryoso parin sya.

"MagcCR lang ako. Wag kang aalis dyan."

"Sandali! Huy! Wag mo akong.." hindi ko na tinuloy. Useless. Ang ingay dito.

"Ma'am, what do you want to drink!" tiningnan ko lang sya. Ngiting ngiti naman sya. Gwapo ang bartender na'to. Feeling ko tuloy ang ganda ko. Nginingitian ako ng gwapo :D
Umiling lang ako.

"Hindi ako umiinom. NagCr lang yung kasama ko." nagbago ang expression ng mukha nya. Nagulat naman ako ng bigla syang lumapit :o

sa tainga ko..


"What Ma'am!?" ngumiti uli sya. Tapos naamoy ko yung pabango nya.


*sob*

"Ma'am!.." nag-alala sya. Nalungkot. At nataranta. Umiiyak na naman ako. Yung pabango kasing yun, yun yung pabangong pinaglalaruan namin ni Hunter sa may perfume botique. :'( :'(

Naaalala ko sya! :'(



Pumikit ako.

"Miss.." nabigla ako ng may dumamping malambot na bagay sa may pisngi ko. Panyo?

"Wag ka ng umiyak." agad ko namang nilagay ang kamay ko sa mukha ko. Iyak ako ng iyak.

"Excuse me." nafeel ko namang umalis agad yung bartender at hinawakan ni Yumi ang likod ko.


Niyakap nya ako.


"Sorry huh kung wala akong magawa. Wala akong magic para ubusin ang luha mo." hikbi ako ng hikbi.








Sana. Wala na lang akong nararamdaman.