"Kung gusto mong pumunta, pumunta ka." paalis na ako nang makalimutan kong nakahawak nga pala sya sa kamay ko. Tiningnan ko sya.
"Oh kitams, di mo rin ako matitiis eh." tiningnan ko sya ng masama.
"Ang kamay ko." >:(
"Huh?"
Binawi ko naman agad. Tss~ Wala talaga ako sa mood.
"Hansel, ano na, sabi mo pupunta tayo ng bar?"
"Oo naman basta ikaw. 8)"
"Aw tara na nga!"
Tss~ >:( Ang landi talaga. Akala mo naman kung sinong gwapo. Okay aaminin ko gwapo nga, pero mas gusto ko naman ang mukha ni Hunter.
tik.tak.tik.tak. Pagkagising ko. Ang una ko agad nakita ay sahig. Ang likot ko talagang matulog. Umayos ako ng tayo at tiningnan kung ano na bang oras. 10 na? Hmm.. Nasaan naman si Yumi? Di man lang ako ginising. Hmf! Wala talaga syang pake sakin no! OP na nga ako dito sa sitwasyon ko eh. >:(
Naglakad lakad ako at hinanap sila sa resort. Wala sila sa tambayan. Buti na lang nakasalubong ko si Jj. [BF NI YUMI] (-.-) Ito na naman ang weird na feelings ko.
"Goodmorning Rezel!" aish. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit sinagot sya ni Yumi? Eh si Lance nga e [EX NI YUMI] 3 buwan nanligaw kay Yumi. At magkaibang magkaiba si Yumi at itong si Jj. ???
"Asan sila?" tinanong ko na lamang para may masabi ako.
"Hayun oh, nagsuswimming." tumingin naman sya sakin ulo hanggang paa. >:(
"Bakit ka ganyang makatingin?!"
"Nagsuswimming nga kami diba! Eh ikaw Rezel, ano bang gagawin mo dito at nakashort at T-shirt ka?" medyo nagulat ako sa sinabi ni Jj. Oonga naman, di man lang ba ako nag-iisip.
Argh! Useless din, wala rin naman akong dalang swimsuit o bikini. :-[
"Gusto mo ihatid kita sa kwarto nyo. Magpalit ka."
"Hindi na kailangan! Hindi ako magsuswimming. Kakain ako." nagwalk-out na ako.
Pagdating ko naman dun, ang unang hinanap ko ay si Hunter. [HOBBIES KO] at nakita....ko naman. Hehe mag-isa sya. Nakaupo lamang dun. ::) Lapitan ko kaya.
"Wag mo ng subukan. Umalis lang naman si Mica para magpalit ng bikini. At ikaw..." tiningnan ko si Yumi. :o
"Wow! Bumagay sayo Yumi ang 1 piece! Wow. May maipagmamalaki ka pala!" hinampas naman nya yung stick ng barbecue sa may ulo ko na kakaubos lamang nya.
"Wah! Malagkit yan! Hoy!" >:(
"Ikaw. Wala kang balak magpalit? Para naman....maipakita mo kay Hunter na mas karapat dapat ka kaysa kay Mica?" ihihi~ oonga noh! 8)
"Hunter!!!" napalingon kami parehas ni Yumi sa biglang sumigaw. Lumingon din si Hunter ..... Sa babaeng tumatakbo papalapit sa kanya. Na....nakabikini. :o :o :-*
:-[ Napatungo ako at napakagat labi.
"Naghintay ka ba ng matagal?"
"Hmm...hindi naman. Tara kain na tayo."
thump.thump.thump.thump. :'( Haha!- ha-Ha! Ang....ganda ni Mica. At ang SEXY pa. Wala naman dapat ikataka kung bakit sya nagustuhan ni Hunter diba. Hmm... :(
"Mukhang di na kailangan Rezel. Kahit siguro magsoot ka ng 2 piece ngayon din, wala ring mangyayari. Hindi ka parin mapapansing ng One True Love mo." tinap ako ni Yumi. "Kung kaya mong makisama sa kanila at magpretend na hindi ka nasasaktan, kumain ka dun. Pero kung hindi, hintayin mo na lang silang matapos." umalis na siya.
Hmm... :( Ano bang minumuni muni ko. Sa simula pa lang. Dapat sinanay ko na ang sarili ko na masasaktan at masasaktan ako. Normal lang na maramdaman ko to, kung patuloy kong pagpapantasyahan si Hunter. Tama...kailangan talaga, HINDI NA AKO TUMINGIN KAY HUNTER.
Ang ganda ng dagat. So peaceful. So blue. Hayy.... Sana makamove-on na ako! Ngayon din! :-\
"Tara na Hansel, magvolleyball na tayo dun!" may biglang dumaan sa harapan ko. At kinairita ko na naman. Ang tatlong to na naman. Maglalandian na naman ba sila dito sa harap ko. >:(
"Aw... Ayokong mabasa. Tingnan nyo soot ko."
"Edi maghubad ka." :o Nabigla naman ako ng makita na mismong yung dalwang babae na ang naghuhubad sa kanya.
At..... Tuluyan ng nahubadan si Hansel. :o :o :-[ Ang.... HOT!!! I mean ... may abs din sya gaya ni Hunter. Pareho silang makinis. Ah basta...ang HOT ni Hansel. Waaaahahaha! Binabanas ako. :o :-[ :-[
"Hmm..." :o :o :o napalunok laway ako.
"Uy, BESTFRIEND! Bakit ka nakatitig sakin? 8)" napaiwas naman ako ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Totoo ba? Totoo ba? Nakatitig nga ba ako sa kanya!!?